NANGANGAMBA sa kanilang kalusugan ang mga kawani ng House of Representatives kaya umaapela sa Department of Health (DOH) na pansamantalang isara ang tanggapan habang nagsasagawa ng paglilinis at contact tracing matapos mabunyag ang 98 kompirmadong kaso ng CoVid-19 mula noong 10 Nobyembre. Ayon sa isang kawani na tumangging magpabanggit ng pangalan, kamakalawa lamang kinompirma ni House Secretary General Mark Llandro …
Read More »Sundalo patay, 3 pa sugatan (Pick-up nahulog sa creek)
BINAWIAN ng buhay ang isang sundalo habang sugatan ang tatlong iba pa pang pasahero ng kanilang pick-up nang mahulog sa tulay at dumeretso sa creek sa Old Aiport, Sasa, sa lungsod ng Davao, nitong Martes ng madaling araw, 1 Disyembre. Isinugod ang mga biktima sa Southern Philippines Medical Center ngunit idineklarang dead-on-arrival ang pasaherong kinilalang si Michael Almaida, 34 anyos, …
Read More »Suicide biniro magsasaka tigok sa lubid (Sa harap ng mga menor de edad)
NAMATAY ang isang 50-anyos magsasaka sa kanyang pagbibiro ng pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa harap ng mga kabataan na aliw na aliw na kinukunan siya ng video habang nakabitin sa isang puno sa Barangay San Vicente, bayan ng Alcala, lalawigan ng Cagayan, nitong Lunes ng tanghali, 1 Disyembre. Kinilala ang biktimang si Samsun Pinto, isang magsasaka, na umaktong magpapakamatay …
Read More »98 CoVid cases sa Kamara nabuking (Hindi nakatala sa local health office)
KINAILANGAN pang kalampagin ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang House of Representatives bago umamin na mayroong 98 confirmed CoVid cases ang Kamara mula pa noong 10 Nobyembre. Sa isang press release na ipinalabas ng tanggapan ni House Speaker Lord Allan Velasco, inamin nitong mayroong 98 confirmed cases ang Kamara. Base ito sa resulta ng kanilang isinagawang mass …
Read More »Halos 100 kaso ng covid-19 sa Kamara inaalam na (Late reporting binira ng QC-CESU)
SINITA ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang House of Representatives sa late reporting sa kanilang CoVid cases na maaaring naging dahilan ng biglang paglobo ng kaso na umabot na sa mahigit 40 kaso. Ayon kay QC-CESU Director Dr. Rolly Cruz, nasa 40 ang confirmed cases na kanilang naitala sa Mababang Kapulungan ngunit kanilang bineberipika ang report …
Read More »Illegal logging, mining talamak pa rin sa Isabela (Gov Albano nagsisinungaling,)
KASABAY ng pag-amin ni Cagayan Governor Manuel Mamba na mayroon at nanatili ang ilegal na pagtotroso at pagmimina sa Cagayan na pinoprotektahan pa ng mga tiwaling mayor, binatikos naman ng ilang grupo si Isabela Governor Rodito Albano sa patuloy nitong pagtanggi at pagsisinungalinhg na wala nang ganitong aktibidad sa Isabela. Ayon kay Alyansa Tigil Muna (ATM) National Coordinator Jaybee Garganera …
Read More »DILG nakatutok vs ‘Online game show’ sa Batangas
INIIMBESTIGAHAN na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang “online game show” ng isang bise alkalde sa ikalawang distrito ng Batangas, habang oras ng trabaho. Ito ang kinompirma ni Civil Service Commissioner Atty. Aileen Lizada. “Forwarded na po kay SILG (Secretary of Interior and Local Government),” pahayag ni Lizada. Ayon kay Lizada, kasalukuyan itong pinaiimbestigahan mismo ni Interior …
Read More »Full-disclosure ng 40 CoViD-19 cases sa Kamara ‘giit’ ng QC-CESU (Posibleng outbreak inaalam)
INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (QC-CESU) ang House of Representatives kasunod ng naitalang mahigit 40 kaso ng kompirmadong CoVid-19 cases na pawang nakuha ng mga pasyente sa kanilang trabaho. Kinalampag din ng QC-CESU ang Kamara na isumite sa kanila ang kompletong listahan ng mga CoVid-19 cases, at iginiit na hindi ito dapat naaantala dahil malinaw sa …
Read More »Cayetano kompiyansang sisigla nang tuloy-tuloy sa termino ni Tolentino (Sa pag-unlad ng PH sports)
SINABI ni Taguig-Pateros First District Rep. Alan Peter Cayetano noong Biyernes na kompiyansa siyang mapapaunlad muli ng Philippine Olympic Committee (POC) ang larangan ng sports sa bansa at matututukan ang mga atletang FIlipino sa ilalim ng bagong termino ng pamumuno ni Cavite 8th District Rep. Abraham “Bambol” Tolentino. “Ang kanyang muling pagkapanalo ay nangangahulugan ng vote of confidence ng mga lider …
Read More »House Speaker Velasco, Rep. Romero lumabag sa health protocol (Negative man sa CoVid test, self quarantine kailangan pa rin)
SA ILALIM ng Department of Health Guidelines kailangan pa rin mag-self-quarantine ang isang indibidwal na exposed sa isang CoVid positive patient kahit pa man sa inisyal na test nito ay lumabas na negatibo. Ayon kay Dr. Beverly Ho, Director ng Health Promotion and Communication Service, sa oras na makompleto ang quarantine, kahit pa man asymptomatic at negatibo sa CoVid test, …
Read More »Buhay ay mahalaga – Bong Go… PUBLIKO HINIKAYAT ‘WAG MAGDAOS NG MALAKIHANG PAGTITIPON (Health protocols sundin ngayong holiday season)
KASUNOD nang nalalapit na pagdiriwang ng Kapaskuhan, hinikayat ni Senator Christopher “Bong” Go, Chairperson ng Senate Committee on Health, ang publiko na iwasan ang pagdaraos ng mass gatherings at mga kasayahan ngayong holiday season, habang nananatili ang banta ng pandemyang coronavirus disease 2019 (CoVid-19). Sa isang panayam, habang personal na pinamumunuan ang pamamahagi ng ayuda para sa mga biktima ng …
Read More »Financial risks ng Dito tinukoy sa telco study
BUKOD sa banta sa seguridad ng pagkontrol ng Chinese government sa Dito Telecommunity, kinuwestiyon din sa isang pag-aaral sa bagong telecoms operator sa Filipinas ang kakayahan ng kompanya na lumikom ng sapat na kapital para pondohan ang venture. Ang report, na tinawag na “A Study Into The Proposed New Telecommunications Operator In The Philippines: Critical Success Factors and Likely Risks,” …
Read More »Sylvia, Arjo, Joshua, at Angel, eeksena sa mga bagong episode ng MMK
TIYAK na marami ang matutuwa sa mga nag-aabang sa Maalaala Mo Kaya (MMK) dahil magbabalik ang longest running drama anthology ng bansa para maghatid ng mga bagong kuwento ng pag-asa at pagbangon sa panahon ng krisis, kasama sina Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Jane de Leon, Angel Aquino, at Joshua Garcia. Tampok sa unang episode ng MMK, ang mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde na bibigyang buhay ng …
Read More »Ex-Kagawad tiklo sa Negros Oriental (Nagpapanggap na dentista)
SINAMPAHAN ng kasong kriminal ang isang dating kagawad ng Barangay Calindagan, sa lungsod ng Dumaguete, lalawigan ng Negros Oriental, matapos magpanggap na dentista. Kinilala ang suspek na si Ronnie Pasunting, 60 anyos, isang dental technician assistant, na nadakip sa entrapment operation na ikinasa ng pinagsanib ng puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Negros Oriental, lokal na pulisya, at Highway …
Read More »Health protocol nilalabag mismo ng house leaders (Solons, gov’t officials na-expose rumampa sa iba’t ibang hearing)
LANTAD sa coronavirus o CoVid-19 ang ilang leaders ng Kamara sa pangunguna nina House Speaker Lord Allan Velasco, Deputy Speaker Mikee Romero, DIWA Partylist Rep. Mike Aglipay, at House Secretary- General Dong Mendoza ngunit hindi sinusunod ang mandatory health protocol. Ayon sa report, may exposure sina Velasco, Romero, Aglipay, at Mendoza kay TESDA Director Isidro Lapeña nang makasama nila sa …
Read More »12 incumbent solons na may kickback sa DPWH projects tukuyin – Infrawatch
HINAMON ng think-tank group na Infrawatch PH, si Presidential Anti Crime Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica na huwag magkubli at matapang na pangalanan ang 12 kongresistang corrupt na may porsiyento o kickbacks sa DPWH projects. Ayon kay Infrawatch PH Convenor Terry Ridon, hindi dapat magtago si Belgica sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang hurisdiksyon kaya hindi …
Read More »Dagdag-bawas sa 2021 budget pabor sa alyados — Sen Lacson (Speaker Velasco itinuro)
TINAWAG ni Sen Panfilo Lacson na ‘improper’ o hindi aksiyon ng isang lider ang ginawang dagdag-bawas ni House Speaker Lord Allan Velasco sa pondo ng mga kaalyado at kritikong kongresista na kitang-kita sa ipinasa ng Kamara na 2021 national budget. Ayon kay Lacson halata ang pagpabor ni Velasco sa kanyang mga supporters samantalang kitang-kita rin ang paglabag nito sa mga …
Read More »Sanggol sa loob ng bag natagpuan sa tapat ng bahay sa Imus, Cavite
HINIHINALANG inabandona ang isang bagong silang na sanggol na natagpuang nasa loob ng isang bag sa tapat ng isang bahay sa bayan ng Imus, sa lalawigan ng Cavite, nitong Martes ng umaga, 24 Nobyembre. Ayon sa netizen na si Winnie Lyn De Leon, narinig nila ng kaniyang kapitbahay ang pag-iyak ng sanggol na iniwan sa tapat ng isang bahay sa …
Read More »House probe malamya, duwag — KMP (Sa sanhi ng malawakang pagbaha)
MALAMYA, walang tapang, at tiyak na walang mapananagot kung pagbabasehan ang takbo ng ginagawang imbestigasyon ng House of Representatives kaugnay sa naging pinsala ng bagyong Ulysses sa Cagayan at Isabela dahil nakatuon lamang sa ginawang pagpapakawala ng tubig ng mga dam at walang imbestigasyon sa ilegal na pagmimina at ilegal na pagtotroso, ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Ang …
Read More »Bilyones na infra funds ng DPWH lagot sa PACC
NAGBANTA ang Presidential Anti Crime Commission (PACC) na magpapatuloy ang imbestigasyon sa maanomalyang transaksiyon sa paggamit ng pondo, kasama na rito ang pakikipagsabwatan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga kongresista na kukuha ng kickbacks sa infrastructure projects. Ang resulta ng imbestigasyon ay kanilang isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte. Kasunod ito ng expose’ ni Senator Panfilo “Ping” …
Read More »Rep.Romero: Eddie Garcia Bill, dapat maipasa agad sa Senado
HINIMOK ni House Deputy Speaker at 1Pacman Party-list Rep. Mikee Romero ang mga kasamahang mambabatas sa Senado na maipasa agad ang Eddie Garcia Bill o House Bill No. 7762 na naglalayon mabigyan ng proteksiyon ang mga manggagawa sa telebisyon, radyo at pinikalakang tabing kahapon. “Kailangan po natin bigyan ng seguridad ang mga manggagawa sa showbiz maging ang mga nasa likod …
Read More »Loyalty check ikinairita ni Pulong (Mas piniling magbitiw)
HINDI maliit na bagay para kay Davao Rep at Presidential Son Paolo “Pulong” Duterte ang ginawang isyung loyalty check sa kanya ng ilang mga kaalyado sa House Majority kaya naman imbes manatili sa puwesto ay nagdesisyon siyang magbitiw bilang Chairman ng House Committee on Accounts, ang puwestong ibinigay sa kanya ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco nang maupo bilang House …
Read More »Senado pinakikilos vs naglalakihang infra funds ng kamara (2.3-M estudyanteng apektado gawing prayoridad)
HALOS 2.4 milyong estudyante ang hidni nakalalahok sa distance learning dahil wala pa rin koryente sa maraming lugar sa bansa. Inihayag ito ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto matapos ang expose’ ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na may bilyon-bilyong infrastructure budget insertions ang mga kongresista para sa kanilang mga distrito na ipinaloob sa 2021 national budget. Sa paghimay ng …
Read More »Connectivity sa 115 barangays lumakas sa bagong LTE sites ng Globe
UMABOT sa 115 barangays sa Metro Manila, Northern Luzon, Southern Luzon, Visayas at Mindanao ang nabiyayaan ng pinakabagong modernization efforts ng Globe na kinabibilangan ng bagong LTE sites, pag-upgrade sa umiiral na LTE sites, at paglipat mula sa 2G at 3G networks sa 4G LTE na mas mabilis nang 10 beses. Sa LTE sites expansion ay bumuti ang kalidad ng …
Read More »Abogado pinagbabaril sa Cebu City, patay (Hindi umabot sa opisina)
BINAWIAN ng buhay ang isang 51-anyos abogado nang pagbabarilin ng dalawang suspek habang papasok sa kaniyang opisina sa Barangay Kasambagan, lungsod ng Cebu, dakong 1:30 pm nitong Lunes, 23 Nobyembre. Kinilala ni P/Maj. Dindo Juanito Alaras, hepe ng Mabolo Police Station, ang biktimang si Atty. Joey Luis Wee na dalawang beses tinamaan ng bala ng baril sa kaniyang katawan. Agad …
Read More »