Tuesday , December 6 2022

Bus nahulog sa bangin 1 kritikal, 25 sugatan (Driver inaantok)

NAGA CITY – Sugatan ang 25 katao habang kritikal ang driver makaraan mahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus sa Brgy. Abuyon, San Narciso, Quezon, kamakalawa.

Ayon kay SPO1 Isagani Delos Santos, dakong 3:30 a.m. nang mahulog sa bangin ang Balgro transport bus sa nasabing lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, posibleng dahil inaantok kaya’t nawalan ng kontrol ang driver sa pagmamaneho at nangyari ang insidente.

Sinasabing tatlong beses bumaligtad ang bus nang mahulog ito.

Bunsod nito, kritikal sa ospital ang hindi pa nakikilalang driver habang sugatan ang kondoktor at mga pasahero.

Patungo sa bayan ng San Andres ang nabanggit na bus mula sa bahagi ng Maynila.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

About jsy publishing

Check Also

Money Bagman

MWF hindi na bago – GMA
Makabayan tutol sa panukala

HINDI na bago ang pagbuo ng isang sovereign wealth fund kagaya ng Maharlika Wealth Fund …

High-rise housing projects BLISS

High-rise housing projects tugon sa kakapusan ng disenteng tirahan

IKINOKONSIDERA ng pamahalaan ang pagtatayo ng high-rise housing o matataas na yunit ng pabahay upang …

Sonny Angara Money Senate

Aprobado sa bicameral conference committee
P5.27-T NAT’L BUDGET RATIPIKADO SA SENADO
P10-B ng NTF-ELCAC, P150-M DepEd confidential funds ibinalik

RATIPIKADO na sa senado ang inaprobhang Bicameral Conference Committee report o ang P5.27 trilyon national …

120622 Hataw Frontpage

Pondo ng SSS, GSIS para sa Maharlika  ‘unconstitutional’ — retired SC justice

ni ROSE NOVENARIO UNCONSTITUTIONAL o labag sa Konstitusyon ang paggamit ng investible funds para sa …

dead gun police

Karinderya pinaulanan ng bala
2 PATAY, 2 SUGATAN

AGAD namatay ang dalawang lalaki habang sugatan ang dalawang iba pa nang paulanan sila ng …

Leave a Reply