MADIDISKAREL muli ang matagal nang inaasahan ng boxing fans ang paghaharap nina Kazuto Ioka at Roman ‘Chocolatito’ Gonzales sa isang superfight. Noong Biyernes ay nagbigay ng utos ang World Boxing Organization (WBO) kay four-division at kasalukuyang junior bantamweight champion Ioka na harapin niya sa susunod niyang laban ang mandatory challenger at dating four-divison titleholder Donnie “Ahas” Nietes. Ang dalawang panig …
Read More »Gamas kampeon sa Mistica 10-ball championship
ITINALA ni Edwin Gamas ang First Maestro Mistica Custom Cues 10 Ball Open Tournament sa kanyang mahabang talaan ng mga tinamo niyang karangalan nang maghari siya nitong Linggo sa prestihiyosong torneyo na sumargo sa Bowling and Billiards, Sta. Lucia Mall sa Cainta, Rizal. Tinalo ni Gamas si Bryant Saguiped (8-7), sa semi-final round at Franz de Leon (9-3), sa finals …
Read More »Legarda nangako sa Rizal ng makataongsolusyon laban sa climate change
INIHAYAG ni Antique Representative, at kandidato sa pagka-Senador, na si Loren Legarda ang kanyang planong gumawa ng mga solusyong makatao sa probinsiya ng Rizal, na isa sa mga probinsiyang lubhang apektado ng ‘climate change.’ Sa isang pagtitipon sa Taytay, Rizal, sinabi ni Legarda, ang makataong pamamaraan ay ang pagbase ng mga desisyon sa mga polisiyang naghihimok ng sustainable development upang …
Read More »Robin Padilla and crew spent one week in West Philippine Sea to assess situation aboard fishing vessel for love of country
One issue that has been a major flash point in the news the past so many years have been the situation faced by our fisher folk in the disputed areas located in the West Philippine Sea. And because of the fishing ban imposed by China off the coast of Busuanga, the lives of our fishermen and those who reside in …
Read More »PDP LABAN suportado si Belmonte sa QC
SINUPORTAHAN ng PDP-Laban Quezon City council ang kandidatura ni Mayor Joy Belmonte sa pagka-alkalde ng lungsod. Sa pahayag ng partido na ibinahagi nitong weekend, sinabi ng PDP-Laban, napagkaisahan ng lahat ng miyembro nito na iendoso si Belmonte dahil sa magandang ipinakita nitong “serbisyo publiko” maging ang mga pagbabago at kaunlarang nangyari sa lungsod sa ilalim ng pamumuno ng Mayora sa …
Read More »Away ng mga Marcos at Aquino tapos na — Angeles
SA PAGTUNTONG ni presidential frontrunner Ferdinand Marcos, Jr., sa Tarlac kasama ang kanyang UniTeam ay tila pagpapakita na tapos na ang away ng mga kulay sa lalawigan. Ito ang inihayag ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles na nagsabing simula na ang pagkakaisa. Kilala ang Tarlac na balwarte ng pamilya Aquino simula pa noong panahon ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino, …
Read More »Robredo, take-charge player sa basketball — Guiao
NAGPAHAYAG ng suporta at aktibong nangangampanya ang PBA Coach na si Yeng Guiao para sa kandidatura ng presidential candidate at bise presidente na si Leni Robredo. Marami ang nakapansin na laging suot-suot ni Guiao ang pink mask sa tuwing may laro sila ng basketball. Sa labas ng hardcourt, naglalaan ng oras ang coach para sa iba’t ibang outreach programs para …
Read More »Kakampings: Boto wag sayangin Ping Lacson dapat piliin
UPANG masiguradong hindi maliligaw sa pagpili ng nararapat na presidente sa loob ng susunod na anim na taon, pursigidong nagbayanihan sa pangangampanya para kay presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson ang kanyang mga lehitimong tagasuporta. Iba’t ibang pamamaraan ang ginamit ng solid Lacson supporters na boluntaryong nangampanya at ipinakita ang kanilang presensiya hindi lamang sa mga komunidad ngunit maging sa social …
Read More »LEED Gold Certificate tinanggap ng MTPC ni MPIC Chairman & President Manny Pangilinan
TINANGGAP ng Metro Pacific Tollways Corporation (MTPC) South sa pamamagitan ni Metro Pacific Investment Corporation (MPIC) Chairman & President Manny Pangilinan, ang Leadership in Energy and Environmental Design (LEED) Gold Certificate mula sa Green Business Certification. Ang LEED ay ipinagkakaloob bilang pagkilala sa kahusayan ng isang kompanya sa kanilang green building, electricity cost savings, lower carbon emissions, & healthier environment. …
Read More »Tsikahan nina Ciara at Iwa kina Ping-Sotto aliw
NAGMISTULANG memory lane ang nangyaring interbyu nina Ciara Sotto at Iwa Moto kina presidential bet Ping Lacson at running mate niyang si Tito Sotto. Refreshing pa ito bilang pambalanse sa mga nag-aaway-away sa politika. Ipinakita sa Youtube interview ang mga lumang litrato nina Sen Lacson at Senate President Sotto. Hindi nga napigilang matawa ni Ciara nang ipakita ang picture ng kanyang daddy Tito noong 1977 na payat …
Read More »Pagdawit sa ama pinalagan ni Lopez
MARIING kinondena ni Atty. Alex Lopez ang pahayag ng Asenso Manilenyo sa paratang tungkol sa kanyang ama. Ayon kay Lopez, ang pagdawit sa pangalan ng kanyang yumaong ama, nakabababa ng moralidad at hindi angkop para sa isang sibilisadong lipunan. Tinangka ng mga taong nasa likod ng Asenso Manilenyo na patahimikin ang oposisyon upang protektahan ang kasalukuyang administrasyon ng lungsod. Nagbanta …
Read More »Paghahanda sa Ramadan nilahukan ni Alex Lopez
NAGTUNGO si Atty. Alex Lopez sa Golden Mosque and Cultural Center sa Globo de Oro St., Quiapo, Maynila nitong Huwebes ng umaga. Dumalo at nakiisa si Atty. Lopez sa kinaugaliang seremonya ng paglilinis ng Mosque bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Ramadan na magsisimula sa Sabado, 2 Abril hanggang 2 Mayo ng taong kasalukuyan. Nakibahagi ang Philippine Coast Guard (PCG) upang …
Read More »434 OFWs nakauwi mula sa Ukraine
INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may kabuuang 434 overseas Filipinos mula sa Ukraine ang natulungan ng pamahalaan. Ayon sa DFA may kabuuang 394 overseas Filipino workers (OFWs) kabilang ang mga Pinoy seaman ang naiuwi sa bansa mula sa Ukraine, habang ang natitirang 40 ay inilikas sa mga karatig bansa.Kabilang sa mga bagong naiuwi sa Filipinas ang 30 …
Read More »Mangingisda huli sa baril at shabu
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang mangingisda na nakuhaan ng baril at shabu nang sitahin ng mga pulis dahil walang suot na damit habang naglalakad sa Navotas City. Kinilala ni Navotas City police chief, Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Angelito Jaime alyas Guko, 20 anyos, (user/listed) ng B. Cruz St., Brgy. Tangos North. Ayon kay Col. …
Read More »‘SINUBANG’ P203-B ESTATE TAX INHUSTISYA SA POBRENG PINOY (Marcos kapag hindi pa nagbayad)
ANG hindi pagbabayad ng mga pananagutan sa buwis ng pamilya ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos, Sr., kahit ang mga ordinaryong Filipino ay obligadong sumunod sa batas, “ay sumasalamin sa isang malaking pagkakahati at kawalan ng hustisya.” “Ang karaniwang Filipino, kapag malinaw sa kanila na may dapat ibigay sa pamahalaan, kusang loob nilang ginagawa,” sabi ng abogadong si Alex …
Read More »Willie sa fake news: “di ko papatulan, kahit sabihin n’yong walanghiya ako
SA pamamagitan ng kanyang show na Wowowin: Tutok Para Manalo, na napapanood sa Youtube at Facebok, nagsalita na si Willie Revillame tungko sa isyu sa kanya na pinagsisisihan na raw niya ngayon ang paglayas sa GMA 7 para pamunuan ang Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS), na pagmamay-ari ni Sen. Manny Villar. Balitang si Willie raw ang magpapatakbo nito kapag …
Read More »Melai at mga anak hinaharas, pinagbabantaan ng mga anti-Leni
ISANG netizen ang galit na galit kay Melai Cantiveros na halatang tagasuporta ni Presidentiable Bongbong Marcos. Sa isang campaign rally kasi ng tumatakbo ring presidente na si Vice President Leni Robredo, na naging isa sa host si Melai, ay nagsalita ito ng against kay Bongbong. Kaya siguro ‘yun ang dahilan kung bakit galit na galit nga sa kanya itong isang …
Read More »Nikki sa mga bumabatikos sa kanya bilang Kakamping — Lahat tayo gusto ng magandang kinabukasan sa mas magandang Pilipinas
NAKABIBILIB ang paninindigang political ni Nikki Valdez. At maayos niyang naipaliwanag kung bakit si Vice President Leni Robredo ang sinusuportahan niya sa pampanguluhan sa darating na eleksiyon sa Mayo 2022. At kahit pinuputakte siya ng mga basher na nagnenega sa kanyang post sa Instagram ukol sa paninindigan niyang political, sinagot niya ang mga ito ng maayos. Nag-umpisa ang pampba-bash sa …
Read More »Barbie proud na marunong nang magmaneho
IBINAHAGI ni Barbie Forteza ang isang personal achievement niya, ang pagmamaneho. Marunong na kasing magmaneho ang 24-year-old Kapuso Primetime Princess matapos mag-enroll sa isang kilalang driving school. “I feel more independent and nararamdaman ko na talagang tumatanda na ako. Hindi na kailangan palaging nandiyan ang daddy ko para ipag-drive ako. Siyempre may times na dapat ako na lang mag-isa, kaya …
Read More »Iya nakapag-bungee jumping habang buntis
INIHAYAG ni Iya Villania na nag-bungee jumping siya sa unang pagkakataon nang hindi niya alam na ipinagbubuntis na pala niya ang anak na si Leon. Ibinahagi ito ni Iya sa show nila ni Camille Prats na Mars Pa More, nang sabihin ng kanilang guest na si Bianca Umali na hindi pa siya nakakapag-bungee jumping. Sa segment na On The Spot, …
Read More »Mike Enriquez gagawa ng paraan para makatulong sa mga nagda-dialysis
SA naging karanasan ni GMA News pillar Mike Enriquez sa sakit sa bato o kidney, nakita niya ang hirap ng mga tao na may katulad ng karamdaman niya lalo na ang mga kapos sa pinansiyal. Kaya naman inihayag ng batikang broadcaster ang hangarin niyang tumulong sa iba ngayong nalampasan na niya ang pagsubok makaraang sumailalim sa kidney transplant. “‘Pag pinagdaanan …
Read More »Sean nawindang sa Eskanadalo
INAMIN ni Sean de Guzman na nawindang siya sa unang araw pa lamang ng shooting ng pelikulang Iskandalong Viva Films na idinirehe ni Roman Perez, Jr.. “Day one ng ‘Iskandalo,’ kagigising ko pa lang, kinakatok na ako ng isang production staff. First scene ako na kukunan then intimate scenes pa. Sabi ko, ang ganda ng almusal ko, tapos ‘yung isang …
Read More »Ogie kay Oro: ipapuputol ko ang notes ko! ‘Wag eksaherada
“IPAPUPUTOL ko ang notes ko.” Ito ang hamon ni Ogie Diaz nang mag-trending ang sinabi ni Elizabeth Oropesa na ipapuputol niya ang kanyang dalawang paa kapag napatunayang hindi totoo ang kanyang sinasabi. Sinabi ni Oro na “hindi bayaran” ang mga artistang sumusuporta sa presidential candidate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. gayundin sa running mate nitong si Sara Duterte kaya …
Read More »Granada pinaglaruan sa inuman construction worker arestado
NASAKOTE ng pulisya ang isang lalaking sinabing nagpatong ng isang hand grenade sa ibabaw ng kanilang mesa habang nag-iinuman kasama ang tatlong iba pa sa Brgy. Eden, bayan ng San Manuel, lalawigan ng Isabela, nitong Lunes ng gabi, 28 Marso. Kinilala ng San Manuel MPS ang suspek na si Romel Velasco, 37 anyos, construction worker, na ayon sa mga nakasaksi …
Read More »LIDER NG BAYAN SA ILOILO INARESTO (Matapos ‘markahang pulahan’)
DINAMPOT ng mga tauhan ng pulisya at miIitar nitong Martes, 29 Marso, ang lider ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa isla ng Panay na sinampahan ng kasong murder at attempted murder kaugnay sa pananambang ng mga hinihinalang komunistang rebelde sa mga sundalo noong 2020. Dinakip si Elmer Forro, secretary general ng Bayan sa Panay, kahapon ng madaling araw sa isang …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com