Thursday , June 4 2026
yosi Shabu

2 durugistang bebot, 5 pang adik tiklo sa pot session

WINASAK ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den na pinamumugaran ng mga durugistang adik sa Barangay  Poblacion, sa lungsod ng Baliwag, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng gabi, 28 Pebrero.

Humantong ang ikinasang operasyon sa pagkaaresto sa pitong indibiduwal at pagkakakompiska ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga P40,800.

Kinilala ng pinuno ng PDEA team ang mga naarestong suspek na sina alyas Gelo, 29 anyos; alyas Ric, 30 anyos; alyas Kel, 32 anyos; alyas Nick, 33 anyos; alyas Enzo, 50 anyos; at ang dalawang babaeng suspek na sina alyas Annie, 47 anyos; at alyas Mitch, 32 anyos.

Nakompiska ng operating team ang halos anim na gramo ng hihinalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P40,800; iba’t ibang drug paraphernalia; at marked money.

Ayon sa ulat mula sa PDEA, naaktohan ang mga suspek habang nasa kainitan ang isinasagawa nilang pot session.

Ang mga nahuling suspek ay pansamantalang ipipiit sa kulungan ng PDEA-3 sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga.

Isinagawa ang operasyon sa pangunguna ng PDEA Bulacan Provincial Office kasama ang PNP Provincial Intelligence Team Bulacan West Regional Intelligence Unit 3.

Mahaharap ang mga arestadong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …