Friday , March 31 2023
KICKBOXING

Hanoi  SEA Games
PH KICKBOXING NAKASISIGURO NG  8 MEDALYA

NAKASISIGURO ang kickboxing ng Pilipinas na mapapanatili nila ang overall title  nang makatiyak  ang walong atleta  sa medalya sa 31st Southeast Asian Games sa Martes sa Bac Ninh provincial gymnasium.

Si Zephania Ngaya ay nag-bye para sa paniguradong silver medal sa women’s 65 kgs class of full contact.   Haharapin niya ang mananalo sa pagitan nina Huyinh Thi Aikvee ng host Vietnam at Jessie Yothawan ng Thailand para sa final set sa Biyernes.

Apat pang Filipina kickboxers ang sigurado sa bronze pagkaraang makakuha sila ng byes.

Si Renalyn Dacquel ay puwedeng makasungkit ng bronze medal kung tatalunin niya si Boonpeng Kanwara sa women’s full contact -48 kgs class fight na itinakda sa Martes.

Haharapin ni Gretel De Paz kanino man kina Le Thi Nhi ng Vietnam o Pieter Friandra Ariesta ng Indonesia para sa gold medal round ng -56 kg sa women’s full contact  sa Miyerkules.

Makakasagupa ni Claudine Veloso si Vietnamese Bui Hai Linh sa semifinals ng 52 kgs women’s low kick class, at si  Gina Iniong ay makakaharap si Malaysian Radzuan Hayatun Nahijin sa semifinals ng 60 kg women’s low kick event. 

Inaasahan ng Samahang Kickboxing ng Pilipinas na pinamumunuan ni President Francis “Tol” Tolentino na ang pitong bronze  at isang silver ay magiging  gold medals sa final day ng kickboxing.

Si dating wushu champion Jean Claude Saclag ay nakakasiguro na sa bronze medal nang talunin niya si Saouliyavong Latxasak ng Laos nung Linggo via 3-0.

Sina Honorio Banario at Emmanuel Cantores ay nakasama ni Saclag na potensiyal na makakasungkit ng ginto nang dispatsahin nila ang kani-kanilang kalaban nung Lunes.

Umiskor si Banario ng 3-0 win laban kay Indonesisan Tanoi Yermias Yohanes sa quarterfinals  sa male low kick -71 kg class at tinalo naman ni Cantores si Malaysian Ain Kmarrudin, 3-0 sa quarterfinals phase ng low kick -60 division para umabante sa semifinals stage.

Yumuko naman si Daryl Chulipas kay Indonesia’s Salmri Stendra, 0-3, sa men’s full contact 51 kg quarterfinals.

About hataw tabloid

Check Also

George Clevic Daluz Golden Goggles swim series

Daluz ng Batangas tatlong medalyang ginto sa Golden Goggles swim series

PINANGUNAHAN ng tubong Batangas na si George Clevic Daluz ang limang promising tanker para sa …

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …