Monday , November 28 2022
Karen Davila Korina Sanchez

Korina Sanchez at Karen Davila pinag-aaway, iringan sasagutin na

MAGSASAMA sa isang bihirang pagkakataon, sa iisang TV screen ang dalawa sa pinakamatagumpay na kababaihan sa media industry.

Ang multi-awarded broadcast journalist na si Karen Davila ang susunod na panauhin ni Korina Sanchez sa kanyang pinakabagong palabas, ang Korina Interviews. 

Ang dalawa ay kabilang sa mga pinagkakatiwalaang tagapaghatid-balita sa bansa. Nakilala ang dalawa dahil sa kanilang  dedikasyon, pagsusumikap, at malawak na karanasan sa paghahatid ng serbisyo publiko.

Sa teaser ng Korina Interviews, makikita ang masayang kuwentuhan ng dalawa. Pero hindi pa rin nagpahuli ang dalawa sa kanilang ‘straight forward’ na mga pahayag at tanong. 

Ani Karen, takot siya kay Korina noon samantalang tinanong naman ni Korina si Karen, “Bakit sa palagay mo, pinag- aaway tayo?”

Alamin ang sagot ni Karen ngayong Linggo, October 30, 5:00 p.m. sa NET25.

About hataw tabloid

Check Also

Lovi Poe

Lovi Poe Supreme actress ng ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SUPREME Actress ang taguri ngayon kay Lovi Poe. Mapa- live shows, mediacons, …

Sama-Samang Tinig ng Pasko Christmas Chorale Showdown TV5

Sama-Samang Tinig ng Pasko tampok sa Barangay Christmas Chorale Showdown ng TV5

MAS pinabongga at pinasaya ang Christmas campaign ng TV5 ngayong taon dahil sa inaabangang Sama-Samang Tinig ng Pasko …

SPEEd EDDYs Nominees

Ika-5 edisyon ng The EDDYS eeksena na ngayong gabi sa MET;
sino-sino ang tatanghaling pinakamagaling?

MAGKAKAALAMAN na ngayong gabi kung sino-sino ang tatanghaling pinakamagagaling sa larangan ng paggawa at pagbuo …

Plus Size Fashion Stream

Philippine Plus Size Fashion Stream, makatuturan at ibang klaseng pagrampa ang hatid

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IBANG klaseng pagrampa ang magaganap sa Dec. 28, 2022 sa Okada …

Kiko Estrada AJ Raval Angeli Khang US X HER 2

AJ, Angeli, at Kiko, nagrigodon sa US x Her ng Vivamax

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPASOK sa  ibang klaseng sitwasyon sina AJ Raval, Angeli Khang, …