Thursday , March 23 2023
Kickboxing Francis Tolentino

National team pinuri ni SKP President Senator  Tolentino

PINURI ni Kickboxing ng Pilipinas (SKP) President Senator Francis “Tol” Tolentino ang national team bago bumalik sila sa Manila kahapon.  Dala nila sa bansa ang two gold, four silver, at two bronze medals mula sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam.

“We salute their discipline that led to their success. It was satisfying and their training was really effective, they were really focused and disciplined,” sabi ni Tolentino. “That’s why the Samahang Kickboxing ng Pilipinas is very elated with the result.”

 Sina Jean Claude Saclag (men’s 63.5 kgs low kick) at si Gina Iniong Araos (women’s 60 kgs low kick) ay nanalo ng gintong medalya na itinuturing ni Tolentino na dahil sa dedikasyon at disiplina ng atleta sa naging high-altitude training sa Mountain Province ng ilang buwan bago pa ang Games.

Sina Claudine Veloso, Gretel de Paz, Zephanya Ngaya at  Renalyn Daquel ay nakasungkit ng silver medals, samantalang sina  Honorio Banario and Emmanuel Cantores ay tumangay ng  bronze bawat isa.

 Ibinulsa ni Veloso ang silver sa women’s low kick 52 kgs, si De Paz ay sa women’s full contact 56 kgs,  si Ngaya ay sa women’s full contact 65 kgs at Daquel sa women’s full contact 48 kgs.

Magpapaiwan si Saclag sa Vietnam para suportahan ang kampanya ni Iniong at Ngaya sa Vovinam.

About hataw tabloid

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …