DAHIL naobserbahan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na ‘mahilig palang magbakasyon’ ang dating hepe ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na si Atty. Terry Ridon, kaya tuluyan na niyang ‘pinalaya’ para huwag nang maabala ang pagbaka-bakasyon. Kaya hayun, todo-bakasyon na si dating Kabataan party-list representative Ridon — bakasyon from the government office for the rest of his life. …
Read More »TimeLine Layout
December, 2017
-
15 December
VACC tinabla sa Kamara
WALA raw ni isang miyembro ng Kamara ang nag-endoso sa impeachment complaint laban kay Ombudswoman Conchita Carpio-Morales na inihain ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC). Ang mga ginamit na basehan sa inihaing complaint ng VACC laban kay Carpio-Morales ay betrayal of public trust, graft and corruption, and culpable violation of the Constitution. Ilan sa mga binabanggit ng VACC sa kanilang complaint …
Read More » -
15 December
Tesorero, tanod patay sa ambush (Tserman, driver sugatan)
BINAWIAN ng buhay ang dalawa katao habang dalawa ang sugatan makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Brgy. Annanuman, bayan ng San Pablo, Isabela, nitong Miyerkoles. Ayon sa imbestigas-yon, lulan ng owner-type jeep sina barangay captain Briscio Gammaru, barangay treasurer Rey Mabborang, barangay tanod Bonifacio Lumabi at driver na si Kingberly Antonio ng Brgy. Dalena, San Pablo. Papunta sila …
Read More » -
15 December
Mag-lola sugatan sa landslide sa Tacloban (Bahay nabagsakan ng poste)
SUGATAN ang dalawa katao makaraan mabagsakan ng poste ng koryente ang kanilang bahay sa naganap na landslide sa Tacloban City, nitong Huwebes ng tanghali. Ayon sa ulat, nangyari ang landslide sa Artemio Mate Avenue bandang 12:00 ng tanghali. Salaysay ni Remedios Cebu, nakarinig sila ng malakas na ingay at pagkaraan ay nabagsakan ng poste ang kanilang bahay. Nasugatan sa paa …
Read More » -
15 December
GMA pinayagan magbiyahe
PINAHINTULUTAN ng korte na makalabas ng bansa si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo. Ito ay kaugnay sa kinakaharap niyang kasong electoral sabotage sa Pasay City court. Sa ipinalabas na release order ni Pasay City Regional Trial Court (RCT) Branch 112 Presiding Judge Jesus Mupas, pinayagan ng korte na makabiyahe patungo sa Japan, Hong Kong at Myanmar ang …
Read More » -
15 December
TRAIN bill ratipikado na sa Senado (Take home pay ng 7-M obrero tataas)
PINAGTIBAY ng Senado nitong Miyerkoles ang report ng dalawang kapulungan ng Kongreso kaugnay sa pagsasabatas ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) bill. Ang batas na ito ang sisiguro sa pagtaas ng take home pay ng mahigit pitong milyong manggagawa sa buong bansa. Bagama’t nauna nang inaprobahan ng dalawang Kapulungan na ilibre sa buwis ang taunang sahod na may …
Read More » -
15 December
Urduja lumakas nagbanta sa Timog Luzon, Visayas
BAHAGYANG lumakas ang tropical storm Urduja at inaasahang mag-landfall sa Eastern Samar ngayong Biyernes, ayon sa state weather bureau PAGASA, kahapon. Sa 5:00 am bulletin, sinabi ng PAGASA, ang bagyong Urduja ay may taglay na lakas ng hangin hanggang 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hanggang 90 kilometro kada oras. Ang bagyo ay huling namataan sa …
Read More » -
15 December
Empleyado ng Las Piñas City hall patay sa vendor (Sa clearing operation)
PATAY ang isang 60-anyos empleyado ng Las Piñas City Hall makaraan pagsasaksakin ng vendor nang paalisin ang paninda dahil nakaaabala sa kalsada sa clearing ope-ration sa lungsod, kahapon ng umaga. Hindi umabot nang buhay sa Las Piñas District Hospital ang biktimang si Benjamin Lopez y Dela Cruz, Jr., tinamaan ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. Habang arestado …
Read More » -
15 December
14,000 pulis babantayan ng PNP (Tinurukan ng Dengvaxia)
INIUTOS ni Philippine National Police chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang pag-monitor sa kondisyon ng 14,000 pulis na tinurukan ng dengue vaccine Dengvaxia. “To those unfortunately vaccinated by this, I am giving instructions to Dr. [Edward] Carranza, director of Health Service, to monitor everything…kawawa naman kung may mangyari,” pahayag ni Dela Rosa makaraan bisitahin ang mga sugatang pulis …
Read More » -
15 December
Aquino humarap sa Dengvaxia probe sa senado (Pagbili ng Dengvaxia idinepensa)
HUMARAP si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa mga senador sa unang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa kontrobersiyal na dengue vaccine. Katulad ng inaasahan, mariing pinabulananan ni Aquino ang lahat ng mga akusasyon sa kanya ukol sa kontrobersiyal na bakuna. Ayon kay Aquino, walang ano mang anomalyang naganap sa naging transaksiyon sa naturang programa ng pamahalaan …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com