Friday , July 26 2024

Driver tinodas sa carwash

PATAY ang isang driver makaraan pagbabarilin ng dalawa sa tatlong hindi nakilalang suspek habang naghihintay na ma-carwash ang minamanehong truck sa Malabon City kahapon ng umaga.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Juanito Mabini, 56, driver ng Ludy Cruz Chicken Dealer, at residente ng Flovi Homes 6, Brgy. Tonsuya ng lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Iniutos ni S/Supt. Severino Abad, hepe ng Malabon Police, ang manhunt operation laban sa tatlong suspek na naglakad lamang papasok sa Kadima Letre ng nasabing barangay makaraan ang pamamaril.

Sa ulat ni PO3 Rommel Habig, dakong 6:30 a.m. nang maganap ang insidente sa isang carwash station sa P. Aquino Ave., kanto ng Pinagsabugan St., Brgy. Longos. 

Rommel Sales

About jsy publishing

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *