Wednesday , July 6 2022
arrest, posas, fingerprints

VIETNAMESE LENDING GANG TIMBOG SA BI  
3 Vietnamese nationals arestado

NASUKOL ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI)  ang tatlong Vietnamese nationals na pawang sangkot sa lending scam sa Science City of Muñoz, sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Dala ang Mission Order ni Immigration Commissioner Jaime Morente, dinakip ng mga operatiba ng BI Intelligence Division, ang mga suspek na kinilalang sina Vo Van Tai, 26 anyos; residente sa Purok Rosal, Brgy. Poblacion West, sa nabanggit na lungsod, pati ang kaniyang mga kasabwat na sina Vo Khac Binh, at Vo Thi Mai, pawang mga Vietnamese nationals.

Sa pahayag ni Morente nitong Linggo, 29 Mayo, sinabi niyang “These illegal businessmen are not welcome in the country.  They do not follow our laws, and at the same time bring fear and disorder to the community.”

Nabatid na pinamumunuan ni Vo Van ang isang sindikatong ilegal na nagpapautang at kung hindi makapagbayad ay dinudukot at sinasaktan ang mga umuutang sa kanila.

Napag-alaman din na palipat-lipat ang sindikato sa iba’t ibang lugar sa Luzon upang hindi mahuli at mapagtakpan ang kanilang mga ilegal na transaksiyon.

Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr., nagpakita umano si Vo Van ng pekeng BIR ID na sa iba nakapangalan habang inaaresto.

Mayroon umano siyang mga pekeng dokumento upang maitago ang tunay niyang pagkakakilanlan, habang ang kanyang mga kasabwat ay hindi dokumentado at overstaying na sa bansa.

Dinala ang tatlong suspek sa pasilidad ng BI sa Bicutan, Taguig, habang inihahanda ang kanilang deportasyon.

Dagdag ni Morente, titiyakin nilang hindi na muling makababalik ang tatlo sa Filipinas.

About hataw tabloid

Check Also

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Malacañan

Family affair sa Palasyo
PARTY NG FIRST FAMILY ‘DI PERA NG GOBYERNO

WALANG gagamiting pondo ng bayan sa anomang party na idaraos ng First Family sa Malacañang, …

Bongbong Marcos BBM Imee Marcos

Sa pag-veto sa HB 7575
IMEE DESMAYADO
Pinagsasabong kaming magkapatid

ITO ang reaksiyon ni Senadora Imee Marcos matapos i-veto ng ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

Bulacan Airport Special Economic Zone

Konstruksiyon ng airport sa Bulacan tuloy — Salceda

SA KABILA ng pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa House Bill 7575, tiniyak ni …

Ramon Zagala PSG Bongbong Marcos BBM

Non-PMAyer, DLSU PolSci graduate
UNANG PSG COMMANDER ITINALAGA NI MARCOS, JR

HINDI graduate ng Philippine Military Academy (PMA), sa halip ay sa De La Salle University …