Wednesday , March 22 2023
Ai Ai delas Alas Ivy Lagman Darryl Yap

Persona non grata kina Ai Ai at Darryl pwedeng bawiin; We just want a sincere apology — Lagman

POSIBLENG mapawalang bisa ang ipinataw na parusang “persona non-grata” kina Ai Ai delas Alas at VinCentiments director Darryl Yap kung maglalabas sila ng sincere public apology, ito ang iginiit kahapon ni QC District IV Councilor Ivy Lagman.

Martes, June 7 nang inaprubahan ang inihaing resolusyon ni Lagman na nagdedeklara ng persona non-grata sa dalawa. Ito ay dahil sa inilabas na campaign video na idinirehe ni Darryl noong Abril na si Ai Ai ang bida at gumanap na Mayor Ligaya Delmonte. Nasa video ang triangular seal ng Quezon City at para kay Konsi Ivy ay “kabastusan” ang ginawa rito.

“We just want an apology. And ‘pag sincere naman ‘yung public apology siguro the next city council can lift that,” ani Lagman. “Kung mag-apologize sila, sincere apology in public, eh baka po ma-lift ng city council ‘yung status ng persona non grata.”

Nilinaw naman ni Lagman na bagamat napatawan ng “persona non-grata” sina Ai Ai at Darryl, maaari pa rin silang makapunta at makapasok sa Quezon City.

“It’s just a sentiment of the city council. Nobody is stopping her to go to Quezon City. Ito po ay parang symbolic lang po ito, na ayaw po namin ng ginawa ninyo. So parang, it’s officially ide-declare ka naming persona non-grata, you are an unwelcome person. But still, pwede pa naman siyang pumunta.

“Hindi naman po tayo maglalagay ng parang patrol na magche-check kung sino ‘yung mga hindi pwedeng pumunta ng Quezon City. This does not curtail your freedom to travel and that’s mandated by the Constitution,” pahayag pa ni Lagman.

Samantala, habang isinusulat ito’y wala pa ring pahayag o reaksiyon sina Ai Ai at direk Darryl.

About hataw tabloid

Check Also

Yassi Pressman Nadine Lustre James Reid Issa Pressman

Nadine may buwelta kina Issa at Yassi

I-FLEXni Jun Nardo NAGKAGULO na naman ang netizens nang dahil sa isyung sangkot sina James Reid, Issa …

Blind Item gay sex

Male starlet nakatikiman ng kung ilang beses si matinee idol

ni Ed de Leon IGINIGIIT ng isang male starlet na noong araw daw ay nakilala na niya …

Eat Bulaga EB Dabarkads

Kasikatan ng Eat Bulaga wa epek kahit may mga matsutsuging dabarkads

HATAWANni Ed de Leon MUKHANG hindi nga maiiwasang may mawala rin sa “dabarkads” ngayon ng Eat …

Gabby Concepcion

Gabby ‘di pa tatanggap ng lolo role kahit magkaka-apo na

HATAWANni Ed de Leon BAGAMAT sa tunay na buhay ay magiging lolo na si Gabby Concepcion mahigit …

Benz Sangalang

Benz Sangalang, thankful sa magagandang project at pag-aalaga ng Viva

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IBANG level na ang paghataw ng career ni Benz Sangalang. …