Wednesday , November 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
mike tyson punch fan plane

Mike Tyson hindi sasampahan ng ‘criminal charges’ sa pananapak sa airport

MAKAKAHINGA na nang maluwag si Iron Mike Tyson pagkaraang malaman na hindi siya sasampahan ng ‘criminal charges’ dahil sa insidente ng panununtok niya sa isang pasahero sa eroplanong sinasakyan.

Sinabi ng San Mateo County District Attorney nung Lunes na dahil sa   “the conduct of the victim leading up to the incident, the interaction between Mr. Tyson and the victim, as well as the requests of both the victim and Mr. Tyson”  ay walang isasampang demanda sa makasaysayang heavyweight champion.

Malaking bagay para kay Mike ang naging desisyon ng kinauukulan dahil kung susulong ang demanda ay nahaharap siya sa posibilidad na ‘muliple criminal charges’ pagkaraang sapakin niya ang lalake sa mukha sa SFO  sakay ng JetBlue plane nung Abril 20.

“We thank San Mateo District Attorney Stephen Wagstaffe, the San Mateo County Sheriff, and all law enforcement agencies involved in this investigation for their careful, diligent, and professional work,” sabi ng mga  abogado ni  Tyson na si  attorneys, David Z. Chesnoff, Richard A. Schonfeld at Martin A. Sabelli.

Depensa ng  mga abogado ni Tyson  na binato ng lalake ng water bottle ang kanilang kliyente    at patuloy na ininis nito ang dating kampeon kaya napikon ito.   Itinatwa ng abogado ng nagsasakdal na walang ibinatong bote pero inamin nito na ang masyadong ‘overly excited’ ang kanyang kliyente  sa nasabing insidente.

Si Stephen Wagstaffe, ang San Mateo County D.A ay nagsabi na sina Tyson at ang nagrereklamo ay hindi na gustong humantong pa sa korte  ang insidente.  

“Our decision is that we will not file any charges against Mr. Tyson based on the circumstances surrounding the confrontation,” pahayag ni San Mateo County District Attorney Steve Wagstaffe  sa isang statement na nakuha  ng NBC News. “These include the conduct of the victim leading up to the incident, the interaction between Mr. Tyson and the victim, as well as the requests of both the victim and Mr. Tyson that no charges be filed in this case.”

Pagkaraan ng sapakan sa airport, madalas na makita si Tyson sa publiko  na  nakangiti sa fans, nagpapakuha ng mga larawan kasama ang kanyang mga supporters, at minsan pang nakita siya na naninigarilyo kasama sina Ric Flair at Rick Ross.

Si Tyson, 55, ay isa sa matagumpay na  boxers sa kasaysayan, nagtala ng unang 37 professional fights at nagretiro sa boksing na may 50-6 record.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Zaldy Co Goitia

Goitia sa mga Pahayag ni Zaldy Co: “Part 2 na, Wala Pa Ring Matibay na Ebidensya”

Ang ikalawang video ni Rep. Zaldy Co ay halatang idinisenyo upang makalikha muli ng ingay. …

NU LADY BULLDOGS, KAMPEON NG SSL 2025 PRESEASON

NU LADY BULLDOGS, KAMPEON NG SSL 2025 PRESEASON!
Nag-4-Peat Matapos Manaig sa UST Golden Tigresses sa Epic 5-Setter Finals

HISTORIC SWEEP: National University (NU) Lady Bulldogs, walang-talong inangkin ang ikaapat na sunod na Shakey’s …

FPJ Youth 4000 biktima bagyong Uwan

Sa kanilang 2-relief drive
FPJ Youth namahagi ng mainit na pagkain sa 4,000 biktima ng bagyong Uwan

NAGHATID ang FPJ Youth ng mainit na pagkain sa mahigit 4,000 indibiduwal sa walong probinsiya …

DOST DICT FMOGH

Cybersecurity Essentials Workshop for First Misamis Oriental General Hospital

#YourDICTRegionX continues to champion a cyber-secure Northern Mindanao! On October 16, 2025, the DICT Region …

DOST RIC Citronella

Citronella Convention Culminates with a Call for Collaboration and Action

LAL-LO, CAGAYAN — The 1st Regional Citronella Convention held in Lal-lo, Cagayan concluded on a …