Saturday , December 10 2022

Good moral certificate ipinagkait sa salutatorian

MAKARAAN mabigo sa husgado at sa paaralang pinagtapusan noong high school, nagpapasaklolo sa Court of Appeals (CA) ang salutatorian ng Santo Niño Parochial School (SNPS) sa Quezon City, na si Krisel Mallari upang obligahin ang nasabing eskwelahan na magpalabas ng certificate of good moral character na kailangan niyang maisumite sa University of Santo Tomas (UST) na kuwalipikado siya sa kursong accountancy.

Ang extremely urgent petition (for certiorari and mandamus with prayer for temporary restraining order/writ of preliminary injunction and motion to submit case for oral Aargument), ng 16-anyos na si Krisel, ay inihain sa CA sa pamamagitan  ng kanyang amang si Ernesto Mallari at ni Public Attorneys’ Office (PAO) chief, Atty. Persida Rueda Acosta dahil siya ay menor de edad at wala pang trabaho o ano mang pinagkakakitaan.

Kabilang sa mga respondent sa petisyon si Judge Alfonso Ruiz ng Quezon City  Regional Trial Court Branch 216, ang Santo Niño Parochial School (SNPS) at school registrar na si Mrs. Yolanda Casero.

Sa kanyang petisyon, iginiit na nakagawa ng grave abuse of discretion si Judge Ruiz nang hatulan agad ang kanyang petisyon nang magpalabas ng order ang DepEd na walang derogatory record sa SNPS si Krisel, bagama’t hindi pa ito naipripresenta sa korte.

“…the RTC practically disposed of the merits of the application for injunctive relief and worse, of the case…  when the hearing on Krisel’s application was discontinued, presentation of her evidence was not yet concluded; and SNPS and Mrs. Casero have yet to present their evidence…By stating that the school cannot be compelled to issue a certificate if indeed the student lacks good moral character… the RTC already arrived at a conclusion on the character of Krisel,” ayon sa petition.

Ayon pa sa PAO chief, kaduda-duda rin na agad pinanigan ng hukom ang SNPS at registrar na si Casero nang ideklara na rasonable ang hindi pagpapalabas ng certificate of good moral character para sa salutatorian.

Leonard Basilio

About jsy publishing

Check Also

RDF geocycle Holcim Angono Rizal

Sa Angono, Rizal
BASURA GINAMIT BILANG GASOLINA

KASALUKUYANG gamit ng lokal na pamahalaan ng Angono, sa lalawigan ng Rizal, ang modernong teknolohiya …

road accident

Sa Isabela
2 KAWANI NG DA PATAY SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang dalawang empleyado ng Department of Agriculture – Cordillera nang banggain …

Arrest Posas Handcuff

Rank No. 1 MWP ng Southern Leyte tiklo sa Bulacan

INARESTO ang isang lalaking nakatala bilang Rank no. 1 most wanted person (MWP) ng Southern …

Bocaue Bulacan Fireworks Rodolfo Azurin Daniel Fernando

Bulacan Fireworks capital sa Bocaue ininspeksiyon ng pulisya, Kapitolyo

DALAWANG linggo bago ang holiday season, ang Bulacan provincial government sa pakikipagtulungan ng Philippine National …

Bulacan

Sa ika-22 Gawad Kalasag
“BEYOND COMPLIANT SEAL OF EXCELLENCE” IGINAWAD SA BULACAN

NILAMPASAN ng lalawigan ng Bulacan ang pamantayan para sa pagtatayo at pagresponde ng Local Disaster …

Leave a Reply