Saturday , December 20 2025

TimeLine Layout

February, 2017

  • 22 February

    Apo Whang-Od, idolo at fan ni Coco Martin

    NAKATUTUWA ang larawang nakuha namin na ipinadala ng isang kaibigan. Iyon ay ang larawan ni Apo Whang-Od na nakasuot ng T-shirt na may mukha ni Coco Martin. Napag-alaman naming idolo ng living legend at natitirang mambabatok (traditional Kalinga tattooist) ang actor. Katunayan, hindi ito natutulog o bumibitaw sa panonood ng FPJ’s Ang Probinsyano hangga’t hindi natatapos ang teleserye. Si Apo …

    Read More »
  • 22 February

    Angelo Carreon, posibleng gumawa ng project kasama ang Megastar

    NATUWA kami nang nakita ko sa Facebook na may photo si Angelo Carreon kasama ang Megastar na si Sharon Cuneta. Kaya nag-pm ako sa kanya para usisain kung may project ba siya with Sharon. “Yes po, soon. Show po yata ang gagawin namin, pero not sure pa po,” saad sa amin ni Angelo. Dagdag pa niya, “Sabi po kasi ni …

    Read More »
  • 22 February

    Katrina Legaspi, thankful sa pagiging bahagi ng A Love To Last

    MASAYA si Katrina Legaspi na naging parte siya ng isa sa pinakakikiligang TV series nga-yon sa ABS CBN, ang A Love To Last na tinatampukan nina Bea Alonzo at Ian Veneracion. “I’m very happy and blessed. Thankful po ako sa kanila dahil naaalala pa rin nila ako at grateful na nabibigyan po ako ng projects. They believed in my talent …

    Read More »
  • 22 February

    Duterte bumalik sa peace talks

    NAGBAGO ang isip ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura ang peace talks, at tiniyak na magkakaroon ng estratehikong pagbabago sa landas tungo sa kapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at kilusang komunista sa panahon ng kanyang administrasyon. Ito ang resulta ng pulong ni Pangulong Duterte sa National Democratic Front (NDF) – recommended cabinet members na sina Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, …

    Read More »
  • 22 February

    Sa Tanay tragedy: Field trips itigil muna — CHEd

    ISINUSULONG ng isang opisyal ng Commission on Higher Education (CHEd), na ipagbawal ang lahat ng educational tours habang iniimbestigahan kung paano nauwi ang isang field trip sa trahedyang kumitil sa 15 indibidwal sa Tanay, Rizal. Ani CHEd commissioner Prospero de Vera, hihikayatin niyang maglabas ang CHEd en banc ng moratorium sa mga field trip, upang maayos na masuri ang insidente …

    Read More »
  • 22 February

    Waiver sa field trips walang bisa — CHEd exec

    CHED

    HINDI maaaring talikuran ng paaralan ang responsibilidad sa mga estudyante, sakaling magkaroon ng aksidente ang isang school event, kahit may pinirmahang “waiver” ang mga magulang o guardian ng mga mag-aaral. Ito ang iginiit ng dalawang miyembro ng academe nitong Martes, makaraan maaksidente ang isang bus sakay ang mga estudyanteng magfi-field trip sa Tanay, Rizal, nagresulta sa pagkamatay ng 15 katao. …

    Read More »
  • 22 February

    Ayon sa LTFRB: Driver sa fields trips dapat may sertipikasyon

    ltfrb

    NAIS ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na mapatibay ang ugnayan sa Commission on Higher Education (CHEd), para maiwasang mauwi ang mga field trip sa aksidente, tulad nang ikinamatay ng 15 katao nitong Lunes. Sa panayam ng DZMM, sinabi ni LTFRB board member Atty. Aileen Lizada, napag-alaman nilang nakikipag-ugnayan ang CHEd sa mga lokal na pamahalaan, at iba …

    Read More »
  • 22 February

    P277-M gastos ni Duterte sa foreign trips

    UMABOT  sa P277 milyon ang ginatos ng pamahalaan  sa pitong foreign trips ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, sa 12 bansa na binisita ng Pangulo, gumastos ang pamahalaan ng P277 milyon at nakakuha ang bansa ng 5.85 bilyong dolyar na foreign investment, at makalilikha nang mahigit 350,000 trabaho. Pinakamalaki aniya ang nakuhang foreign investment ng pangulo …

    Read More »
  • 22 February

    Andanar nakoryente, source ng info Meralco (Sa US$1K payoff) — Sotto

    NAKORYENTE si Presidential Communication Chief Martin Andanar, sa kanyang source na sinuhulan ng halagang US$1,000 ang mga miyembro ng media, na nag-cover sa press conference ni dating SPO3 Arturo Lascañas, sinasabing hepe ng Davao Death Squad, nagbunyag na si dating Davao City Mayor at ngayon ay Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa likod ng pagpaslang sa ilang mga biktima nila sa …

    Read More »
  • 22 February

    Andanar inilaglag ng AFP

    INILAGLAG ng militar si Communications Secretary Martin Andanar nang ikaila ang pahayag niya na may mga pagkilos para pabagsakin ang administrasyong Duterte. Sa press conference sa Camp Aguinaldo kahapon, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Edgard Arevalo, wala silang na-monitor na anomang pakana para patalsikin ang pamahalaang Duterte. “Based on our monitoring, negative. We have not monitored …

    Read More »