Monday , July 4 2022
Yassi Pressman Rolling In It Philippines

Yassi epek ihilera kay Kris; bagong Hugot Queen 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKAE-EXCITE ang bagong show ni Yassi Pressman na Rolling In It Philippines sa TV5. At in fairness, mahusay siyang game show host kahit first time lang niyang ginawa ito. Marami nga ang nakapansin na pwede siyang ihilera kay Kris Aquino bilang ang Queen of All Media ang reyna sa game show host noon.  

Lively, witty, at mabilis ang catch up ni Yassi sa pagho-host. Pero aminado ang aktres na malaking pressure ang bagong trabahong ibinigay sa kanya ng Viva.

“A, host sa MTV what was I did when I was younger. Pero ‘yun lang, game show host hindi. Isa nga sa napapanood ko noon si Ms Kris Aquino na ang galing-galing. Ang laking pressure ng pagiging game show host for me. Sapat ba ako? Kaya ko ba? Noong una sinabi ko po na hindi, ‘wag na lang ako kasi nga baka hindi ko kaya,” ani Yassi after ng press edition game sa Rolling It In kahapon.  

Ang nakatutuwa sa pagho-host si Yassi may mga hugot line siya tulad ng, “mahirap talagang maiwang mag-isa pero madali namang maka-recover.”

Bagamat parang pabiro iyon, hindi maiwasang maintriga ang press kung half-meant ba ang hugot line niyang iyon.

“Maraming beses naman po noon na naiiwan po ako, eh. Kaya okay lang naman po,” natatawang sagot nito nang usisain sa one on one. “Pero marami rin po kaming sinasabi rito na just for laughs, just for fun, alam n’yo po ‘yun?

“At saka para po ‘yung mga audience natin, maka-relate po ‘yung iba kasi ‘yun ‘yung lagi po nilang sinasabi sa mga episode po namin. ‘Ay, naka-relate ako rito, ay, naka-relate ako riyan.

“That’s one of the lessons din po na I learned. ‘Yun siguro, try to be a little bit more funny, kasi sobrang corny ko po talaga, ganyan,” sambit pa ng aktres.

At nilinaw niya na wala naman siyang partikular na tao na tinutukoy sa kanyang hugot line at lalong hindi sa lovelife department iyon.

“Ay hindi naman po, hindi naman love life department. Pero noong bata po ako nangyari na po ‘yun sa akin, alam n’yo na po ‘yun,” aniya pa.

At dahil sa mga hugot ni Yassi nausisa ang nakumusta ang kanyang puso na sinagot naman niya ng, ‘super happy.’ 

Pero ayaw namang magbigay ng detalye ukol sa lovelife bagamat kinompirmang may special someone na siya. At kahit tinanong kung taga-showbiz iyon o non-showbiz, walang nakuhang sagot ang entertainment press. 

“’Yung clue po, sa next season na lang ng Rolling It In,” natatawang wika pa ng aktres.

Samantala, aminado si Yassi na mahirap din para sa kanya ang pagkawala ni Susan Roces na matagal din niyang nakasama at nakatrabaho sa Ang Probinsyano

“After ko pong manggaling sa wake, siguro I was able to let her know how I feel. It was very emotional for me yesterday din po. Siguro kaya rin po wala akong boses kasi hindi rin ako masyadong nakatulog kasi syempre, the last time I was there was for my Dad,” ani Yassi.

Ani Yassi galing siyang Bacolod  nang mabalitaan ang tungkol sa pagpanaw ni Ms. Susan. 

Pagbabahagi ni Yassi, last month lang  siya nag-message rito pero ang nag-reply ay ang apong si Bryan Llamanzares.

Nagtaka nga raw siya kung bakit hindi si Tita Susan ang nag-reply at tinanong niya si Bryan kung ok lang ba ang veteran actress.

“Sabi naman ni Bryan, she’s okay. So hindi na po ako nagtanong. But I just couldn’t believe that that happened,’” sabi pa ni Yassi.

Sa kabilang banda, masaya si Yassi na marami ang natutuwa sa style ng hosting niya sa Rolling It In ng TV5 na muling nagbabalik para sa Season 2.       

Ibabahagi muli ni Yassi  ang kanyang hosting prowess sa bagong season ng programa, na mapapanood sina Nadine Lustre, Youtube sensation Chad Kinis, at theater-star Jerald Napoles sa pilot episode nito sa May 28, 7:30 p.m.. Maliban sa showbiz stars, mapapanood din sa brand new season ang mga sports personalities, comedians, at iba pa.

Mapapanood ang catch-up episodes sa Cignal TV CH. 3 at SatLite CH. 30. Maaari ring mag download ng Cignal Play App para mapanood ito Live at On-demand para sa Android at iOS users.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Blind Item, Mystery Man in Bed

Ilang male stars inilalako ng Malate pimp sa mga bading

ni Ed de Leon KABILANG ang ilang male stars at maraming personalities na rin na winners umano …

The Juans KDR Music

KDR Music ni Kuya Daniel magpo-produce ng concert

HATAWANni Ed de Leon NGAYON, talagang pinasok na ng KDR Music ni Kuya Daniel Razon ang produksiyon ng mga …

AMBS

Channel 2 ng AMBS magbubukas na

HATAWANni Ed de Leon NAKATUTUWANG isipin na sa mga dalawang buwan mula ngayon, muling magbubukas …

Allen Ansay Sofia Pablo

Allen at Sofia nilalanggam sa ka-sweetan

I-FLEXni Jun Nardo HAYAGAN na ang pagpapakilig  sa social media ng Sparkle artist na si Allen Ansay sa fans …

Alden Richards

Pandesal pictorial ni Alden makalaglag-panty 

I-FLEXni Jun Nardo LAGLAG-PANTY na, tulo-laway pa ang mga girl, matrona at bekis nang i-flex …