Thursday , December 11 2025

hataw tabloid

Gilas umabante sa 2nd round ng FIBA World Cup Qualifiers

Gilas Pilipinas FIBA World Cup Asian Qualifiers

UMABANTE   ang Gilas Pilipinas, New Zealand, at India sa 2nd round ng FIBA World Cup qualifiers. Nung linggo ay nakaresbak ng panalo ang Gilas laban sa India 79-63 sa pagpapatuloy ng FIBA World Cup Asian Qualifiers  sa SM Mall of Asia Arena. Pinangunahan ni Dwight Ramos ang atake ng Team Philippines nang tumikada siya ng 21 puntos, limang rebounds, apat na …

Read More »

 ‘Laro’t Saya sa Parke’ pinalawak ng PSC

Celia H Kiram PSC Rise Up Shape UP

BILANG suporta ng Philippine Sports Commission’s (PSC) para i-promote at patatagin ang sports development sa bansa, ang national sports agency ay pinalawak ang kanilang paglapit sa komunidad at pamilya para himukin silang tanggapin ang  sports sa pamamagitan ng various programs  na ipinatupad sa buong taon. Ang isang programa ay ang Laro’t Saya sa Parke (LSP), na inilunsad siyam na taon …

Read More »

Kai Sotto ‘di  maglalaro sa FIBA Asia Cup

Kai Sotto

KINUMPIRMA ni  Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) programa director Chot Reyes na hindi makakasama si Kai Sotto sa Gilas Pilipinas na maglalaro sa FIBA Asia Cup na hahataw sa Indonesia. “Mukhang wala na. He has decided to do some other thing and forego the Fiba Asia Cup,” pahayag ni Reyes nung Linggo pagkatapos ng panalo ng Gilas laban sa India …

Read More »

Suntok ni Canelo walang epekto kay Golovkin

Canelo Alvarez Gennadiy Golovkin

NEW YORK–Maraming katangian si Canelo Alvarez pagdating sa pakikipaglaban sa ring  pero hindi naniniwala  si Gennadiy Golovkin na nakagigiba ang suntok ng kanyang karibal. Naitala ni Golovkin ang nag-iisang talo niya sa kabuuan ng kanyang boxing career  sa kamay ni Alvarez sa rematch nila noong 2018.  Nanalo si Canelo via  majority decision.  Ang una nilang laban noong 2017 ay nagtapos …

Read More »

Mark Magsayo may kahinaan na dapat ayusin

Mark Magsayo

NAGPAPAALALA si boxing trainer Nonito Donaire Sr.  kay  WBC world featherweight champion Mark Magsayo na dapat niyang ayusin ang kanyang kahinaan bago pa sumalang sa una niyang title defense laban kay Rey Vargas sa July 10 sa Alamodome sa San Antonio, Texas. Ayon kay Donaire Sr., kailangang pataasin niya ang ‘accuracy’  ng kanyang mga suntok para mapigilan ang atake ni …

Read More »

EJ Obiena naghari sa german meet

EJ Obiena

 IBINULSA ni Filipino pole vault sensation EJ Obiena ang kanyang ikaanim na gintong medalya ngayong taon pagkaraang pagharian niya ang Jump and Fly tournament nung Linggo sa Hechingen, Germany. Nilundag ni Obiena ang 5.80 meters sa kanyang ikatlo at pampinaleng attempt para sa gintong medalya.   Ang maganda niyang performance sa nasabing torneyo ay pambawi niya sa pangit na inilaro sa …

Read More »

Zolani Tete giniba si Jason Cunningham sa 4th round

Zolani Tete Jason Cunningham

NASA radar na muli ni dating two-weight world champion Zolani Tete ang isa pang pagkakataon para mapalaban sa titulo nang gibain niya si Jason Cunningham sa 4th round ng magharap ang dalawa sa Commonwealth super-bantamweight title fight sa Joyce-Hammer  sa Wembley. Naging brutal ang pinakawalang suntok ni Tete na nagpabagsak sa lona kay Cunningham, at nang bumangon ito ay pinaulanan na …

Read More »

Cuarto talo kay Valladeres via split decision

Rene Mark Cuarto

NAYARI ang koronang hawak ni Rene Mark Cuarto ng Pilipinas  nang talunin siya ni Mexican challenger Daniel Valladares para sa Internatinal Boxing Federation (IBF) minimumweight belt sa isang dikitang laban noong Sabado sa Monterrey, Nuevo Leon, Mexico. Katulad ng inaasahan, lamang ang local boxer sa kanilang teritoryo nang ibigay sa kanya  ng dalawang hurado ang kalamangan  116-11 at 115-112 , …

Read More »

Megakraken Swim Team hataw sa Visayas Leg ng FINIS

Megakraken Swimming Team FINIS

HUMIRIT ang Megakraken Swim Team ng kabuuang 591.5 puntos para masungkit ang overall team championship sa Visayas leg ng FINIS 2022 Short Course Swim Competition Series kamakailan sa University of Saint La Salle (USLS) swimming pool sa Bacolod City. Pumangalawa ang Iloilo Tiger Shark Swim Team (395 points) at nakuha ng La Herencia Swim Club ang ikatlong puwesto (387.5 points) …

Read More »

Kasong plunder at graft isinampa vs Lipa City Mayor Africa, 7 empleyado

ombudsman

SINAMPAHAN sa Office of the Ombudsman ng kasong kriminal at administratibo si re-elected Lipa City Mayor Eric B. Africa at pitong tauhan ng lungsod dahil sa umano’y pagkakasangkot sa P107.2 milyong cash advances bago ang May 9 elections. Ang kaso ay isinampa ni Lipa City resident at taxpayer Levi Lopez noong 29 Hunyo. Kabilang sa mga kinasuhan sina Africa, City …

Read More »

Appointment ng PPA GM niratsada
DOTr CHIEF SINAGASAAN

PPA DoTr

TRADISYON sa Filipinas, sa pagpasok ng bagong administrasyon, binibigyan ng honeymoon period o maayos na pagkakataon, upang ipakita ang suporta at tiwala. Pero ang tradisyong ito ay nasagasaan sa mapanganib na diskarte ng ilang bagong namumuno. Tinukoy ng ‘isang opisyal,’ ang insidente ay eksaktong tumutugma kay incoming Executive Secretary Vic Rodriguez nang kaniyang ianunsiyo ang pagtatalaga o appointment kay Christopher …

Read More »

P500 ayuda ipapadala na sa mahihirap ngayong araw — Tulfo

Erwin Tulfo

NANGAKO si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na simula ngayong araw ay matatangap na ng ilang mahihirap na kababayan ang ipinangakong P500 ayuda ng pamahalaan bilang tugon sa tumataas na presyo ng bilihin sa bansa. Target ng DSWD na matatanggap ng 12.4 milyong benepisaryong Filipino sa ilalim ng Targeted Cash Transfer (TCT) Program ang nasabing …

Read More »

Romero vs Davis magkakaroon ng rematch

Rolando “Rolly’ Romero Gervonta ‘Tank’ Davis

SINABI ni Rolando “Rolly’ Romero na naghahanda na siya para sa rematch nila ni WBA ‘regular’ lightweight champion Gervonta ‘Tank’ Davis pagkaraang matalo siya dito via knocked out sa 6th round nung May 28th. Walang sinabi si Rolly (14-1, 12 KOs) kung kailan ang sinasabi niyang rematch kay Tank Davis, pero sa laki ng tiwala niya sa kanyang sinasabi, posibleng nalalapit …

Read More »

Westbrook mananatili  sa Los Angeles Lakers

Russell Westbrook

NAGDESISYON si Los Angeles Lakers guard Russell Westbrook na tanggapin ang kanyang $47.1 million option para makabalik sa club para sa 2022-23 season, ayon sa ilang mapagkakatiwalaang  report nung Martes. Ang 33-year-old playmaker, ang 2017 NBA Most Valuable Player at nine-time NBA All-Star, ay papasok sa final campaign ng kanyang limang taong kontrata na nakakahalaga ng $206 million. Si Westbrook …

Read More »

PSC’s “Rise Up! Shape Up!” nakatuon sa iba’t ibang programa sa nakalipas na anim na taon

PSC Rise up Shape up

NAKATUON ang Philippine Sports Commission (PSC), sa pamamagitan ng Women in Sports Program,    sa kababaihan at sports development sa buong kapuluhan sa kanilang iba’t ibang programa sa loob ng anim na taon. Para iselebra ang  tagumpay ng PSC-Women in Sports, PSC’s web series “Rise Up! Shape Up!” iniaalay nila ang July 1 episode para itampok ang ‘milestones and key accomplishments’ …

Read More »

‘Laro’t Saya sa Parke’ sa PSC’s Rise Up Shape Up

Laro’t Saya sa Parke PSC’s Rise Up Shape Up

BILANG suporta ng Philippine Sports Commission’s (PSC) para i-promote at patatagin ang sports development sa bansa, ang national sports agency ay pinalawak ang kanilang paglapit sa komunidad at pamilya para himukin silang tanggapin ang  sports sa pamamagitan ng various programs  na ipinatupad sa buong taon. Ang isang programa ay ang Laro’t Saya sa Parke (LSP), na inilunsad siyam na taon …

Read More »

Netizens sabik na sa susunod na episodes ng Ang Babae Sa Likod Ng Face Mask

Herlene Budol Hipon Girl Joseph Marco

UMANI ng papuri ang bagong online serye ng Puregold Channel na Ang Babae Sa Likod ng Face Mask matapos maipalabas ang isa na namang episode nito noong Sabado. Kasabay ng tagumpay na ito, patuloy ding dumarami ang mga manonood na kilig na kilig at hindi na makapaghintay para sa mga susunod na kabanata ng nasabing series. Talaga namang tuloy-tuloy ang pagkasabik nang mapanood …

Read More »

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal na pagbabalik sa tungkulin sa ika-apat na pagkakataon. Kasama ni Mayor Lani si Senator Alan Cayetano sa panunumpa gayondin ang buong Team Lani Cayetano na kinabibilangan ni Vice Mayor Arvin Alit, 2nd District Congresswoman Pammy Zamora, at mga konsehal ng Distrito Uno at Dos. (EJ …

Read More »

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City

Ruffy Biazon Muntinlupa oathtaking 1

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon kay Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Myra Quiambao kasama ang 1 Muntinlupa party members, ang nag-iisang Comelec accredited local party na may itinatakdang prinsipyo at plataporma ng gobyerno tungo sa ikauunlad ng lungsod. Kasama rin sa oathtaking ceremony ang mga konsehal at nangako …

Read More »

Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City

Mel Aguilar April Aguilar Las Piñas Feat

SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at anak na si Vice Mayor April Aguilar, kay Las Piñas Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Elizabeth Yu-Guray, kasama ang mga nanalong konsehal sa nakalipas na May 9 elections. Ginanap ang panunumpa sa tanggapan ng Punong Lungsod, Las Piñas City Hall kahapon Huwebes, 30 Hunyo …

Read More »

Rematch ng Conor McGrecor vs Floyd Mayweather tsismis lang

Conor McGregor Floyd Mayweather

LALABAN muli sa UFC  si Conor McGregor sa  pagtatapos ng 2022 o sa kaagahan ng 2023   pero hindi si Floyd Mayweather Jr. ang kanyang makakaharap tulad ng kumakalat na alingasngas. Ang paglilinaw na  iyon ay nagmula mismo kay UFC president Dana White na ikinibit-balikat lang ang reports  na muling maghaharap sina McGregor at Mayweather pagkaraan ng kanilang unang paghaharap noong …

Read More »

Gilas  reresbak sa New Zealand

Gilas Pilipinas FIBA World Cup Asian Qualifiers

DUMATING na sa New Zealand ang Gilas Pilipinas nung Martes ng hapon para sa magiging showdown nila ng host country sa  June 30 sa Evenfinda Stadium sa Auckland sa pagpapatuloy ng FIBA World Cup Asian Qualifiers. May pagkakataon pa ang Gilas na sumalang sa ensayo pagkaraang magpahinga nang bahagya para pagpagin ang pagod sa biyahe. Sa muling paghaharap ng  Gilas …

Read More »