Thursday , June 4 2026
Sung Hyun Park Golf
NASA larawan, mula kaliwa pakanan, sina: Raul Encarnacion ng Camp John Hay Golf, Party-list Representative Nat Oducado, BCDA Director Poch Ponce de Leon, BCDA Chairman Larry Paredes, Sung Hyun Park, PSC Commissioner Fritz Gaston, businessman Richard Hong, Bong Arguelles ng Camp John Hay, at si Kiko Diaz, ang bagong talagang Executive Director ng National Sports Academy. (PSC photo)

Golf Legend Sung Hyun Park nagpakitang-gilas sa Camp John Hay

BAGUIO CITY — Ibinahagi ng pitong beses na kampeon ng LPGA Tour na si Sung Hyun Park ang kanyang husay at karanasan sa isang espesyal na round of golf na inorganisa ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA), kasama ang mga opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) sa prestihiyosong Camp John Hay Golf Course.

Si Park, na nagwagi sa 2017 U.S. Women’s Open at 2018 Women’s PGA Championship, ay naging panauhing pandangal ng BCDA at nakasama sa kanyang flight sina PSC Commissioner Fritz Gaston at negosyanteng si Richard Hong. Sa kabila ng malamig na klima ng lungsod, nagpakitang-gilas ang South Korean star matapos magtala ng kahanga-hangang 8-under-par na iskor.

Ayon sa mga opisyal, ang naturang aktibidad ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng BCDA at PSC na isulong ang golf at palakasan sa bansa, gayundin ang pagpapalakas ng ugnayan sa mga international sports icon na maaaring magsilbing inspirasyon sa mga Pilipinong atleta.

Pinuri rin ni Park ang ganda at hamon ng Camp John Hay Golf Course, na aniya’y isa sa mga natatanging golf destinations sa Asya dahil sa natural na tanawin at kalidad ng kurso. (PSC/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …