Wednesday , November 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo Biado Hanoi SEA Games

31st SEA Games
BIADO UMABANTE SA QUARTERFINALS

HANOI — Hindi natinag ang kasalukuyang US Open champion Carlo Biado  sa mahirap na laban kontra kay Darry Chia ng Malaysia para itarak ang panalo sa 9-7 nung Sabado at umabante sa quarterfinals ng men’s 9-ball singles sa pagpapatuloy ng 31st Vietnam Southeast Asian Games.

Umalagwa sa 8-3 kalamangan si Biado, 38,   nang pumaltos siya sa seven-ball para magkaroon ng pagkakataon na makabalik si Chia sa laban nang magrehistro ito ng apat na sunod na racks.

Hindi nagtuluy-tuloy ang suwerte ng kalaban at nang nagkaroon ng pagkakataon si Biado, ang 2017 singles champion sa Kuala Lumpur, Malaysia na makabalik sa mesa ay tinapos na niya  laban.

Si Biado na bronze medalist sa 9-ball doubles ng 2019 Philippine SEA Games na kapartner si Johann Chua ay makakaharap ang mananalo sa labang Thaw Ztet ng Myanmar at Charmrine Touch ng Cambodia.

Isa pang Pinoy entry, si Jeffrey roda, ay sumulong din sa last eight ng men’s snooker 6-red singles, nang talunin niya si Nguyen Pham Hoai ng Vietnam 5-4.

Sa quarterfinals, makakasagupa ni Roda ang mananalo sa labang Chun Kiat Lim ng Singapore at  Kritsanut Lertsattayathorn ng Thailand.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NU LADY BULLDOGS, KAMPEON NG SSL 2025 PRESEASON

NU LADY BULLDOGS, KAMPEON NG SSL 2025 PRESEASON!
Nag-4-Peat Matapos Manaig sa UST Golden Tigresses sa Epic 5-Setter Finals

HISTORIC SWEEP: National University (NU) Lady Bulldogs, walang-talong inangkin ang ikaapat na sunod na Shakey’s …

GAP Cynthia Carrion

Makabuluhang mga medalya para sa mga magkakampeon sa World Junior Gymfest – Carrion

ANG mga medalya na iginagawad sa mga nagwawagi sa mga pandaigdigang paligsahan sa palakasan ay …

PSC BSC MSU

Marawi, Umuusbong Bilang Lupain ng Pangako para sa mga Talento sa Palakasan

LUNGSOD NG MARAWI — Sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Bangsamoro Sports Commission (BSC), …

DSAS

DSAS balik sa Megatrade Hall ng SM Megamall

DAMHIN ang pangunahing palabas ng mga baril, kaligtasan, at responsableng pagmamay-ari sa bansa sa Nobyembre …

bagyo

Live shows, basketball games, out of town kanselado kahapon 

I-FLEXni Jun Nardo KANSELADO ang ilang live shows at out of town appearances ng ilang …