Monday , May 16 2022
Vietnam SEA Games

31ST SEA Games
MGA VENUES  SA  SEA GAMES BUBUKSAN PARA SA MANONOOD

HANOI—Sinabi ni Philippine Sports Commission Commissioner Ramon Fernandez nung Martes  na papayagan  ang mga manonood para masaksihan at magbunyi sa atleta sa ‘competition venues’  ng 31st Southeast Asian Games.

Si Fernandez, ang chef de mission ng bansa sa Games ay dumalo sa unang chef de mission meeting sa Hyatt Regency West Hanoi na kung saan  ang 11 CDMs  ng 11 national Olympic committee ay naroon  para pasinayaan ang pagtitipon.

“The host country will open the venues to fans and spectators as long as they strictly follow health and safety protocols,” sabi ni  Fernandez, na dumalo sa meeting kasama  si Liza Ner ng PSC International Games Secretariat.

Maliban sa football, sinabi ni Fernandez na walang ‘fees’ na sisingilin sa entrance sa lahat ng venues ng kompetisyon sa 39 sports mula sa opening ceremonies ng laro sa Thursday hanggang sa closing rites sa May 23.

“Tickets will only be sold during football matches where a large volume of spectators are expected,” sabi ni  Fernandez.

Sa pagbubukas ng gates sa publiko, isinaboses  din ni Fernandez ang kapakanan at kaligtasan ng mga Pinoy na atleta para makaiwas sa Covid-19, na senigundahan naman ng Indonesia at Singapore at suportado ng lahat ng CDMs.

“Vietnam organizers assured that health protocols will be in place by wearing masks and the strict implementation of social distancing,’’ sabi ni  Fernandez.

Ang iba pang ‘concerns’ ay tinalakay sa CDM meeting na isinulong ni Fernandez ang isyu ng pagkakaroon ng medical room, na naka-istasyon  sa headquarters ng Philippine delegation.

Tinalakay din ang pagkakahanay para sa Team Welcome Ceremony para sa Team Philippines at iba pang bansa sa  Miyerkules bago pa ang opening rites.

Ang partisipasyon ng bansa sa 11-nation multi-sports meet ay pinondohan ng PSC, ang government arm in sports, para pasiglahin ang misyon na mapanatili ang titulo  ng 908-strong delegation kasama dun ang 641 atleta mula sa 38 sports.

About hataw tabloid

Check Also

Kickboxing Francis Tolentino

National team pinuri ni SKP President Senator  Tolentino

PINURI ni Kickboxing ng Pilipinas (SKP) President Senator Francis “Tol” Tolentino ang national team bago …

Hanoi SEA Games Philippines Gold

Hanoi  SEA Games
TOP-THREE FINISH HANGAD NG TEAM PHILIPPINES

HANOI — Naging napakadali para kay Olympian Ernest John Obiena na mapanatili ang kanyang pole …

Carlo Biado Hanoi SEA Games

31st SEA Games
BIADO UMABANTE SA QUARTERFINALS

HANOI — Hindi natinag ang kasalukuyang US Open champion Carlo Biado  sa mahirap na laban …

Canelo Alvarez Dmitry Bivol

Canelo babawian si Bivol sa kanilang rematch

NAGBIGAY na paniniguro si Canelo Alvarez  sa kanyang promoter na si Eddie Hearn na hindi …

31st SEA Games Hanoi Vietnam

POC, PSC  nagbigay ng inspirasyon sa mga atleta sa Hanoi

HANOI — Nagbigay ng pampasiglang salita ang mga sports leaders ng bansa sa miyembro ng …