Tuesday , December 16 2025

Blog Layout

‘Wag umepal sa magulang DOH inupakan ni Imee

Imee Marcos DOH

NAGALIT si Senador Imee Marcos sa inilabas na memorandum ng Department of Health (DOH) na may awtorisasyon ang gobyernong isnabin ang paghingi ng permiso sa mga magulang kung mismong mga bata ang gustong magpabakuna. “Hindi puwedeng agawin ng gobyerno ang parental authority. May karapatan ang mga magulang na magpasya sa kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga anak,” diin ni Marcos. …

Read More »

Solusyon sa gutom at mataas na presyo ng pagkain tampok sa “Byahe ni Kiko”

Byahe ni Kiko Pangilinan

TATAMPOK sa “Biyahe ni Kiko” ang solusyon sa gutom at mataas na presyo ng pagkain. Ito ang tahasang sinabi ni vice presidential aspirant Senator Francis “Kiko” Pangilinan. Ayon kay Pangilinan, ito ay may temang “Hello Pagkain, Goodbye Gutom” upang sa ganoon ay magkaroon ng pag-asa ang mga mamamayan. Iginiit ni Pangilinan, dapat matiyak na mayroong pagkain sa bawat plato ng …

Read More »

‘Tagasanay ng Isport’ awardee Amihan Reyes-Fenis tampok sa PSC Rise up, Shape up

Amihan Reyes-Fenis Rise Up Shape Up

ITINAMPOK ng Philippine Sports Commission (PSC) si Gintong Gawad 2021 ‘Tagasanay ng Isport’ awardee Amihan Reyes-Fenis sa webisode ng Rise Up Shape Up nitong 5 Pebrero 2022. Nagsilbi si coach Reyes-Fenis bilang FIG Brevet International Judge para sa rhythmic gymnastics. Inensayo rin niya ang nanalong gymnasts sa parehong national at international competitions at kinilala bilang outstanding coach noong 2011 Palarong …

Read More »

PH Karate Team hahataw sa 31st SEA Games sa Vietnam

Philippine Karate Sports Federation Inc

IPANLALABAN ng Team Philippines ang kombinasyon ng kabataan at karanasan sa binubuong 15-man Philippine Karate Team na ilalarga sa 31st Southeast Asian Games sa 12-23 Mayo 2022 sa Hanoi, Vietnam. Sinabi ni Philippine Karate Sports Federation Inc., president Richard Lim, bukod sa panlabang sina Manila SEA Games champion Jamie Lim at Junna Yukiie, tatlo pang kabataang Filipino-Japanese na nakabase sa …

Read More »

Pasig City ginulat ng QC sa PCAP Online Chess

PCAP Professional Chess Association of the Philippines

NAKAPAGPOSTE ang Quezon City Simba’s Tribe ng 12-9 panalo kontra sa koponan ng Pasig City King Pirates noong Sabado ng gabi, 5 Pebrero 2022, sa 2nd season ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) All Filipino Conference online chess tournament virtually na ginanap sa Chess.com Platform. Nanaig ang Simba’s Tribe sa King Pirates sa blitz game sa pangunguna nina …

Read More »

De Venecia Group, gumamit ng bogus na pangalan, tumanggap ng pekeng debt notes

Blind Item, Gay For Pay Money

ANG Inang Nag-aaruga sa Anak Foundation, na binuo at pinamunuan ni dating congresswoman Georgina de Venecia at iba pang indibiduwal ay gumamit ng pekeng pangalan nang mamuhunan sa instrumento ng pautang na pawang palsipikado rin. Sa isang tao lamang, sa katauhan ni Liza Arzaga, dating branch business center manager ng RCBC nakipag-usap nang ilang taon ang grupo gamit ang hawak …

Read More »

Batay sa ebidensiya
MAGKAKASANGKOT SA PHARMALLY DEAL KASUHAN — PING

020722 Hataw Frontpage

HATAW News Team HINDI kombinsido si Partido Reporma standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson na akma ang kasong ‘betrayal of public trust’ na ipataw sa mga opisyal ng pama­halaan na sangkot sa isyu ng katiwalian dahil sa eskandalo ng Pharmally ngunit naniniwala siyang may dapat managot sa kanila. Inihayag ni Lacson, may mga agam-agam siya sa ulat ng Senate Blue Ribbon Committee …

Read More »

Wanted sa child sex trafficking
QUIBOLOY HAMON SA MARCOS-SARA TANDEM, at DUTERTE REGIME

020722 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO ISANG malaking hamon sa rehimeng Duterte at tambalang Marcos-Duterte ang pagiging malapit kay Kingdom of Jesus Christ church leader Pastor Apollo Quiboloy matapos ihayag ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Estados Unidos na ang spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte ay kasama sa kanilang most wanted list bunsod ng patong-patong na kaso kabilang ang child sex …

Read More »

 ‘Anak’ ng diktador substitute kapag na-DQ si Marcos, Jr.

Maria Aurora Busoy Marcos

“AKO ang substitute ni Ferdinand Marcos, Jr., kapag na-disqualify siya hindi si Imee.” Tahasang sinabi ito ni Maria Aurora Busoy Marcos,  isa sa mga naghain ng certificate of candidacy (COC) para presidente, ngunit idineklarang nuisance candidate ng Commission on Elections (Comelec), at nagpakilalang lehitimong anak umano ng yumaong diktador at dating Pangulong Ferdinand Marcos. Ayon kay Aurora, matapos siyang ideklara …

Read More »

Cusi, 11 opisyal ng DOE ipinaasunto ni Gatchalian

Win Gatchalian Alfonso Cusi Malampaya DoE

INIREKOMENDA kahapon ni Senate committee on Energy Chairman Senator Win Gatchalian na kasuhan ng graft si Energy Sec. Alfonso Cusi at 11 opisyal ng Department of Energy (DOE) dahil sa maanomalyang bentahan ng shares ng gobyerno sa Malampaya gas project. Pinangunahan ni Gatchalian ang transmittal ng Senate resolution para irekomenda na sampahan ng graft si Cusi at iba pang opisyal …

Read More »