Wednesday , December 17 2025

TimeLine Layout

October, 2016

  • 24 October

    Suportang peke kay PDU30 ni Erap

    IPINAGDULDULAN na naman ni ousted president at certified convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada na ikompara ang madungis niyang pagkatao kay Pang. Rody Duterte kamakailan. Gusto pa yatang palabasin ni Erap na napaniginipan lang natin nang tawagin niyang “walang finesse” o bastos at insultohin pa na “pang-Davao” lang si PDU30 noong panahon ng kampanya. Kung makaiimbento lang siya ng “press release” …

    Read More »
  • 24 October

    Panahon na para ipakita ang lakas ng ating pagkakaisa

    MARAMI ang nangangamba na magdudulot ng masamang epekto sa ating bayan ang mga pahayag laban sa mga Amerikano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Beijing. Bakit daw kailangan putulin ang ating pakikipag-ugnayan sa US? Nakalulungkot na nakikita ng mga kababayan natin ang maaaring masamang epekto ng pagputol sa kasalukuyan nating ugnayan sa U.S. pero hindi nila nakikita ang nagaganap na masamang …

    Read More »
  • 24 October

    Hinihilot sa SC ang Marcos burial

    Sipat Mat Vicencio

    NAKAPAGTATAKA kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakapagdedesisyon ang Supreme Court sa paglilibing kay Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB). Dalawang beses nang naudlot ang pagtalakay sa petisyon na huwag payagan ang pagpapalibing kay Marcos sa LNMB nang iutos muli ng Korte Suprema ang Status Quo Ante Order, at palawigin pa ang pagtalakay nito na …

    Read More »
  • 24 October

    Hanggang China si De Lima pa rin

    Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

    HANGGANG  sa bansang China, dala pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang sobrang galit kay Senadora Leila de Lima na umano’y sangkot sa malawakang drug trade sa New Bilibid Prison (NBP). Ipinangako ng Pangulo na magagaya siya sa dating Pangulong Gloria Macapagal, at ang pagkakaiba lamang ay mabubulok si De Lima sa bilangguan at walang kaukulang piyansa dahil matitibay …

    Read More »
  • 23 October

    6 batang hamog inararo ng tren 3 patay, 3 sugatan (Nakatulog sa riles)

    PATAY ang tatlong batang hamog habang tatlo ang sugatan kabilang ang naputulan ng dalawang hita at kaliwang kamay at sugatan sa ulo, makaraan araruhin nang rumaragasang tren ng PNR sa Sta. Cruz, Maynila nitong Sabado ng umaga. Kinilala ang namatay na sina Andrea Regino, 13; alyas Jane, 13; at Sandy Guillen, 13-anyos. Naputulan ng dalawang hita si Anthony de Mesa, …

    Read More »
  • 23 October

    US may pakana ng terorismo sa PH — Digong

    KINOMPIRMA ni Pangulong Rodrigo Duterte na matagal nang may kamay ang Amerika sa paghahasik ng terorismo sa Filipinas, partikular sa Mindanao, na lalong nagpaningas ng galit niya kay Uncle Sam. Sa press conference kamakalawa ng gabi sa Davao City Airport, tahasang tinukoy ng Pangulo na limang taon na naglabas-masok sa Davao City ang Amerikanong si Michael Terrence Meiring, isang Central …

    Read More »
  • 23 October

    Terorismo inimporta ng Amerika (Digong kay Trump)

    INIMPORTA ng Amerika ang terorismo sa kanilang bansa kaya dapat aminin ito sa sarili ni Republican presidential bet Donald Trump, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ng Pangulo sa press conference sa Davao City  Airport kamakalawa ng gabi, bagama’t wasto ang pagkabahala ni Trump sa terorismo sa Amerika ngunit kailangan suriin ang isyu nang malaliman upang mabatid ng presidential bet …

    Read More »
  • 23 October

    RELASYON SA US ‘DI PUPUTULIN — DUTERTE

    DAVAO CITY – Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi “separation of relation/ties” ang kanyang naging deklarasyon sa state visit sa China laban sa Amerika kundi “separation of foreign policy” lamang. Ito ang sagot ng Pangulo nang tanungin kung tatapusin na ng Filipinas ang relasyon sa Estados Unidos makaraan ang kanyang deklarasyon na nagdulot ng kalituhan. Ayon kay Pangulong Duterte, …

    Read More »
  • 23 October

    7-anyos nene niluray, pinatay ni ninong

    BINAWIAN ng buhay ang isang 7-anyos batang babae makaraan gahasain at paluin ng matigas na bagay sa ulo o iniuntog sa semento sa loob ng sementeryo sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon Police chief, Senior Supt. John Chua ang biktimang si Maria Nelia Ramos, residente sa Acero St., Brgy. Tugatog ng nasabing  lungsod. Habang naaresto ang suspek …

    Read More »
  • 23 October

    Sariling pamilya sinilaban ng ama 1 patay, 3 sugatan

    LA UNION – Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang padre de pamilya bunsod ng third-degree burns habang sugatan ang kanyang misis at dalawa nilang anak makaraan sunugin ang kanilang bahay sa Brgy. Maria Cristina West, Bangar, La Union kamakalawa. Ayon sa ulat, pasado 11:00 pm habang umiinom ng kape ang mag-asawa nang sabihin ng ginang na nais niyang bumalik …

    Read More »