Thursday , June 4 2026
Stella Quimbo Money Maleta

Idiniin ng 2 Ex-Marines
Ex-solon tumanggap ng male-maletang pera

KINOMPIRMA ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta na puno ng pera sa bahay ni dating Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo.

Sa isang panayam sa “Kapuso Mo, Jessica Soho,” kinompirma nina Belnard Tube at Benny Bulontate ang laman ng kanilang affidavit, at sinabi nilang nagdala sila ng pera sa bahay ni Quimbo.

“Kay Cong. Stella po,” sagot ni Bulontate nang ipakita ni Soho ang larawan ng isang bahay kung saan inihahatid ang ilang maleta na puno ng pera.

Nang tanungin ni Soho kung tunay nga bang pag-aari ni Quimbo ang bahay, sinabi ni Tube, “oo, bahay niya po.” Tinukoy din niya ang lokasyon, ngunit ang detalyeng ito ay hindi ipinalabas sa programa.

Sina Bulontate at Tube ay kabilang sa 18 dating sundalo na nagsabing naghatid ng male-maletang pera sa bahay ni Quimbo.

Upang suportahan ang kanilang alegasyon, nagbigay sila ng larawan ng walong malalaking maleta at isang maliit na maleta na inihatid sa bahay ni Quimbo.

Anila, bawat malaking maleta ay naglalaman ng humigit-kumulang P50 milyon hanggang P70 milyon, habang ang maliit na maleta ay may P15 milyon hanggang P25 milyon.

Si Quimbo ay naging miyembro ng bicameral conference committee at nagsilbing vice chairperson ng House Committee on Appropriations noong pinag-uusapan ang 2025 national budget. Naging chairperson siya ng komite matapos magbitiw si Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

Sa kabuuan, nakapaghatid sila ng hindi kukulangin sa P805 bilyon sa iba’t ibang opisyal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …