Tuesday , November 29 2022

‘Hiniram’ na anak niluray ng ama

NAGA CITY – Inireklamo ang isang padre de pamilya makaraan halayin ang sariling anak sa Lucena City.

Sa ipinadalang impormasyon ng Quezon Police Provincial Office, personal na dumulog sa opisina ng pulisya ang isang ina kasama ang 3-anyos anak para maghain ng reklamo sa dati niyang karelasyon.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nagkaroon nang hindi pagkakaintindihan ang ina ng biktima at ang 25-anyos suspek tungkol sa kustodiya ng kanilang dalawang anak.

Dahil dito, nagdesisyon ng suspek na hiramin muna ang biktima at doon pinaliguan ang menor de edad.

Pagkatapos ay agad ipinaalam ng biktima sa kanyang ina ang nangyari nang paliguan siya ng ama.

Nabatid na ipinasok ng suspek sa pribadong bahagi ng katawan ng biktima ang kanyang daliri.

Nang mabatid ang nangyari, hindi nagdalawang isip ang ina ng biktima na ipahuli ang suspek.

Sa ngayon, nasa kostudiya na ng mga awtoridad ang suspek na nakatakda sampahan ng kasong rape.

About jsy publishing

Check Also

shabu drug arrest

P.8-M shabu sa Vale
HIGH VALUE INDIVIDUAL, KALABOSO

BAGSAK sa kulungan ang isang lalaki na listed bilang high value individual (HVI) matapos makuhaan …

Navotas Greenzone Park

Navotas Greenzone Park binuksan

PINANGUNAHAN ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco, kasama si Metropolitan …

Arrest Posas Handcuff

Rank 10 MWP ng PRO8, huli ng NPD

ARESTADO  ang isang lalaki na nakatala bilang rank 10 most wanted person (MWP) sa kasong …

congress kamara

 “Caregivers Welfare Act” pasado sa Kamara

SA BOTONG 271, inaprobahan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 227 …

Quezon City QC

QMC idineklarang child labor-free zone — Belmonte

KASABAY nang pagdiriwang ng National Children’s Month, idineklara ng lokal na pamahalaan ng Quezon City …

Leave a Reply