Thursday , June 4 2026
Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan ng ribbon-cutting ceremony at engrandeng paglulunsad sa Vista Mall Activity Center, na nagpasimula sa dalawang araw na pagdiriwang ng pagkamalikhain tampok ang iba’t ibang anyo ng kultura at komunidad sa sining, kasabay ng Pambansang Buwan ng Sining.

Pinangunahan ni Mayor Lani Cayetano ang seremonya kasama sina District 2 Rep. Jorge Bocobo at ang pinuno ng Think Big Taguig na si Chi Bocobo; mga miyembro ng Konseho ng Lungsod; ang kilalang Filipino artist at mismong taga-Taguig na si Danny Rayos del Sol at si Tess Rayos del Sol ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) National Committee on Art Galleries; ang pamamahala ng Vista Mall sa pangunguna nina Mall Head Albert Tinedero at Marketing Head Jhoiye Castillo; pinuno ng LYDO na si Atty. Aldrin Sinues; at Pangulo ng SK Federation na si Joanna Pagkalinawan.

Dala ang tema ng NCCA na “Ani ng Sining: Katotohanan at Giting” itinampok ng pagdiriwang ang mga pagsisikap ng lungsod na suportahan ang tunay na sining habang pinararangalan ang katapangan at talento ng local creators.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Lani ang halaga ng sining bilang isang uri ng katalinohan at pagpapahayag ng sarili.

“Hindi lang po sa akademikong aspekto nasasanay o nasusukat ang talino ng tao, maski po sa sining. Maituturing po natin itong katalinohan. Huwag tayong matakot na maging malikhain at huwag nating kalimutan na isang porma ng katalinohan ng tao ang kahusayan sa arts.”

Isa sa mga pangunahing atraksiyon ng pagdiriwang ay ang isang tampok na eksibit na nagpapakita ng mga gawa ng 21 Taguig artists at 53 artworks na sumasalamin sa lalim at pagkakaiba ng lokal na malikhaing komunidad.

Nagtipon din ang Art Mart na may 21 kalahok na merchants na nag-aalok ng mga sticker, print, handcrafted item, at iba pang malikhaing produkto, na nagbibigay ng puwang para sa mga artist at creative entrepreneur na kumonekta sa publiko.

Bilang dagdag na enerhiya sa pambungad na programa, ang United as 1 (UA1), ang kasalukuyang kampeon ng Tugtog ng Taguig Sayaw Edition, ay nagtanghal tampok ang pagkakaisa sa dinamikong diwa ng sining.

Nagpatuloy ang programa hanggang hapon sa pamamagitan ng mga interactive session tulad ng mga workshop sa paggawa ng beads at paggawa ng kape, isang art appreciation talk, isang cosplay discussion, at mga workshop sa teatro at sayaw, na nagbigay sa mga kalahok ng mga pagkakataong tuklasin ang iba’t ibang anyo ng artistikong pagpapahayag. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …