Friday , March 24 2023

Marco Sison nagbabalik sa An 80s SaturDATE  

FEEL n’yo bang makarinig ng mga awitin na pinasikat noong 80’s? Well, ito na ang inyong pagkakataon dahil nagbabalik si Marco Sison para sa kanyang special concert, ang An 80s SaturDATE sa June 11 sa Teatrino Promenade, Greenhills.

A must see musical spectable ang An 80s SaturDATE dahil ito ang unang pagkakataon na muling haharap sa live audience si Marco at first solo concert niya na ididirehe ni Calvin Neria at musical direction ni Bobby Gomes.

Hindi lang sa ‘Pinas kilala si Marco bilang isa sa major pillars ng OPM dahil na rin sa kanyang mga pinasikat na awiting tulad ng  My Love Will See You Through, Si Aida, Si Lorna, O Si Fe, I’ll Face Tomorrow, Make Believe at iba pa. Maging sa ibang bansa ay kilala rin si Marco dahil sa mga awitin niyang ito.

Kaya sa mga loyal fans ni Marco at sa mga music lovers isa itong regalo ni Marco dahil tiyak na magpaparinig siya ng mga tinatawag na eclectic line-up na kanta mula sa homegrown ballads ng 80s hanggang sa anthemic love songs ng mga pinasikat niya, gayundin ang mga sampling ng 80s dance tunes  na tiyak ikaiindak ng mga audience. 

After two years of pandemic and doing virtual shows, I am very excited to perform in this show. It will be a lot of fun as Teatrino is a very intimate venue and this will give me the opportunity to bond and interact with the audience. Of course, our production will still follow all the necessary safety protocols,” ani Marco. 

Makakasama ni Marco bilang espesyal niyang panauhin si Rita Daniela. Magpaparinig din ng kanilang awitin ang up-and-coming artists na sina Elisha at Andrea Gutierrez. Magbibigay din kasiyahan ang dating Presidential chief legal counsel na si Sal Panelo.

Ang An 80s SaturDATE ay isinakatuparan ng Echo Jham Entertainment Productions sa tulong ng TAG Media, Cowboy Grill, Eurotel, Aficionado, BEXCS Logistics Solution, Zoomanity Group, The Manila Times, JMJ Events Place, Bubbli Moo’re, at Beauty Jham Aesthetics. Para sa tickets, tumawag sa TicketWorld sa 8891-9999 o bisitahin ang  www.ticketworld.com.ph.

About hataw tabloid

Check Also

Gabby Concepcion

Gabby bibili malaking property, mga anak pagsasama-samahin

HATAWANni Ed de Leon HAPPY si Gabby Concepcion na sinasabing ilang buwan na lang at lolo na …

GMA7 ABS-CBN

ABS-CBN suko na, tanggap nang GMA ang nangungunang network

HATAWANni Ed de Leon MALUNGKOT din namang marinig iyong sinasabing sumuko na ang ABS-CBN at kinikilala na …

DonBelle FranSeth Donny Pangilinan Belle Mariano Francine Diaz Seth Fedelin

DonBelle, FranSeth at iba pang youngstar tampok sa  Star Magical Prom 

ISANG maningning na gabi na puno ng saya at pagmamahal ang handog ng Star Magic para opisyal …

Klea Pineda

Klea Pineda umaming gay, member ng LGBTQIA+

RATED Rni Rommel Gonzales INAMIN ni Klea Pineda na isa siyang gay nang ipagdiwang niya ang kanyang …

Amy Austria

Amy Austria naisnab din ng ilang youngstar sa taping

RATED Rni Rommel Gonzales SA panahon ngayon, normal na para sa mga veteran at senior …