Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
AFC Womens Asian Cup 2026
SI Coach Mark Torcaso nagsasalita sa pre-match press conference.

Filipinas vs. Australia: Pambungad na Laban sa AFC Women’s Asian Cup 2026

PERTH, Australia — NAKASANAYAN na ng Philippine national women’s football team ang maaraw, maaliwalas, at mahangin na panahon sa timog-kanlurang baybayin ng Australia sa mga nakalipas na araw bilang bahagi ng kanilang paghahanda.

Dahil kahalintulad ito ng mga kundisyong kanilang naranasan sa pagsasanay sa Balesin Island at sa SM Sky Pitch, buong kahandaan at determinasyon ang ipinapakita ng Filipinas sa pagharap sa anumang hamon mula sa koponan ng Australia.

Ayon kay head coach Mark Torcaso, maayos ang naging pag-aangkop ng koponan sa kapaligiran. Ito ay kanyang ibinahagi noong Sabado sa ginanap na pre-match press conference sa Optus Perth Stadium sa Victoria Park Drive, Burswood, isang araw bago ang kanilang alas-5 ng hapon na laban bilang pambungad sa kanilang kampanya sa AFC Women’s Asian Cup Australia 2026.

“Maganda ang panahon at maayos ang naging pag-aadjust ng mga manlalaro,” pahayag ni Torcaso.

Ang nasabing laban ang ikalawang pagtatagpo ng Pilipinas at Australia matapos ang kanilang paghaharap sa 2023 World Cup. Naisakatuparan ang kampanya ng Filipinas sa tulong ng Philippine Football Federation at sa suporta ng Philippine Sports Commission.

Sa kanilang huling paghaharap noong 2023 Olympic Qualifiers, nagwagi ang Australia sa iskor na 8–0.

Sa pagkakataong ito, sisimulan ng Australia ang kanilang unang malaking kompetisyon sa pangunguna ng kanilang kapitan na si Sam Kerr, na muling magbabalik matapos ang 2023 FIFA Women’s World Cup.

Ipinahayag naman ni head coach Joe Montemurro, na nanungkulan noong Hunyo 2025, ang kanilang pananabik na makabalik sa pitch at simulan ang panibagong yugto ng kanilang kampanya.

Taglay ng Australia ang hanay ng mga world-class na manlalaro kabilang sina Kerr, Caitlin Foord, at Mary Fowler.

Samantala, may positibong momentum ang Filipinas matapos ang kanilang gintong medalya sa ika-33 Southeast Asian Games noong huling bahagi ng 2025.

Malaki ang maiaambag ng karanasan ni goalkeeper Olivia McDaniel sa depensa, katuwang sina Hali Long at Angela Beard, gayundin ang pagbabalik nina Katrina Guillou at Carleigh Frilles.

Sa panig ng Australia, nakikipagtagisan para sa puwesto ang mga nagbalik na manlalaro na sina Holly McNamara, Michelle Heyman, at Alex Chidiac kasama ang walong bagong kasapi ng koponan, kabilang ang goalkeeper na si Chloe Lincoln at si Winona Heatley.

Pinalitan ni Lincoln si Teagan Micah, na kamakailan ay nagtamo ng concussion. (PSC/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

NCRAA Pato Gregorio Buddy Encarnado

DLSU-Dasmariñas, U-Luzon panalo sa pagbubukas ng NCRAA Season 32

DASMARIÑAS, CAVITE — MAGKASALO sa spotlight ang DLSU-Dasmariñas at University of Luzon matapos kapwa magwagi …

PSC BCDA John Hay Sports Center Baguio

PSC, BCDA nagtulungan upang gawing pangunahing sentro ng sports tourism ang John Hay sa Baguio

BAGUIO CITY — ISANG bagong yugto sa pag-unlad ng palakasan sa Pilipinas ang nagsimula sa …

Sam Kerr Football

Sa AFC Women’s Asian Cup
Matildas tinalo ang Filipinas sa goal ni Kerr

Burswood, Perth — ANG nagbabalik na star striker na si Sam Kerr ang umiskor ng …

Arbois Hallasgo Tokyo Marathon

Arbois, Hallasgo kumikig sa Tokyo Marathon; SEA Games record binura

MISTULANG patunay sa matikas na pagbabago ang pamosong Tokyo Marathon nang kapwa umukit ng gintong …

Sung Hyun Park Golf

Golf Legend Sung Hyun Park nagpakitang-gilas sa Camp John Hay

BAGUIO CITY — Ibinahagi ng pitong beses na kampeon ng LPGA Tour na si Sung …