Wednesday , December 24 2025

Blog Layout

LOLA SA QUEZON PATAY HABANG NATUTULOG (Bahay nadaganan ng puno)

BINAWIAN ng buhay ang isang 70-anyos lola matapos madaganan ang kaniyang kubo ng natumbang puno ng niyog sa kasagsagan ng pananalanta ng bagyong Quinta sa bayan ng Mauban, lalawigan ng Quezon, noong Lunes ng tanghali, 26 Oktubre. Kinilala ang biktimang si Gloria Rivas, 70 anyos, residente sa Sitio Munting Ilog, Barangay Cagsiay 3, sa naturang bayan. Si Rivas ang kauna-unahang …

Read More »

P286-M pinsala iniwan ng bagyong Quinta sa Bicol (Sa pananim at impraestruktura)

TINATAYANG hindi bababa sa P286 milyong halaga ng mga pananim at impraestruktura ang napinsala ng bagyong Quinta nang manalasa sa rehiyon ng Bicol simula noong Linggo, 25 Oktubre. Sa ulat kahapon, 27 Oktubre, ng Office of Civil Defense ng Bicol, naitala ang P286,200,000 halaga ng pinsala sa agrikulutura at pangingisda, habang umabot sa P26,000,000 ang pinsalang naitala sa impraestruktura. Ayon …

Read More »

22 BARANGAY SA BULACAN LUBOG SA BAHA (Sa pag-apaw ng mga dam)

NANATILING nakalubog sa baha ang may 22 barangay sa mga bayan ng Calumpit, Hagonoy, at Norzagaray dahil sa high tide at ulang dulot ng bagyong Quinta, na nagresulta sa pagpapawala ng tubig sa mga dam sa lalawigan ng Bulacan. Dahil dito, inilikas ang 10 pamilya sa bayan ng Calumpit bunga ng pagtaas ng baha sa mga barangay ng Calizon, San …

Read More »

HEPE NG PULISYA, NAYARI SA ‘TARI’ (Tupada sinalakay sa Northern Samar)

BINAWIAN ng buhay ang hepe ng pulisya ng bayan ng San Jose, sa lalawigan ng Northern Samar, nang mahiwa ng tari ang kaniyang hita habang inaaresto ang mga suspek sa sinalakay nilang tupada, dakong 1:00 pm nitong Lunes, 26 Oktubre. Nabatid na naitakbo pa si P/Lt. Christian Bolok, 38 anyos, sa Northern Samar provincial hospital sa bayan ng Catarman, ngunit …

Read More »

IPO DAM NAGPAWALA NG TUBIG (Mabababang bayan sa Bulacan inalerto)

NAGPAKAWALA ng tubig ang Ipo Dam na nasa bayan ng Norzagaray, sa lalawigan ng Bulacan dakong 8:00 pm nitong Linggo, 25 Oktubre, dahil ayon sa PAGASA, ang hydrological dam situationer ng water level ng naturang dam ay nasa 101.05 metro na. Mas mataas ito sa normal high-water level na 101 metro at ito ay bunsod pa rin ng ulang dala …

Read More »

Quinta nanalasa sa Oriental Mindoro

NATUKLAP ang mga bubong, nabuwal ang mga puno at mga poste ng koryente at bumaha sa maraming lugar sa lalawigan ng Oriental Mindoro, nang hagupitin ng malalakas na hangin at matinding pag-ulan dulot ng bagyong Quinta nang mag-landfall nitong Lunes ng umaga, 26 Oktubre. Sa kanilang Facebook post, sinabi ng mga awtoridad ng Oriental Mindoro na nagsasagawa na sila ng …

Read More »

3 SASAKYANG PANDAGAT LUMUBOG SA BATANGAS (Sa paghagupit ng bagyong Quinta)

LUMUBOG ang tatlong sasakyang pandagat sa lalawigan ng Batangas nang hagupitin ng bagyong Quinta nitong Lunes, 26 Oktubre. Ayon sa ulat, nawawala ang isang crew ng yate na tumaob sa dagat sa lungsod ng Bauan, dakong 5:00 am, habang pitong miyembro ng crew ang nailigtas. Ayon kay Tomas de Rosario, kapitan ng yate, lumakas ang alon at napadpad ang yate …

Read More »

Salamat sa pandemya: Beatle legend maglulunsad ng Lockdown hit

INIHAYAG ni Beatle legend Paul McCartney na ilalabas niya ang ikatlo sa trilogy ng kanyang self-titled solo albums ngayong taon, makaraang bigyang buhay muli ang hindi niya nakompletong mga musika sa gitna ng coronavirus lockdown. Kasunod ng latest record ng British legend na McCartney III, na ilulunsad sa nalalapit na 11 Disyembre, ang ilang buwang pagpupursigi ni McCartney sa kanyang …

Read More »

Dinosaur naghahatid ng libreng pagkain sa mga kabataan

MARAMING pagbabago ang idinulot ng pandemyang coronavirus sa ating lipunan, kabilang ang pagsusuot ng face mask at face shield, pagdistansiya sa kapwa at pagkuwarantina sa mga indibiduwal na nagpapakita ng sintomas ng sakit na CoVid-19. Lahat ng mga pagbabago o sistemang ito ay may layuning pigilan ang pagkalat ng pandemya, na kumitil sa milyong buhay ng mga inosenteng tao at …

Read More »

Sandra Lemonon, may patutsada!

Mukhang hindi magtatapos sa pagkakahirang ni Miss Universe Philippines titleholder na si Rabiya Mateo ng Iloilo City ang kaguluhan sa annual beauty contest na ito. As of now, trending sa Twitter ang pangalan ni Sandra Lemonon. Hindi kasi nakaligtas sa mapang-intrigang netizens ang matalinghagang Instagram stories ni Sandra, na tipong may pinarurunggitang personalidad. Umaalma si Sandra dahil sa insidenteng may …

Read More »