Sunday , April 2 2023
Gilas Pilipinas Youth U16 vs Japan

2022 FIBA Asia U16
GILAS PILIPINAS YOUTH TALO SA JAPAN

TINIBAG ng Japan U16 national team (2-0) ang Gilas Pilipinas Youth U16, 73-67 sa preliminary round para manguna sa Group C sa pagpapatuloy ng 2022 FIBA U16 Asian Championship nung Martes sa Al Gharafa Sports Club Multi-Purpose Hall sa  Doha, Qatar.

Pinangunahan ni Yuto Kawashima ang Japan nag maglista ito ng double-double performance na may 26 puntos (10/21 fg. 3/7 3pt. 3/6 ft)  kasama ang 18 rebounds at 3 assists.   Samantalang si Leon Watanabe ay nag-ambag ng 16 puntos at 9 rebounds.

Naging si bida naman sa Gilas si Caelum Harris na may 18 puntos sa 7-of-18 shooting, 6 rebounds, 2 steals at 1 assist sa 31 minuto ng paglalaro, samantalang si Jared BAhay ay tumapos naman ng 12 puntos, 6 rebounds, 3 assists at 3 steals.

Dahil sa panalo ay umabante ang Japan sa quarterfinals habang ang Philippines  na may kartang 1-1 ay kailangan harapin ang Kazakhstan (0-2) sa Huwebes, June 16 sa ganap na 8:45 PM para sa puwesto sa quarterfinals.   Ang mananalo ay haharapin naman ang wala pang talong Australia (3-0).

About hataw tabloid

Check Also

George Clevic Daluz Golden Goggles swim series

Daluz ng Batangas tatlong medalyang ginto sa Golden Goggles swim series

PINANGUNAHAN ng tubong Batangas na si George Clevic Daluz ang limang promising tanker para sa …

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …