Monday , November 29 2021

Karibal sa BF sinaksak ng bebot

TARGET ng awtoridad ang isang 25-anyos babae makaraan saksakin ang kapwa babae na sinasabing “apple of the eye” ng kanyang boyfriend sa Marikina City kamakalawa.

Kinilala ni Senior Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina City Police, ang suspek na si Maybelle Jasmine Estanislao, nakatira sa 254 E. Dela Paz St., Brgy. Sto. Niño ng lungsod.

Habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Marjorie Chavez, residente ng 68 J.P. Rizal St., Lamuan, Marikina City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ruben Candelario ng Investigation and Detective Section, dakong 2:40 p.m. sinugod ng suspek ang biktima sa kanilang bahay at nang magkaharap ay pinagsasaksak sa iba’t ibang parte ng katawan saka tumakas.

Nabatid ng mga awtoridad, matinding selos ang ugat ng krimen sa paniwalang inaagaw ng biktima ang boyfriend ng suspek.

Nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya para maaresto ang tumakas na suspek.

About Ed Moreno

Check Also

Jeffrey Hidalgo Angeli Khang

Jeffrey Hidalgo sumabak na rin sa pagdidirehe ng bold

FACT SHEETni Reggee Bonoan SPEECHLESS kami sa trailer ng bagong erotic drama movie ng Viva …

P251-K bato kompiskado HVT sa Pasig arestado

NASAKOTE ng mga awtoridad ang 33-anyos lalaki, pangsiyam sa high value targets (HVT), sa ikinasang …

Sa Bulacan
24 LAW OFFENDERS DERETSO SA HOYO

ARESTADO ang 24 katao, pawang lumabag sa batas, sa iba’t ibang operasyon na inilatag ng …

Alitangya sumalakay sa Pampanga

NAITALA sa ilang lugar sa lalawigan ng Pampanga ang pananalasa ng rice black bug o …

PCSO STL PNP NBI

Ayuda sa NBI, PNP
P52.2-M PCSO STL SALES INILAAN SA HEALTHCARE

NANAWAGAN ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau …

Leave a Reply