Wednesday , June 24 2026
Martin Romualdez

Pagkilala sa sakripisyo:  
  Romualdez isinusulong de-kalidad na Healthcare para sa OFWs

ISINUSULONG ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mabilis na pag-aproba sa House Bill No. 7227 o ang OFW Hospital Act. Layunin nito na gawing permanente at institutionalized ang serbisyo ng OFW Hospital para masiguro ang de-kalidad na healthcare para sa migrant workers at sa kanilang mga pamilya.

Ayon kay Romualdez, ito ay isang konkretong paraan para bayaran ang utang na loob ng bansa sa ating mga bagong bayani.

Pagkilala sa kontribusyon ng OFWs

Naniniwala si Romualdez na dahil ang mga OFW ang bumubuhat sa ating ekonomiya, nararapat na magkaroon sila ng sariling ospital na tututok sa kanilang espesyal na pangangailangan. Sa ilalim ng panukalang batas, itatayo ang isang Level III hospital sa City of San Fernando, Pampanga na direktang pamamahalaan ng Department of Migrant Workers (DMW).

“Our OFWs carry our economy on their backs. At isang paraan para kilalanin ang kanilang kontribusyon sa ating bansa ay siguruhin na sila at ang kanilang mga kaanak at pamilya ay mayroong de-kalidad na healthcare,” paliwanag ni Romualdez.

Alagang tututok sa buong cycle ng pangingibang-bansa

Hindi lang basta gamutan ang hatid ng ospital na ito. Idinisenyo ito para alagaan ang OFW bago pa man sila umalis, habang sila ay nasa ibang bansa, at maging sa kanilang pagbabalik sa Filipinas. Kasama sa mga serbisyo nito ang 24/7 telehealth assistance para sa mga distressed workers sa abroad at pre-employment medical examinations.

“And we can do this through the establishment of an OFW Hospital. Isang institusyong tututok sa ating OFWs, mula sa kanilang pangangailangan bago umalis, sa pangangailangang pangkalusugan ng kanilang pamilya, at sa kanilang medical needs pagdating muli sa ating bansa,” dagdag ni Romualdez.

Serbisyong permanente, hindi pama-panahon lang

Para kay Tingog Rep. Jude Acidre, na co-author ng bill, ang hakbang na ito ay sagot sa matagal nang kakulangan sa sistema ng proteksiyon para sa mga migrante. Imbes umasa sa kung sino ang nakaupo o kung ano ang trending na isyu, gagawing batas ang pagkakaroon ng ganitong pasilidad para masigurong hindi ito mapapabayaan sa hinaharap.

“This is a long-term and permanent service to all of our OFWs and their families. Sa laki ng kontribusyon nila sa ating bansa at ekonomiya, kulang pa itong kapalit. But it is really a very good start if we want to honor our heroes,” ani Acidre.

Research at maayos na referral system

Bukod sa direktang gamutan, magsisilbi rin ang ospital bilang center para sa research tungkol sa mga sakit na karaniwang nakukuha ng mga OFW sa labas ng bansa. Magkakaroon ng maayos na referral system para ang mga ni-repatriate na manggagawa ay hindi na mahirapang humanap ng tulong medikal pagdating sa bansa. Ang pondo nito ay itatalaga sa ilalim ng General Appropriations Act para sigurado ang operasyon nito taon-taon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …

Amenah Pangandaman DBM Money

PH No.1 sa budget transparency – IBS

NAPANATILI ng Filipinas ang pagiging numero uno pagdating sa budget transparency  sa buong Southeast Asia, …

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …