Monday , April 15 2024
Cignal Entertainment Showbiz Caravan

Kapatid Happy Hallo-WIN
CIGNAL ENTERTAINMENT SHOWBIZ CARAVAN, AARANGKADA SA SABADO

ISANG masayang Hallo-WIN na puno ng treats mula sa mga Kapatid star ang magaganap sa unang pasada ng Cignal Entertainment Showbiz Caravan sa October 29, 2022, Sabado, sa Starmall EDSA Shaw.

Sa unang pagkakataon, matutunghayan sa iisang entablado ang mga bida ng original Cignal Entertainment offerings sa TV5 – ang Sing GalingSuntok Sa BuwanSing Galing KidsOh My Korona, at Kalye Kweens.  

Simula 1:00 p.m., magbubukas ang event center para sa iba’t ibang exciting games at activities, tampok ang Reelstars booth na on-the-spot makagagawa ng Reels ang mga mall goer for a chance na bumida sa isang Reelserye. 

By 2:00 p.m., simula na ang walang humpay na kantawanan, sayawan, chikahan, at maritesan with Kapatid stars Morissette, Rey Valera, Elijah Canlas, Paulo Angeles, Jairus Aquino, Pooh, Queenay, Zendee, Mari Mar Tua and more. Magpapakitang-gilas din sina Singtokers Ari G, Daniel, Yanyan, at Gab; at ang rising P-pop girl group na BLVCK ACE. Mangagamusta rin si Reelfriend Katkat Manimtim mula sa Reelverse. 

Maaari ring suwertehin ang mga manonood sa mga ipamimigay na goodies mula Cignal brands tulad ng CignalPlay.

Ito ang all-in-one mall show, fancon, at Halloween party na ‘di dapat palampasin ng mga Kapatid at Ka-Cignal!  Abangan din ang next stop ng Cignal Entertainment Showbiz Caravan sa Vista Mall Taguig sa November 19, 2022. 

Tuloy-tuloy naman ang saya at drama sa Cignal Entertainment shows. Mapapanood sa TV5 ang Sing Galing at Suntok Sa Buwan tuwing Lunes, Martes, at Huwebes mula 6:30 p.m., at ang Sing Galing KidsOh My Korona, at Kalye Kweens tuwing Sabado mula 6:00 p.m. Maaari ring balik-balikan ang mga episodes sa CignalPlay via desktop and mobile app. 

Sundan ang Cignal Entertainment on Facebook, Instagram, Twitter, YouTube, and TikTok for more updates! 

About hataw tabloid

Check Also

Isko Moreno

Yorme Isko tiniyak ‘di na tatakbo sa halalan 2025

I-FLEXni Jun Nardo SARADO na ngang talaga ang pinto ng politika kay Isko Moreno Domagoso kahit nasa …

Regal Entertainment

Regal magiging aktibo muli 3 pelikula sunod-sunod na gagawin 

I-FLEXni Jun Nardo FULL blast ang Regal Entertainment ngayong 2024 dahil tatlong projects ang naka-line up nitong …

blind item

Direk nabigla Boytoy may kasamang Gay Foreigner

ni Ed de Leon NA-SHOCK si Direk. Kasi aminado naman siyang nagkaroon ng misunderstandings ng kanyang Boytoynoong …

Andres Muhlach Atasha Muhlach Da Pers Family

Bayani nag-fearless forecast: Andres at Atasha Muhlach magiging superstar

HATAWANni Ed de Leon TALAGANG gumawa ng fearless forecast ang komedyanteng si Bayani Agbayani na darating ang …

Alden Richards

Alden napika na: Kung sa tingin nila bading ako, fine

HATAWANni Ed de Leon “KUNG sa tingin nila bading ako fine,” sabi na lang ni Alden Richards doon …