Friday , June 24 2022
Tank Davis Mayweather Rolando  Romero

 ‘Tank’ Davis huling laban na si Romero sa ilalim ng Mayweather Promotions

DESIDIDO si Gervonta ‘Tank’ Davis na kumalas na sa Mayweather Promotions pagkatapos ng laban niya kay Rolando  Romero.  

“I neet to control my own career,”  pahayag niya.

Idinaan ni Davis sa Twitter ang kanyang pagkadismaya kung paano patakbuhin ng Mayweather Promotions ang kanyang career.

Sa panayam kay Davis  ng “Last Stand Podcast with Brian Custer,” na kinunan noong Abril 7 pero nung May 23 lang ini-released, sinabi niya roon ang katotohanan ng kumakalat na haka-haka na lilisanin na niya ang Mayweather Promotions.

Sa kickoff press conference para ianunsiyo ang laban ni Davis sa Showtime pay-per-view laban kay Romero sa Sabado, may inilabas na pasubali  si Custer sa kanyang podcast.  Unang tanong niya kay Davis:   “Has the time come for Tank Davis to take control of his own career and leave Mayweather Promotions?”

“It doesn’t necessarily have to be leaving Mayweather Promotions,” paglilinaw ni  Davis. “It’s about just, you know, becoming that man to handle your own, you know, responsibility, your own priority. I feel as though it’s my career so I feel as though I need to be the one to control my career, you know what I mean. And it’s time. Everybody doesn’t need to have training wheels on them forever. It’s time to ride their own bike without training wheels.”

 “So this is your last fight with Mayweather Promotions?”

“Yes sir,”  walang kagatul-gatol na sabi ni Davis.

Humingi rin ng komento si Custer kay Davis tungkol sa sinabi ni Floyd Mayweather Jr.  sa isang panayam  ng FightHype.com pagkaraang isatinig ni Davis ang kanyang nasasaloob.

Nung March, sinabi ni Mayweather ang pananaw niya tungkol sa pahayag ni Davis:  “Nothing lasts forever. I will always love Tank. I like him. Love him – look at him as a son. He has to do what’s best for him. I feel like I’ve done a great job thus far, building him and putting him in good fights, great fights. He’s steady growing, he’s steady learning. I’m proud of him.”

Pahayag naman ni Davis kay Custer: “I feel as though the feeling is mutual. I don’t have bad blood with Mayweather Promotions. I’m definitely appreciative of what they have done for me over the years. There’s no love lost. It’s just time for me to grow up and be my own, you know, my own man.”

Ang  Baltimore-bred na si Davis ay dumistansiya ngayon kay Mayweather habang nagpeprepara sa laba niya kay Romero.

About hataw tabloid

Check Also

Prgrama sa Karera

Programa sa Karera
(Huwebes – San Lazaro)

WTA  (R1-7) RACE 1    1,400 METERS XD – TRI – QRT – DD1 PHILRACOM – …

Chess Professor Lim Kok Ann Invitational

Filipino IM  Dimakiling nananalasa sa Grand Copthorne Prof. Lim Kok Ann Inv’l GM Tournament  sa Singapore

NAGPATULOY ang pananalasa ni Filipino International Master Oliver Dimakiling sa Grand Copthorne Professor Lim Kok …

Julius Francis

Pasaway na sinapak ng dating British heavyweight champion plastado

TULOG ang pasaway na lalake na dumuro sa dating British heavyweight champion Julius Francis,  na …

LeBron James

Lebron malabong manatili sa  Lakers

UMAASA ang Los Angeles Lakers na pipirma ng ‘contract extension’ si LeBron James  bago pa …

Gilas Pilipinas Youth U16 vs Japan

2022 FIBA Asia U16
GILAS PILIPINAS YOUTH TALO SA JAPAN

TINIBAG ng Japan U16 national team (2-0) ang Gilas Pilipinas Youth U16, 73-67 sa preliminary …