Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Archi Adamos Arron Villaflor Pater Noster

Archi Adamos hinangaan sa kapirot na patikim sa Pater Noster

HARD TALK
ni Pilar Mateo

TAGA-SYRIA ang direktor. Na nabuo ang kamalayan sa bayan ni Uncle Sam. Na  ang binuno ay ang paggawa ng pelikula.

Nanirahan sa bansa. Nakapag-asawa ng Pinay.

Naka-ikot sa sirkulo ng aktres na si Vivian Velez na kasama naman noon sa radio program niya ang scriptwriter ng iba’t ibang estasyon na si Raymond Diamzon.

Kaya nabuo ang  collab nila sa pelikulang Pater Noster. Na ang napili ng direktor na si Moutaz Kotrob na gumanap  na mag-ama sa istorya ay sina Archi Adamos at Arron Villaflor.

Nailapit sa Viva Films ng kanilang produksiyon na siyang mag-iikot sa mga sinehan simula Marso 25, 2026.

Si Raymond ang naglagay ng Pinoy flavor sa values at kultura ng mga tauhan sa pelikula. Sa sigalot ng mag-amang saliwa ang naging paniniwala sa pagtahak sa buhay.

Isa sa naging revelation sa ginanap na mediacon ay ang ‘di inasahang pagsiwalat ni Sir Archi sa samahan nila ng pitong anak.

Nag-iisa ang babae. Pero balake na pala niya itong tinawag nang napansin niya at umamin na sa kanya na kapwa babae ang napupusuan.

At wala naman daw problema sa aktor kung saan pinipili ng anak na maging masaya.

Natutuwa naman si Arron na nabigyan siya ng pagkakataon na magawa ang pelikula dahil hindi na rin naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa siyang Bokal sa bayan nila sa Tarlac. At sa termino ni Arron talagang hindi siya pumapalya para maharap ang mga naka-atang na gawain sa balwarte nila.

Stuntwoman ang babaeng kasama sa pelikula. Na naisalang na rin sa ilang proyekto pati sa telebisyon. Si Kaley Carrigan. Na nerbiyos na nerbiyos bago umupo at humarap sa press.

Natuwa dahil nabigyan ng pagkakataon na magamit ang pagbulalas ng emosyon sa kanyang action scenes. Na dati lang  lumilipad ang buong katawan sa pagbuno niya sa kaalaman sa martial arts- judo, acrobatics, parkour, fight choreography, at specialized stunt techniques.

Action-drama ang hatid ng LGK Films ni Kotrob. Na nakakapanood naman ng ating mga lokal na pelikula. At nakikita niya ang husay ng ating mga manggaganap.

At hindi nito kinuha ang  artista niya sa estado nito sa kanyang larangan kundi kung babagay sila sa mga karakter nila.

Impressed  ang karamihan ng press sa nasaksihan nilang kapirot na patikim. Lalo na kay Adamos! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …

Ron Angeles

Ron Angeles bukod tanging tahimik kaugnay ng ‘eskandalo’ 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD tanging si Ron Angeles na lang among the “big four” na nasangkot …

Arron Villaflor

Arron Villaflor nagsalita ukol sa leaked video, nagpakalat kakasuhan

HARD TALKni Pilar Mateo NAGSALITA na sa kanyang Instagram account ang aktor na si Arron Villaflor hinggil sa sinasabing  …

V Mapa Batch 86 40th yr

V Mapa Batch ‘86 40th yr gaganapin sa March 28!  

MATABILni John Fontanilla ISANG bonggang selebrasyon ang magaganap sa March 28, 1:00 to 6:00 p.m. …