Thursday , June 4 2026
Bungo Kalansay

Kalansay ng tao natagpuan sa kabundukan ng Palayan City

Isang hinihinalang kalansay ng tao ang nadiskubre sa isang mabundok na bahagi ng Barangay Imelda Valley sa Palayan City, Nueva Ecija nitong Pebrero 25.

Napag-alaman na dalawang construction worker na kinilalang sina Benidict Belen y Julata, 25 taong gulang, may-asawa at Renz Vinlayo y Belen, 18 taong gulang, kapwa residente ng Barangay Ivona, Dingalan, Aurora, pansamantalang naninirahan sa 4PH BBM Building na matatagpuan sa Barangay Atate, Palayan City ang nagtungo sa kabundukan upang maglagay ng mga bitag para sa mga mababangis na hayop.

Habang sila ay gumagala, nakakita sila ng umano ay mga kalansay ng tao na nakakalat sa lugar, itim na t-shirt at isang piraso ng lubid na nakatali sa puno na sinasabing ginamit sa pagpapakamatay.

Ang nadiskbre ay agad ipinaalam ng dalawa sa mga elemento ng Palayan City Police Station na nagtungo sa nabanggit na lugar para sa ocular inspection kasunod ng paghingi ng tulong sa SOCO at flash alarm para sa posibleng pagkakakilanlan ng biktima.

Kabilang sa mga natagpuan ng mga awtoridad sa lugar ang isang navy blue na t-shirt na may mga nakasulat na College of Arts & Sciences PHINMA AU at PHINMA Education: I Want. I Can. I Belong, pati na ang dalawang silver bracelets.

Nanawagan ang pulisya sa publiko na magbigay ng anumang impormasyong makatutulong sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga labi at sa paghahanap sa mga posibleng kaanak nito.

Sa ngayon, nakalagak ang mga labi sa isang punerarya sa Bongabon para sa karagdagang pagsusuri habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …