Thursday , December 18 2025

TimeLine Layout

November, 2018

  • 19 November

    Ceasefire ng AFP sasamantalahin ng NPA

    Sipat Mat Vicencio

    KAILANGANG maging alerto at handa ang Armed Forces of the Philippines sakaling magpatupad ng sariling ceasefire dahil tiyak na hindi titigil ang mga berdugong NPA sa kanilang military offensive kahit sa panahon ng pagdiriwang ng Kapaskuhan. Sa kasalukuyan, walang peace talks na umiiral sa pagitan ng GRP at Communist Party of the Philippines kung kaya’t inaasahang ang AFP na mismo …

    Read More »
  • 19 November

    “Ang Probinsiyano” pinasisikat ng PNP

    HABANG pinagtutulungan ay tiyak na darami pa ang magkakainteres na panoorin at tangkilikin ang teleseryeng “Ang Probinyano” na pinag­bibidahan ng aktor na si Coco Martin sa isang network. ‘Yan ang posibleng epekto sa eksahe­ra­dong kalupitan na ipina­mamalas ng Philippine National Police (PNP) at mga kilalang perso­nalities sa ilang tanggapan ng gobyerno na nakikisawsaw laban sa kathang-isip na teleserye. Maliban kung tuluyan …

    Read More »
  • 19 November

    No car no garage policy

    Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

    PESTE talaga at walang pakialam sa buhay itong mga traysikel na nakahambalang sa maliliit na kalsada na mistulang bulag ang mga Kapitan ng Barangay na dapat mamuno sa pagpapaalis ng mga bagay na nakasasagabal sa daloy ng mga sasakyan. Simulan natin sa lungsod ng Pasay, bagama’t may mga pampasahering jeep na dumaraan — biyaheng Cabrera kapag papasok na sa Tramo …

    Read More »
  • 17 November

    Mathay, aatras; Willie, tatandem kay Paulate

    QC quezon city

    PINAHIHINTULUTAN ng Comelec ang tinatawag na substitution o pagpalit ng kandidatong nauna nang nag-file ng kanyang certificate of candidacy o COC para bigyang-daan ang pinal na tumatakbo sa anumang puwesto. Itinakda ito hanggang November 29. Dahil anong petsa lang ngayon ay may panahon pa para sa nasabing pagpapalit, at isa nga sa mga inaabangan ay ang balitang pagba-back out ni …

    Read More »
  • 17 November

    3 kandidata ng Miss Earth, pare-pareho ng reklamo

    SA umano’y tatlong biktima ng sexual harassment, si Miss Earth Guam lang ang matapang na nagpangalan sa pageant sponsor na umano’y guilty sa nasabing paratang. Ang dalawa pang kandidata sa Miss Earth na nagreklamo ay sina Miss Earth Canada at Miss Earth England. May pagkakapareho sa kanilang complaint. Hiningi ang kanilang room number sa tinutuluyang hotel, at saka tinawagan sa …

    Read More »
  • 17 November

    Sunshine, open na sa relasyon nila ni Macky Mathay

    Sunshine Cruz Cesar Montano Macky Mathay

    KAPANSIN-PANSIN na mukhang mas open na ngayon si Sunshine Cruz sa kanyang relasyon sa kanyang inaamin na niyang boyfriend na si Macky Mathay. Karapatan naman niya iyon at siguro wala na ngang masasabing kahit na ano sa kanya, after all napatunayan na sa hukuman na wala naman palang bisa ang naging kasal nila ni Cesar Montano. Iyon ang kahulugan ng annulment. Hindi iyon isang deklarasyon …

    Read More »
  • 17 November

    Atty. Falcis, may bagong inaaway

    NAG-POST na naman si Atty. Jesus Falcis, siya iyong abogadong nakagalitan ng Korte Suprema noong dumating na hindi tama ang bihis ayon sa protocol, nang magkaroon ng oral arguments sa kanyang ipinaglalaban noong karapatan ng LGBT o mga bakla at tomboy. Siya rin iyong nanggagalaiti laban kay Aga Muhlach nang sabihin ng actor na sobra na ang pagtutungayaw ni Senador Antonio Trillanes. Walang dudang si …

    Read More »
  • 17 November

    Alessandra, may pauso sa pagpapakalbo?

    NATATANDAAN namin, noong araw basta ang isang babae ay pinaparusahan ng kanyang mga magulang, na ang karaniwang dahilan ay “kalandian”, kinakalbo ang babae para hindi makalabas ng bahay. Kasi noong panahong iyon, aba eh kahihiyan ang maging isang babaeng kalbo. Pero iba na ang panahon ngayon. Nagulat kami nang makita namin si Alesandra de Rossi na kalbo. Hindi naman siguro siya naparusahan, …

    Read More »
  • 17 November

    Sa paglamig ng AlDub, popularidad ni Alden, bumaba

    aldub alden richards Maine Mendoza

    UMAMIN na rin si Alden Richards na alam niyang siya ang sinisisi ng marami kung bakit hindi naging totoo ang love team nila ni Maine Mendoza. Hindi natin maikakaila na may panahong walang makatapat sa kanilang popularidad noong kasagsagan ng kanilang love team. Maaari rin namang sabihing iyon din ang naging height ng popularidad ni Alden, dahil bago naman iyongAlDub hindi siya sumikat ng …

    Read More »
  • 17 November

    Gumawa ng mga Marvel character, pumanaw na

    SA totoo lang, nalungkot din kami nang mabalitaan naming namatay na si Stan Lee. Siya ang gumawa ng Spiderman, Iron Man, Incredible Hulk, The Avengers at marami pang ibang super heroes. Ang mga ginawa ni Stan Lee ang siyang naging libangan namin noong panahong kami ay bata pa. Sino nga bang bata ang hindi nahilig sa mga Marvel characters, at aminin natin na hanggang sa …

    Read More »