Monday , July 4 2022

Cavite, Caloocan chessers humataw agad sa panimula ng  PCAP online chess tourney

MANILA—Malakas na sinimulan ng Cavite Spartans at Caloocan Loadmanna Knights ang kanilang kampanya matapos magtala magkahiwalay na panalo sa opening round ng 2022 Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) nung Sabado virtually na ginanap sa chess.com platform.

Ang Cavite Spartans na iniangat  nina NM Darian Nguyen at CM Jayson San Jose Visca ay nakaungos sa Laguna Heroes, 13-8, habang ang Caloocan Loadmanna Knights ay nirendahan nina IM Paulo Bersamina at IM Jan Emmanuel Garcia na namayani sa Quezon City Simba’s Tribe, 14-7, para manguna sa 24-team, two-division tournament.

Tinalo ni Nguyen si Fide Master Austin Jacob Literatus, 3-0, habang panalo si Visca kina Richie Jocson at Christian Nanola sa blitz at rapid matches ayon sa pagkakasunod para pangunahan ang Spartans sa tagumpay.

Kasama nina Nguyen at Visca na naglabas ng husay  si AFM Eduardo Tunguia na binokya si Fide Master Jose Efren Bagamasbad sa senior board, si  AGM Voltaire Marc Paraguya ay tumabla  kay AGM Kimuel Aaron Lorenzo at draw rin  kay Jocson; si Renie Malupa ay  tabla kay Vince Angelo Medina,1.5-1.5, at si Lloyd Rubio angat kay Nanola.

Si WNM Jean Karen Enriquez ang lumaban ng husto sa Laguna na giniba si Diana Ramos sa lady board. Si Lorenzo ay panalo naman kay Rubio sa kanilang rapid encounter.

Maganda rin ang ipinakita ng Caloocan kung saan tiniris ni Bersamina si Noel Jay Estacio, 3-0; pinagpag ni Garcia si Fide Master Carlos Edgardo Garma, 3-0; angat si IM Chito Garma kay Danilo Ponay, 2.5-0.5; winasiwas ni Paul Sanchez si Freddie Talaboc, 2-1; at lusot si Alexis Emil Maribao kay NM Robert Arellano, 2.5-0.5.

Bida naman si 1996 Philippine Junior Champion Fide Master Robert Suelo Jr. sa Quezon City matapos bokyain si IM Barlo Nadera, 3-0, habang pinagpag ni Michaela Concio si WNM Arvie Lozano, 2-1.

-Marlon Bernardino-

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Alex Eala nagpapakita ng progreso sa laro sa W25 Palma del Rio Singles, Doubles

NAGPAMALAS ng bagsik sa laro si Alex Eala ng Pilipinas nang magposte ito ng impresibong …

Rolando “Rolly’ Romero Gervonta ‘Tank’ Davis

Romero vs Davis magkakaroon ng rematch

SINABI ni Rolando “Rolly’ Romero na naghahanda na siya para sa rematch nila ni WBA …

Russell Westbrook

Westbrook mananatili  sa Los Angeles Lakers

NAGDESISYON si Los Angeles Lakers guard Russell Westbrook na tanggapin ang kanyang $47.1 million option …

PSC Rise up Shape up

PSC’s “Rise Up! Shape Up!” nakatuon sa iba’t ibang programa sa nakalipas na anim na taon

NAKATUON ang Philippine Sports Commission (PSC), sa pamamagitan ng Women in Sports Program,    sa kababaihan …

Laro’t Saya sa Parke PSC’s Rise Up Shape Up

‘Laro’t Saya sa Parke’ sa PSC’s Rise Up Shape Up

BILANG suporta ng Philippine Sports Commission’s (PSC) para i-promote at patatagin ang sports development sa …