Wednesday , December 17 2025

TimeLine Layout

December, 2016

  • 5 December

    Kainan inararo ng truck, 2 kritikal

    NAGA CITY- Kritikal ang kalagayan sa ospital ng dalawang menor de edad makaraan araruhin ng truck ang isang kainan sa lungsod ng Naga kahapon. Kinilala ang mga biktimang sina Rocky Lupon, 4-anyos, at Anamarie Cielo, 16-anyos. Ayon sa ulat, pasado 9:45 am habang binabaybay ng isang elf truck na minamaneho ni Norberto Trias, 34-anyos, ang kalsada sa Brgy. Cararayan sa …

    Read More »
  • 5 December

    Sa Lucena 1 patay, 2 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

    NAGA CITY – Isang lalaki ang patay habang dalawa ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Diversion Road, Brgy. Domoit, Lucena City kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Regie Agunoy, 35-anyos, habang sugatan ang mga kasama niyang sina Renie Enteliso, 42, at Nikki Enteliso, 18. Binabaybay ng isang van na minamaneho ni Enteliso ang kahabaan ng kalsada sa naturang …

    Read More »
  • 5 December

    Drug suspect itinumba

    NATAGPUANG patay ang isang lalaking hinihinalang sangkot sa droga sa isang damuhan sa gilid ng kalsada sa Brgy. Taal, Bocaue, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Ayon sa ulat, ang biktima ay natagpuang balot ng packaging tape ang buong mukha at nakagapos ang mga kamay at paa. Napag-alaman, may iniwanang karatula sa katawan ng biktima ang mga suspek na may hashtag ma …

    Read More »
  • 5 December

    Suspek sa murder utas sa parak

    BINAWIAN ng buhay ang isang 26-anyos drug suspect, itinuturong nasa likod nang pagpatay sa kapwa tulak ng droga, makaraan lumaban sa mga pulis na umaaresto sa kanya kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila. Ang suspek na si Rommel Berdan, alyas Muslim Bata, miyembro ng Batang City Jail, residente ng Road 10, Marcos Highway, Moriones St., Tondo, ang itinuturong siyang responsable …

    Read More »
  • 5 December

    Sangkot sa droga pinatay sa harap ng asawa

    PATAY ang isang lala-king sinasabing sangkot sa ilegal na droga makaraan pagbabarilin sa harap ng kanyang misis ng tatlong hindi na-kilalang lalaking hinihinalang mga miyembro ng vigilante group kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Roberto Pastor, 36, ng Block 24, Lot 5, Celina Subdivision, Saranay Homes, Brgy. 171, Bagumbong ng lungsod. Ayon kay …

    Read More »
  • 5 December

    Concepcion gun for hire group, niratrat sa Albay

    LEGAZPI CITY- Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pamamaril sa isang miyembro ng Concepcion gun for hire group sa Libon, lalawigan ng Albay kamakalawa. Ito ay isang araw makaraan iutos ni Bicol Police Regional Director Chief Supt. Melvin Buenafe ang paghahanap at pagdakip sa miyembro ng notorious na Concepcion group. Pinagbabaril ng dalawang armadong lalaki ang kasalukuyang nanunungkulan bilang barangay …

    Read More »
  • 5 December

    Bebot patay sa boypren na may ibang kasiping

    DAVAO CITY – Pinatay sa sakal ng kanyang boyfriend ang isang babae na nakasaksi sa pagtatalik ng suspek at ng ibang kasintahan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Jennifer Custodio Marbebe, 22, residente ng Block 30, Lot 16, Relocation, Brgy. Los Amigos, Tugbok District, Lungsod ng Davao. Suspek sa krimen at nahaharap sa kasong murder ang nakatakas na si Alquin dela …

    Read More »
  • 5 December

    FPJ’S Ang Probinsyano ni Coco no.1 sa Dubai at Saudi (Dinumog ng fans na Arabo at Pinoy sa Isang Pamilya Tayo Show)

    Very deserving si Coco Martin sa lahat ng malalaking blessings na patuloy na tinatanggap niya sa Itaas para sa kaniyang career. Kasi naman si Coco ang aktor na hindi kailanman pinagbago ng kanyang kasikatan. Hayan at habang patuloy na pinipilahan sa takilya ang movie nila ni Vice Ganda sa Star Cinema na “The Super Parental Guardians” kasama sina Onyok at …

    Read More »
  • 5 December

    Comeback movie ni Sharon sa Star Cinema tuloy na (After 6 years…)

    AFTER 6 years leave of absence in doing films, ay kumpirmadong balik-pelikula na sa susunod na taon si Sharon Cuneta sa Star Cinema at sa gagawing indie film na “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha” na intended sa Cinemalaya sa 2017 na siya ang artista at producer at si Mes de Guzman na nag-direk ng pelikula ni Nora Aunor ang nakatakdang mag-direk …

    Read More »
  • 5 December

    Away bata, pinalaki lang daw ni Claudine

    CLAUDINE Barretto strikes again! Ngayon naman ang tinatalakan ni Claudine ay ang hindi niya pinangalanang kaanak umano ni Raymart Santiago dahil sa ginawang pananakit sa kanilang anak na si Santino. Inilabas pa ni Claudine ang resulta ng tests sa ospital ng kanyang anak na sinasabi ng mga doctor na dumanas ng trauma dahil sa nangyari. Nagbabanta na naman si Claudine …

    Read More »