Saturday , December 28 2024

hataw tabloid

Kasunod ng military ops vs NPA 300 residente sa Capiz nagbakwit

NAPILITANG magbakwit ang halos 300 indibiduwal mula sa bayan ng Tapaz, sa lalawigan ng Capiz, matapos ang operasyon laban sa ilang hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa lugar, kung saan napaslang ang siyam katao. Tinatyang 60 pamilya o halos 300 katao mula sa Barangay Lahug nitong Biyernes, 1 Enero ang mapilitang lumikas dahil sa takot kasunod ng ope­rasyong nangyari …

Read More »

Konduktora, lalaki patay sa nagliyab na bus sa QC (Likido ibinuhos ng ‘pasahero’)

nina ALMAR DANGUILAN/MICKA BAUTISTA DALAWA katao ang nalitson nang buhay habang apat katao ang sugatan kabilang ang bus driver nang sabuyan ng isang pasaherong lalaki ng likidong hinihinalang gaas o ethyl alcohol ang babaeng konduktor, saka sinilaban sa bahagi  ng Commonwealth Avenue, Quezon City, nitong Linggo ng hapon. Patay ang kondukto­ra na kinilalang si Ame­lene Sembana, at isang hindi pa …

Read More »

Helium tank sumabog paslit patay, 5 pa sugatan (Sa South Cotabato)

BINAWIAN ng buhay ang isang 10-anyos batang lalaki habang sugatan ang limang iba pa nang sumabog ang isang tangke ng helium gas sa bayan ng Norala, lalawigan ng South Cotabato, nitong Linggo, 27 Disyembre. Ayon kay P/Maj. Bernie Faldas, hepe ng Norala police, naganap ang insidente pasado 9:00 a, sa Purok Reloquemas, Barangay Poblacion, sa naturang bayan. Idineklarang dead on …

Read More »

Mag-utol na paslit nilamon ng apoy (Sa Araw ng Pasko)

fire sunog bombero

PATAY ang dalawang batang edad 3 anyos at 4 anyos nang masunog ang kanilang bahay noong araw ng Pasko, 25 Disyembre, sa bayan ng Tubod, lalawigan ng Lanao del Norte. Ayon kay P/Maj. Salman Saad, tagapagsalita ng Lanao del Norte police, ikinandado ng mga magulang ng magkapatid ang bahay at tanging kasama lang nila sa loob ay isang nakataling aso …

Read More »

Ronda Rousey may ‘bf’ na

MASAYA sina Ronda Rousey at Dana White nang tanungin sa UFC  press conference kung nanana­tiling ‘single’ ang MMA legend. Sa nasabing presscon ay nagdesisyon ang isang sports columnist  na tanungin ang 33-year old former MMA superstar tungkol sa kanyang personal na buhay at ibig nitong malaman kung ano na nga ba ang status niya pagkatapos ng makulay na career. “Ronda, …

Read More »

San-En Neophoenix giba sa Akita

TUMUKOD ang huling remate ng San-En NeoPhoenix para makuha ng Akita Northern Happinets ang panalo 89-79 nitong Biyernes, Araw ng Pasko sa Filipinas,  sa pagpapatuloy ng 2020-21 B. League sa CAN Akita Arena. Sa huling quarter ng laban, lamang ng 14 puntos ang Akita.  Bumaba iyon sa anim na puntos  pero nagsilbing bombero si Alex Davis na agad pinatay ang …

Read More »

Panico KO kay Magomedaliev

SINIGURO ni Raimond Magomedaliev na ang magiging susunod niyang laban ay sa One welterweight world title challenger na. May pasakalye si Magomedaliev na tubong Russia nang gibain ang  walang talo at baguhang si Edson “Panico” Marques sa kanilang bakbakan sa One: Collision Course II, inirekord ang event mula Singapore at inere noong Biyernes, 25 Disyembre. Umentra ang Brazilian sa kontes na …

Read More »

Aktor, todo deny pa rin sa P10k at  P20k na bayad sa kanyang ‘sideline’

blind mystery man

AYAW pang aminin ng dating male star ang kanyang “sideline.” Iginigiit pa rin niyang hindi siya “bayaran.” Pero paano kaming maniniwala eh may nagpakita sa amin ng kanyang text message na sinasabi niyang P20k ang gusto niyang ibayad sa kanya. Pati na ang sagot ng kanyang inalok na “maski P10k hindi kita babayaran.”              Ang akala yata ng dating male star ay …

Read More »

Molecular Lab, isolation facility sa Munti inilunsad

INILUNSAD ng pamahalaan lungsod ng Muntinlupa ang Molecular Lab, Isolation Facility sa ika-103 Anibersaryo ng Pagtatag. Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary  Arthur Tugade at Mayor Jaime Fresnedi ang pagpapasinaya ng Molecular Laboratory ng lungsod at ng We Heal As One Center Isolation Facility sa Filinvest, Alabang sa pagdiriwang ng 103rd Founding Anniversary ng Muntinlupa kamakalawa. Kabilang sa sumaksi …

Read More »

SK Chairman sugatan sa bugbog at pamamaril ng grupo ng kabataan

bugbog beaten

Sugatan ang isang incumbent Sangguniang Kabataan chairman nang pagtulungang bugbugin at barilin nang mapag­tripan ng isang grupo ng mga kabataan sa bayan ng sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 19 Disyembre. Batay sa ulat na ipinadala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police director, kay P/BGen. Valeriano De Leon, PRO3 director, kinilala ang biktimang si John Mico Yamzon, isang SK Chairman, …

Read More »

Crimes against humanity sa drug war ni Duterte bistado ng ICC

International Criminal Court ICC

KOMBINSIDO ang Office of the Prosecutor ng International Criminal Court (ICC) na nagkaroon ng crimes against humanity sa isinusulong na drug war ng admi­nistrasyong Duterte. Sinabi ni ICC Prosecutor Fatou Bensou­da, may makatuwirang basehan ang impor­masyong inihain sa ICC tungkol sa posibilidad na may naganap na crimes against humanity of murder, torture, serious physical injury, at mental harm sa Filipinas …

Read More »

2 lola sa Leyte natabunan sa landslide, patay

HATAW News Team BINAWIAN ng buhay ang dalawang matan­dang babae nang mata­bunan ng lupa sa naganap na landslide dulot ng malakas na hangin at pag-ulan sa Barangay Cuatro de Agosto, sa bayan ng Mahaplag, lalawigan ng Leyte, nitong madaling araw ng Sabado, 19 Disyembre. Kinilala ang mga biktimang sina Evelina Laraño, 67 anyos, at Junilanda Milana, 62 anyos, kapwa natutulog …

Read More »

Pulong Duterte: Solusyon sa tagumpay pagpuksa sa droga

KASALUKUYANG naghahatid ng tulong ang tanggapan ni Davao 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte sa People’s Park, Davao City ngayong araw. Tinatayang lagpas sa 23,000 ang matutulungang displaced workers at mangingisda sa programa nito sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan. Kasabay ng Livelihood Caravan ang libreng drug-test mula sa PDEA na naghihikayat ng malinis na pamumuhay para sa …

Read More »

BDO, SM to hold first virtual ‘Pamaskong Handog 2020’ in honor of overseas Filipinos

Even amid the new normal, BDO and SM Supermalls are finding ways to continue its annual tradition of paying tribute to overseas Filipinos (OFs) and their families during the Christmas season. The companies said that this year, the much anticipated “Pamaskong Handog” will be held as a virtual event; online but still full of star-studded guests and performers and exciting …

Read More »

SALN ni Speaker Lord et al dapat isapubliko

DAPAT pangunahan mismo ni House Speaker Lord Allan Velasco at ibang mambabatas ang pagsasapubliko ng kanilang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) at gawing madali ang paghingi ng kopya nito para sa publiko. Ito ang reaksiyon ni Institute for Political Reform (IPER) Executive Director Ramon Casiple sa harap ng inihaing resolusyon nina Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor at Sagip …

Read More »

DITO ‘di kayang iprayoridad malalayo, matataong lugar (Para sa internet)

INAMIN ng DITO Telecommunity na hindi nila maseserbisyohan ang mga ‘unserved at underserved areas’ dahil sa time constraints at sa CoVid-19 pandemic. Ang pag-amin ng Dito sa kawalan ng kakayahang iprayorida ang malalayong lugar sa bansa sa ipinangako nitong high-speed internet rollout ay bilang tugon sa hamon ni Senadora Grace Poe na magkaloob din ang third telco ng connectivity sa …

Read More »

2021 nat’l budget responde sa pet project ng solons (Hindi CoVid-19 response)

KAPWA tinuran nina Vice President Leni Robredo, Senator Panfilo Lacson at Senator Franklin Drilon na pagkukunwari na CoVid-19 responsive ang 2021 national budget dahil kung hihimayin ay sasabog ang P28.35 bilyong ‘singit’ o insertions na ginawa ng House of Representatives para sa kanilang favorite projects na ipinaloob sa infrastructure budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) habang P2.5 …

Read More »

Globe target 2,000 bagong cell sites (Para sa 2021)

IPAGPAPATULOY ng Globe ang agresibong network expansion, sa target na magtayo ng record number ng bagong cell sites o towers sa mas maraming lungsod at bayan sa bansa sa susunod na taon. Para sa 2021, tinatarget ng Globe na magtayo ng pinakamalaking bilang ng cell towers sa kasaysayan ng kompanya sa patuloy na pagtaas ng demand para sa connectivity at …

Read More »

Ayuda-style na pamaskong handog ginawa sa Mandaluyong

IPINAGPATULOY ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong ang taunang Pamaskong Handog para sa mga residente. Tinawag na Ayuda ng Pasasalamat, ito ay gagawin katulad ng paghahatid ng ayuda para maiwasan ang pagkakaroon ng pila at pagpunta ng maraming tao sa City Hall Complex dahil sa patuloy na umiiral na pandemya at para maiwasan ang biglang pagdami ng kaso ng CoVid-19. Ayon …

Read More »

Libreng dialysis, handog ng foundation sa mahirap

Pitmaster Foundation Inc dialysis

LINGID sa kaalaman ng karamihan, daan-daang mahihirap na Filipino na may sakit sa bato ang tinutulungan ng isang foundation para makapag-dialysis simula pa noong Nobyembre. Ayon kay Atty. Caroline Cruz, program director ng Pitmaster Foundation, Inc., “inire-refer namin ang mga pasyente sa pinakamalapit na ospital o dialysis center tapos kami ang mag­babayad.” “All they have to do is message us …

Read More »

Velasco ‘cheap’ (‘Deputy speakership’ pabuyang singko-mamera ng PH — MECO)

GINAWANG ‘cheap’ ni House Speaker Lord Allan Velasco ang posisyong Deputy Speaker ng House of Representatives na singkong mamera na lang na maituturing  nang gawin itong ‘pabuya’ sa mga kaalyadong kongresista na sumuporta sa kanya sa nangyaring Speakership row sa pagitan nila ni dating House Speaker Lord Allan Velasco. Sa kanyang column sa pahayagang Manila Standard sinabi ni Manila Economic …

Read More »

Bong Go, namigay ng tulong sa 2,000 typhoon victims sa Marikina City

MULING binisita ni Senator Christopher “Bong” Go kamakailan ang Marikina City, isa sa mga lugar na matinding napinsala ng bagyong Ulysses, upang magbigay ng ayuda sa mga residente roon. “Hindi naman maiiwasan, sa panahon ngayon ng climate change, talagang lumalakas ang ulan. So, nandiyan talaga ‘yung banta ng pagbaha. Sa tulong ng buong gobyerno, lalo ang local government units sa …

Read More »

New franchise sa ABS-CBN hindi gano’n kadali (Atienza tinabla ni Marcoleta)

ABS-CBN congress kamara

TALIWAS sa pagtitiyak ni House Deputy Speaker Lito Atienza na sa 2021 ay posible nang makakuha ng panibagong legislative franchise ang ABS-CBN sa ilalim ng liderato ni House Speaker Lord Allan Velasco, hindi para kay SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta na aniya’y daraan pa rin sa butas ng karayom. Ayon kay Marcoleta, isa sa pangunahing tumutol sa pagkakaloob ng prankisa …

Read More »

A2Z Channel 11, araw-araw ang handog na spiritual inspiration

NAG-O-OFFER ang A2Z Channel 11 ng religious inspiration programming mula Lunes hanggang Linggo para maipagpatuloy ang misyong palaganapin pa ang salita ng Diyos na pinamumunuan ng Broadcasting founder, ang evangelist na si Eduardo “Brother Eddie” Villanuena. Kaya naman inihahandog ng A2Z Channel 11 ang mga panooring tulad ng Bro. Eddie Classics, Flying House at Super Book, Jesus The Healer at Jesus is Lord Sunday Worship Healing Service. Sabi nga ni A2Z …

Read More »