Friday , April 19 2024

Sa Ormoc,Leyte
DELIVERY BOY NG ISDA PATAY SA PAMAMARIL

BINAWIAN ng buhay ang isang lalaki nang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Brgy. Libertad, lungsod ng Ormoc, sa lalawigan ng Leyte, nitong Huwebes ng umaga, 9 Hunyo.

Kinilala ang biktimang si Crisanto Pescador, 44 anyos, delivery boy ng isda.

Ayon sa imbestigador ng kasong si P/Cpl. Mark Jun Caballes, nagmamaneho ng kanyang tricycle ang biktima upang maghatid ng isda sa mga bayan ng Merida at Isabel nang barilin siya ng mga suspek dakong 6:20 am kahapon.

Nabatid sa pulisya, aaresto ang biktima sa isang drug bust noong 2017 sa Isabel, Leyte, ngunit pinalaya matapos maghain ng plea bargaining agreement na inaprobahan ng korte noong 2018.

Nagkasa ng hot pursuit operation ang lokal na pulisya upang matunton ang mga nasa likod ng krimen. ###

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …