Thursday , March 30 2023
QC jail riot

Biyernes 13: 1 patay, 7 sugatan sa riot na sumiklab sa QC jail

PATAY ang isang preso (person deprived of liberty o PDL) makaraang mabaril habang pito ang sugatan sa sumiklab ang riot sa Quezon City Jail Male Dormitory nitong Biyernes ng hapon.

Sa inisyal na imbestigasyon ni P/EMSgt. Jimmy Sanyuran ng Quezon City Police District – Kamuning Police Station 10 (QCPD – PS10), pasado 3:00 pm, kanina, Biyernes, 13 Mayo, nang magsimula ang gulo sa piitan na matatagpuan sa Bernardo Compound, Brgy. Kamuning sa lungsod.

Nagsimula ang riot sa pagitan ng grupong Batang City Jail at Commando na hindi pa batid kung ano ang dahilan.

Ang presong namatay ay may tama ng bala sa katawan mula sa sumpak.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng namatay at ng mga sugatan sa naturang riot.

(ALMAR DANGUILAN)

About hataw tabloid

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …