TALIWAS sa pagtitiyak ni House Deputy Speaker Lito Atienza na sa 2021 ay posible nang makakuha ng panibagong legislative franchise ang ABS-CBN sa ilalim ng liderato ni House Speaker Lord Allan Velasco, hindi para kay SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta na aniya’y daraan pa rin sa butas ng karayom. Ayon kay Marcoleta, isa sa pangunahing tumutol sa pagkakaloob ng prankisa …
Read More »A2Z Channel 11, araw-araw ang handog na spiritual inspiration
NAG-O-OFFER ang A2Z Channel 11 ng religious inspiration programming mula Lunes hanggang Linggo para maipagpatuloy ang misyong palaganapin pa ang salita ng Diyos na pinamumunuan ng Broadcasting founder, ang evangelist na si Eduardo “Brother Eddie” Villanuena. Kaya naman inihahandog ng A2Z Channel 11 ang mga panooring tulad ng Bro. Eddie Classics, Flying House at Super Book, Jesus The Healer at Jesus is Lord Sunday Worship Healing Service. Sabi nga ni A2Z …
Read More »DFO dapat iprayoridad sa senado (OFW leaders iginiit)
HINIMOK ng ilang lider ng mga grupo ng overseas Filipino workers (OFWs) ang mga komite ng Labor and Employment, Foreign Relations, and Finance sa Senado na ituloy ang deliberasyon ng mga nakabinbin na panukalang batas na naglalayong bumuo ng isang Department of Filipinos Overseas (DFO). Idiniin ilang matagal na dapat may iisang ahensiyang magbibigay ng komprehensibong tugon sa mga isyung …
Read More »DPWH Exec inabsuwelto ng Sandiganbayan sa kasong graft
INABSUWELTO ng Sandiganbayan ang Director III ng Legal Services ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na si Atty. Oscar Dominguez Abundo sa kasong graft. Batay sa desisyong inilabas ni Sandiganbayan Sixth Division Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang noong 4 Disyembre 2020, nakasaad na bigo ang prosecution na patunayan na nagkaroon ng pagpabor si Abundo sa pagpapalabas ng pondo para …
Read More »Makabayan solon tiwalang hindi sila paiimbestigahan sa Kamara ni Velasco
KOMPIYANSA si Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite na hindi makikinig at hindi bibigay sa pressure si House Speaker Lord Allan Velasco mula sa mga anti-communist group na nanawagan na imbestigahan ng House of Representatives ang Makabayan Bloc hinggil sa kaugnayan nito sa Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA). Ayon kay Gaite tiwala silang manatili ang “good judgement” ni …
Read More »Babala ng Kamara: Toll operators puwedeng bawian ng konsesyon
MAAARING bawiin ng Kamara ang konsesyon ng dalawang operators ng North Luzon Expressway at ng South Luzon Expressway kung hindi maaayos ang problema sa RFID na nagdulot ng pahirap sa mga maglalakbay patungong hilaga at kanlurang bahagi ng bansa. Ayon kay Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento, ang pinuno ng House committee on transportation, ang gobyerno ay maaaring mag-takeover sa pagpapatakbo …
Read More »Fake news sa TikTok inalmahan ng solon
INIREKLAMO ng isang lady solon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagpapakalat ng isang malisyosong video na inilathala sa popular social media platform na TikTok para sirain ang kanyang reputasyon. Nagtungo kamakalawa si Quezon 4th District Rep. Dr. Angelina “Helen” Tan sa NBI Lucena District Office para paimbestigahan ang pagpapalaganap ng malisyosong video ng social media account @sovereignph sa …
Read More »29 deputy speakers ‘scandal’ sa house – Pol analyst
ITINUTURING ng isang political analyst na ‘scandal’ ang nangyayari ngayon sa House of Representatives na mayroong 29 deputy speakers. Ayon sa batikang political analyst na si Ramon “Mon” Casiple hindi kailangan ng ganoon karaming deputy speaker (DS) ng Mababang Kapulungan dahil wala namang naipakikitang nagagawa, sa halip, habang dumarami ang itinatalagang deputy speakers ay lalong lumalaki ang gastos. Malinaw umano …
Read More »Alboroto ng DDS vs Kamara iinit pa (ABS CBN franchise kung bubuhayin )
KLARONG pambabastos ang plano ng Kamara sa pamumuno ni House Speaker Lord Allan Velasco na mabigyan ng prankisa sa susunod na taon ang ABS-CBN. Pananaw ito ng mga supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang reaksiyon sa naging pagtiyak ni Deputy Speaker at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na bumubuwelo lamang ang liderato ni Velascso dahil kauupo lamang sa puwesto ngunit …
Read More »San Jose Del Monte sa Bulacan iprinoklamang ‘highly-urbanized city’
IPRINOKLAMA ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang highly-urbanized city ang lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 5 Disyembre. Ayon kay San Jose del Monte City Lone District Rep. Florida Robes, kailangang dumaan sa ratification ng kanyang mga kababayan ang proklamasyon ng pangulo sa pamamagitan ng isang plebesito. “I am very honored to announce that President …
Read More »Higit P.8-M marijuana nasamsam sa ‘biyahero’ sa Benguet checkpoint
INARESTO ng mga awtoridad ang tatlong lalaki dahil sa pagbibiyahe ng tinatayang P840,000 halaga ng marijuana na naharang sa isang checkpoint sa pagitan ng lungsod ng Baguio at bayan ng La Trinidad, sa lalawigan ng Benguet, nitong Linggo ng gabi, 6 Disyemrbre. Ikinasa ang operasyon base sa tip na natanggap ng Baguio City police at kasama ang mga miyembro ng …
Read More »Umaming drug user tinambangan lalaki patay, babae sugatan (Sa Negros Oriental)
NABARIL at napatay ang isang lalaking ‘nangumpisal’ na isa siyang drug user habang sugatan ang kanyang kasamang babae nang tambangan sa isang abalang kalsada sa lungsod ng Bais, lalawigan ng Negros Oriental, noong Linggo, 6 Disyembre. Minamaneho ng biktimang kinilalang si Patrick Manuel Romero, 31 anyos, angkas ang kaniyang live-in partner na si Rhea Lou Pagador, 29 anyos, nang harangin …
Read More »Gabay sa Pagbuo ng Ortograpiya ng mga Wika ng Filipinas
ANG pagbuo ng mga ortograpiya ng mga wika ng Filipinas ay pagtupad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa mandato nito hinggil sa pagpapayaman, pagtataguyod, at pangangalaga ng mga wika ng Filipinas. Sa mga nakalipas na taon, sa pakikipagtulungan sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at mga organisasyon, ito ang mga ortograpiyang nailimbag ng KWF: Ortograpiya ni Ibaloy, Bayung Ortograpiyang Kapampangan, …
Read More »Speaker Velasco ‘di tunay na lider — Anti-commies (Inakusahang panig sa leftist group)
KINASTIGO ng iba’t ibang anti-communist groups at civil society organizations si House Speaker Lord Allan Velasco sa lantaran nitong pagpanig sa mga kalaban ng administrasyong Duterte dala ng patuloy na pagbibingi-bingihan sa matagal nang panawagang imbestigahan ang Makabayan Bloc sa koneksiyon nito sa CPP-NPA. Inamin ni Hands Off Our Children Founder Gemma Labsan na diskompiyado sila kay Velasco dahil sa …
Read More »PH internet speed bumilis kahit may kalamidad sa gitna ng lockdown — Ookla
BUMILIS na ang internet signal sa gitna ng nararanasang pandemya. Batay sa Nobymebre 2020 ulat ng Ookla, global leader sa mobile at broadband network intelligence, testing applications, at technology, para sa fixed broadband, ang bansa ay may average download speed na 28.69 Mbps, 262.71% increase mula sa download speed na 7.91 Mbps na naitala noong Hulyo 2016. Sa mobile network …
Read More »Sa 98 CoVid-19 cases… DOH tikom-bibig sa health protocol violations ng Kamara (Cover up inangalan ng mga empleyado)
WALANG naging aksiyon ang Department of Health (DOH) sa naitalang 98 confirmed CoVid-19 cases sa House of Representatives gayondin sa naiulat na paglabag sa quarantine protocol ng matataas na opisyal nito sa pangunguna nina House Speaker Lord Allan Velasco at Deputy Speaker Mikee Romero. Kinompirma ni Quezon City Health Department -Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) Director Dr. Rolly Cruz na …
Read More »Pagbabalik ng ABS-CBN tiyak na sa liderato ni Velasco (Sa 2021)
KINOMPIRMA mismo ni Deputy Speaker at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na magbubukas muli sa 2021 ang operasyon ng TV giant ABS-CBN bilang resulta ng pagpapalit ng liderato sa House of Representatives. Ayon kay Atienza, sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Lord Allan Velasco ay maibabalik muli sa floor ang diskusyon sa pagpapalawig ng prankisa ng ABS-CBN. “I am …
Read More »Bakuna ‘wag gamiting ‘deodorizer’ (Kamara binalaan)
NAGBABALA kahapon ang isang medical group kay House Speaker Lord Allan Velasco na huwag gamitin ang bakuna laban sa CoVid-19 para ‘bumango’ ang pangalan. Ang pahayag ay ginawa ng grupong Medical Action Group (MAG) matapos ni House Secretary General Mark Llandro “Dong” Mendoza na prayoridad ni Velasco na mapabakunahan ang may 8,000 miyembro at kawani ng Mababang Kapulungan kapag available …
Read More »Hamon ni Bong Go kina Galvez at Duque: Unang magpaturok ng bakuna vs CoVid-19
HINAMON ni Senator Christopher “Bong” Go sina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Presidential Adviser Carlito Galvez na unang magpaturok ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (CoVid-19) sa sandaling maging available na ito sa publiko. Ito ay upang mapawi aniya ang pangamba ng mga mamamayan hinggil sa kaligtasan ng naturang bakuna at mabuo ang …
Read More »‘Singit’ na bilyong infra budget ilaan sa CoVid vaccine cold storage facility — Health group
NANAWAGAN ang isang health group sa House of Representatives na ilaan sa pagpapatayo ng cold storage facilities para sa bibilhing CoVid-19 vaccines ang bilyong infrastructure funds na isiningit sa 2021 national budget para paboran ang piling kongresista nang maupo bilang House Speaker si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco. Ayon kay Medical Action Group (MAG) chairperson, Dr. Nemuel Fajutagana, dapat bawasan …
Read More »Outdoor dining by Manila Bay in Pasay!
As we cautiously start to dine out again, we all want to make sure that we make the most out of our dining experience in the New Normal. Let’s make our destination dining experience a fun and memorable one! Come over to “PasaYahin, BuYummYhan!” a safe, socially-distanced, outdoor dine-in and take out food market at the Fountain Area of SM …
Read More »Parak itinumba sa Toledo, Cebu
BUMAGSAK nang walang buhay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Barangay Dumlog, lungsod ng Toledo, lalawigan ng Cebu, pasado 9:00 am kahapon, 3 Disyembre. Kinilala ang biktimang si P/SSgt. Gerfil Geolina, 44 anyos, nakatalaga sa bayan ng Asturias, sa nabanggit na lalawigan. Nabatid na nagmamaneho ng kaniyang motorsiklo nang tambangan at pagbabarilin ng dalawang lalaking …
Read More »Los Baños vice mayor binoga sa munsipyo
PATAY ang alkalde ng bayan ng Los Baños, sa lalawigan ng Laguna matapos barilin sa loob ng munisipyo ng nabanggit na bayan kagabi, 3 Disyembre. Ayon sa mga nakasaksi sa munisipyo, binaril si Mayor Cesar Perez, dating nagsilbi bilang bise gobernador ng Laguna, dakong 9:00 pm. Agarang dinala si Perez sa HealthServ Medical Center, sa naturang bayan upang malapatan ng …
Read More »Sa vaccination plan… SPEAKER VELASCO SINABIHANG SUMUNOD (Gov’t funds, sariling interes ‘wag unahin)
“SUMUNOD sa vaccination plan ang Kamara” Ito ang paalala ni Preventive Education and Health Reform Advocate Dr. Anthony Leachon kay House Speaker Lord Allan Velasco bilang reaksiyon sa naging pahayag na priority ang mass vaccination para sa 8,000 mambabatas at kawani ng House of Representatives sa oras na maging available na ang bakuna laban sa CoVid-19. Ayon Leachon, bago pa …
Read More »Bagong panganak na aktibistang misis, sanggol, inaresto ng Cagayan PNP (Anak ng pinaslang na Anakpawis chairman)
DINAKIP ng mga awtoridad, kasama ang isang-buwang gulang na sanggol, si Amanda Lacaba Echanis, nitong madaling araw ng Miyerkoles, 2 Disyembre, sa bayan ng Baggao, lalawigan ng Cagayan. Si Amanda ay sinabing, anak ng pinaslang na aktibistang si Randall “Randy” Echanis. Bago mapaslang, nagsilbing chairman ng Anakpawis ang nakatatandang Echanis. Sa pahayag ng Anakpawis, sinabing inaresto si Amanda dahil sa …
Read More »