Saturday , April 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Music Travel Love

Music Travel Love inihayag Philippine Tour sa Hunyo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

KINIKILALA ngayon bilang pinakamahusay at powerful social media presence ang Canadian brother duo na sina Bob at Clint Moffatt o mas kilala bilang Music Travel Love.

Mula Gen X, Millennials hanggang sa Baby Boomers konagigiliwan ang dalawa. Tinatawag na nga sjlang seasoned entertainers na sa edad na 4 nagtatanghal na sila professionally at umabot na sa mahigit 6,000 live na pagtatanghal.

Sa pagdaan ng panahon nakasama na nila sa pagtatanghal ang dalawa pang kapatid na sina

Scott at Dave sa pamamagitan ng The Moffatts na may kontrata sa Polydor Records sa Nashville. Noong panahong iyon, maituturing na sila ang pinakabatang banda na pinapurma ng major label recording contract.

Sa kabuuan ng kanilang karera, nakabenta sila ng mahigit sa pitong milyong record (isa pang 6 na milyon sa pamamagitan ng Asian black market), nakapagtala ng 11 album, may Gold at Platinum records sa 32 bansa, gumanap sa isa sa mga unang binayaran na konsiyerto sa China, gumanap sa kauna-unahang outdoor stadium na konsiyerto sa Vietnam at, hanggang ngayon, may hawak na mga record sa pagbebenta ng album para sa isang international act sa Pilipinas, Indonesia, at Singapore.

Nobyembre ng 2018, nag-release ang duo ng 

series ng traveling videos, ito ang Music, Travel, Love. Pinagsama ang kanilang pagmamahal sa  music, travel at family, inikot nina Bob at Clint ang buong mundo para hanapin ang mga pinakamagagandang destinasyon para mag-film ng mga video na nagtatampok ng mga nostalgic na kanta ng pag-ibig at ng sarili nilang mga orihinal.

Lalo pang umigting ang pagmamahal ng kanilang fans nang umusbong ang channel nila sa YouTube. Nagkaroon sila ng milyon-milyong 

tagasunod, na nagbibigay-daan sa kanila na madala sa magagandang destinasyon o ma-enconced sa mga kakaibang lugar, habang dinadala ang mga nakapapawi na harmonies ng kanilang mga paboritong kanta.  Ang Music Travel Love ay literal na nagbibigay sa mga tagasunod ng soundtrack para sa kanilang buhay.

Mula sa mga video na ito kasama ng kanilang mga social media platform, nakakuha sila ng fan base na mahigit 25+ milyong tagasubaybay, na naglagay sa kanila sa TOP 1% ng mga social media influencer at TOP 1% ng musical streaming artists sa buong mundo.

Kaya naman para mas marami ang makapanood sa kanilang Music Travel Love—Philippine Tour 2026 ang mga ticket ay ise-sale simula ngayong arawMarch 4, 2026, 12 noon.  

Mabibili ang tiket sa lahat ng SM Ticket & TicketNet outlets o mag-log sa  www.smtickets.com o tumawag sa 8470-2222 / TicketNet outlets o sa Ticketnet.com.ph o da 8911-5555 para sa iba pang detalye.

Para sa concert sa Waterfront Cebu City Hotel & Casino sa June 27, 2026, 8:00 p.m.. ang mga presyo ng tiket ay ang mga sumusunod:

VIP – Reserved Seating – P4,790

GOLD – Reserved Seating – P3,730

SILVER – Reserved Seating – P2,660

BRONZE – Free Seating – P1,600 

BALCONY – Free Seating – P850 

*Inclusive of ticket service charge

Sa New Frontier Theater, Quezon City, sa Sunday, June 28, 2026, 8:00 p.m. ang mga tiket ay mabibili sa:

Orchestra VIP – Reserved Seating – P6,095 

Orchestra B – Reserved Seating – P5,300

Orchestra C – Reserved Seating – P4,505 

Balcony VIP (Loge) – Reserved Seating – P5,565 

Balcony 1 – Reserved Seating – P4,240

Balcony 2 – Reserved Seating – P3,180 

*Inclusive of ticket service charge

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Eddie Bong Soriano The Bravest Knight

Pinoy animator nominado sa 2026 Canadian Screen Awards

ISA na namang Pinoy animation artist ang kinilala sa global entertainment stage. Dahil sa galing …

Beautéderm Rhea Tan namahagi ng tulong delivery riders tricycle drivers

Beautéderm CEO na si Rhea Tan, namahagi ng tulong sa 200 delivery riders at tricycle drivers 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NABIYAYAAN ang 200 delivery riders at tricycle drivers ng mga …

Sofia Pablo Allen Ansay Marco Masa Charlie Fleming Michael Sager Kira Balinger Josh Ford Sean Lucas Anthony Constantino

Sofia at Allen masusubok ang lakas

HARD TALKni Pilar Mateo INTERNET culture. Deep rooted folklore.  Franco Mortiz ang direktor. Si Ays de Guzman ang …

Salome Salvi

Kasong isinampa kina Salome at Tyo Bri ng KSMBPI tuloy pa rin

HARD TALKni Pilar Mateo TULOY pa rin ang paghahatag ng kaso ni Dr. Michael Raymond A. …

Anton Vinzon Kamao

Anton Vinzon muling sasabak sa aksiyon

I-FLEXni Jun Nardo INAABANGAN ng fans kung sino ang magiging leading lady ni Anton Vinzon sa launching …