Saturday , April 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Innervoices

Innervoices band pahinga muna

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

KUNG may simula, may katapusan. O pahinga muna ba uli o watak na?

Marami ang nalungkot sa bumulagang balita na disbanded na ang bandang Innervoices na kinabibilangan ng founder nilang si Atty. Rey Bergado kasama ang vocalist na si Patrick Marcelino, gayundin sina Rene Tecson (guitar), Alvin Herbon (bass), Joseph Cruz (keyboard), at Jojo Esparrago (percussion).

Ang dahilan, one year contract lang daw ang pinag-usapan nila ng mga ka-grupo, ayon kay Atty. Rey na nabasa namin sa post ni Wendell Alvarez, isa ring manunulat at close sa grupo.

Nang uriratin ni Wendell kung paano na ang grupo, tugon ni Atty Rey, “May mga negosyo naman sila at may mga trabaho. Isa pa alam naman nila na talagang 1 (one) year lang kami, at saka matatanda na kami hayaan natin ang mga batang banda na sila naman ang tulungan ninyo,” post ni Wendell noong February 28, 2026.

Nang uriratin namin si Atty Rey ukol sa nabalitaan, sagot nito, napagod na lang lahat.

Kinabukasan, March 1, 2026, isang post ang nakita namin mula sa kanilang Innervoices Facebookpage. 

Anang post, “Dear friends, we would like to express our appreciation to all of you for supporting our music through the years. With much gratitude, we are now taking an indefinite leave from the band scene.”

Sa nasabing post limang rason ang ibinigay na dahilan sa sinasabing indefinite leave ng banda. Ito ay ang: Medical, Fatigue, Business interests, Stress management, at Recharging of the mind and spirit.

Sinabi pa sa post na, “We love music so much that we wish to be fair to the craft by not pursuing it half-heartedly.”

Nagsimula ang career ng InnerVoices taong 1991 na tanging sina Atty Rey na nasa college pa noon kasama ang kaklase sa Letran College, si Porong de Torres (tatay ng The Voice Kids  runner-up na si Esang) ang magkasama sa banda.

Sumunod na taon nadagdag si Ruben Tecson bilang drummer nila at taong 1993 nang magsimulang tumugtog sa  Art’s Venue.

Nagkawatak-watak ang grupo late ‘90s para harapin ang kani-kanilang professional careers. 

Pagkaraan ay nadagdag sa grupo si Joseph Cruz, (keyboardist), na uncle nina Rayver at Rodjun Cruz, Geneva, Sunshine, at Donna Cruz.

Taong 2000 nang mapasok sa grupo si Jojo Esparago (drums at percussions).

Si Angelo Miguel naman ang naging bokalista ng grupo noong taong 2016. Ang Keyboardist na si Jeffrey Vertudazo ang nag-recruit kay Angelo at nagpakilala kay Atty Rey.

At dahil sa kanilang mga trabaho at kabi-kabilang gigs napagdesisyunan nilang mamahinga. Taong 2022 nang muling i-revive ni Atty Rey ang Innervoices. At sa 19 East sila unang tumugtog.

The music industry became alive again after pandemic struck,” ani Atty Rey sa isa niyang interbyu. “I kept in touch with all of the members of InnerVoices. We have our group chat and we never really lost touch. We really decided to have our reunion once the economy becomes active again.”

Tumugtog na rin ang Innervoices sa Hard Rock Café, Bar 360 sa Newport World Resorts, at Aromata Restaurant sa Quezon City.

Muling nagpahinga ang grupo nang mawala ang kanilang vocalist at muling nagbalik last year kasabay ng rebranding ng grupo. Bilang pop rock band at may bagong vocalist, si Patrick.

Simula nang magbalik ang Innervoices maraming show na silang pinagtatanghalan. Mula sa Hard Rock Cafe sa Makati, hanggang sa Noctos Bar sa QC, sa 12 Monkeys sa Estancia at marami pang iba. Nakapag-release rin sila ng mga awitin tulad ng Idlip, Saksi Ang Mga Tala, Sayaw Sa Ilalim ng Buwan, at 

Handa Na Kitang Mahalin na tinangkilik at kinagigiliwan. 

Nasabi minsan nina Patrick, Atty Rey, at ng iba pang grupo na ang kanilang pagbabalik ay naglalayong magbigay ng inspirasyon sa susunod na henerasyon para ipagpatuloy ang kultura ng banda. Maaaring tahimik ang mga tagahanga, ngunit nananatili silang nakatuon sa kulturang nagtataguyod ng koneksiyon, pag-ibig, pagkakaibigan, at pagtakas sa pamamagitan ng live na musika.

Nabuwag man muli o naka-indefinite leave mula sa band scene mananatili ang musikang ipinarinig ng grupong Innervoices. Umaasa kaming isang araw, bubulaga muli ang grupo para mag-alay at magparinig ng magagandang musika at tinig.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Eddie Bong Soriano The Bravest Knight

Pinoy animator nominado sa 2026 Canadian Screen Awards

ISA na namang Pinoy animation artist ang kinilala sa global entertainment stage. Dahil sa galing …

Beautéderm Rhea Tan namahagi ng tulong delivery riders tricycle drivers

Beautéderm CEO na si Rhea Tan, namahagi ng tulong sa 200 delivery riders at tricycle drivers 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NABIYAYAAN ang 200 delivery riders at tricycle drivers ng mga …

Sofia Pablo Allen Ansay Marco Masa Charlie Fleming Michael Sager Kira Balinger Josh Ford Sean Lucas Anthony Constantino

Sofia at Allen masusubok ang lakas

HARD TALKni Pilar Mateo INTERNET culture. Deep rooted folklore.  Franco Mortiz ang direktor. Si Ays de Guzman ang …

Salome Salvi

Kasong isinampa kina Salome at Tyo Bri ng KSMBPI tuloy pa rin

HARD TALKni Pilar Mateo TULOY pa rin ang paghahatag ng kaso ni Dr. Michael Raymond A. …

Anton Vinzon Kamao

Anton Vinzon muling sasabak sa aksiyon

I-FLEXni Jun Nardo INAABANGAN ng fans kung sino ang magiging leading lady ni Anton Vinzon sa launching …