Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aaron Villaflor

Arron itinanggi video scandal, video eksena sa Vivamax project

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

HINAMON ni Arron Villaflor ang mga netizen na magbigay ng ebidensiya o resibo ng umano’y video scandal niya. Nilinaw ng isa sa bidang aktor ng Pater Noster na ang mga video na ipinakita ay mga eksena sa kanyang Vivamax movie.

Sabi ko, ‘Go! Ipakita ninyo sa akin. Eh lahat ng ipinakita nila, from my Vivamax projects. Ay naku, napakaraming smear campaign. It’s part of the political industry, so depende sa iyo on how you’re gonna react,” ani Arron na ginagampanan ang papel ni Peter, anak ni Archi Adamos (Deo).

Sabi nga ni Arron na kasalukuyang member ng the Tarlac Provincial Board (2nd district) hindi na siya tatanggap ng sexy roles. Ang desisyong ito ay kasunod ng pagkapanalo niya bilang board member ng second district ng Tarlac.

Aniya, “No more sexy roles, galing na tayo riyan. I’ve been doing those things for almost two years, three years.

“Hindi na siya tulad ng dati. It’s not easy compared before. Right now, I have to choose my work,” giit pa ng Arron.

Sa kabilang banda, ipinagmamalaki ng LGK Films, ang action-drama na Pater Nosterna idinirehe ni Moutaz Kotrob at mapapanood simula March 25, 2026 sa mga sinehan nationwide.

Ang pelikula ay ukol sa mag-amang magkaiba ang prinsipyo at layunin, kaya naging magkalaban. Dagdag tensyon pa ang biglang pagsulpot ni Catherine, anak ni Deo na matagal na siyang kinalimutan.

Si Catherine ay ginagampanan ni Kayley Carrigan na kilala sa husay sa martial arts, acrobatics, parkour, fight choreography, at specialized stunt techniques. Siya ay respetadong stuntwoman, at bagay sa kanya ang karakter na ito na sasabak sa mga maaksiyong eksena.

Ilang beses nang napatunayan ni Arron ang kakayahan sa pagsasabuhay ng iba’t ibang karakter dahil sa dami ng nagawa niyang primetime drama, soap opera, at pelikula. Ngayon, tiyak na mabibihag niya ang mga manonood sa ipakikitang lalim na emosyon bilang Peter.

Kilala naman ang beteranong aktor na si Archi sa kanyang pagiging natural sa pag-arte. Kahit sa mga supporting role ay nagmamarka ang kanyang pagganap, at ngayong siya ang bidang si Deo, tiyak isa na naman itong karagdagan sa kanyang matagumpay na karera.

‘Wag palampasin ang Pater Nostersa mga sinehan, at tunghayan kung paanong minsan ang kapamilya ay nagsisilbing kulungan. 

Abangan sa Marso 25, 2026. Ipinamamahagi ng Viva Films.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …