Monday , December 30 2024

hataw tabloid

Depensa ni Velasco pinuri ng solon (Red-tagging inupakan)

LUBOS ang pasasalamat ni ACT Teachers Partylist Rep France Castro kay House Speaker Lord Allan Velasco sa ginawang pagtatanggol at pagbibigay proteksiyon sa Makabayan Bloc laban sa akusasyon ni Armed Forces of the Philippines-Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade na ang mga progressive lawmakers ay ‘miyembro’ ng Communist Party of the Philippines (CPP). Sa panayam kay Castro ng …

Read More »

Bahay ng retiradong pulis sa Albay, nilamon ng apoy P1.7-M natupok (Nakaligtas sa bagyong Rolly)

fire sunog bombero

NAKALIGTAS man sa pananalanta ng bagyong Rolly, nawalan pa rin ng bahay ang pamilya ng isang retiradong pulis nang masunog ang kanilang bahay dahil sa napabayaang may sinding kandila nitong Miyerkoles ng gabi, 4 Nobyembre, sa lungsod ng Legazpi. Ayon kay Senior Fire Officer 2 Lito Patricio, hepe ng Intelligence and Investigation Division ng Legazpi City Fire Station, nagsimula ang …

Read More »

Katapatan sa SALN kasamang ipinangako sa botante (PACC sa House leadership)

SUPORTADO ni Presidential Anti-Corruption Commission(PACC) Commissioner Greco Belgica ang naging hamon sa liderato ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Lord Allan Velasco na isapubliko ang kanilang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) sa katuwirang una ang transparency at accountability sa mga ipinangako sa kanilang mga botante nang sila ay nangangampanya. Ayon kay Belgica, obligasyon ng mga mambabatas na …

Read More »

Kolehiyala natagpuang patay sa loob ng bahay (Sa Olongapo)

dead

NATAGPUANG may mga saksak sa katawan at wala nang buhay ang isang 20-anyos babae sa loob ng sariling bahay nitong Lunes ng umaga, 2 Nobyembre, sa lungsod ng Olongapo, lalawigan ng Zambales.   Kinilala ang biktimang si Jennifer Dela Cruz, residente sa Barangay New Cabalan, may tatlong saksak ng kutsilyo sa kaniyang leeg.   Ayon sa pulisya, mayroon na silang …

Read More »

Barangay chairman sa Abra patay sa pamamaril

dead gun police

BINAWIAN ng buhay ang isang kapitan ng barangay nang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek, nitong Martes ng umaga, 3 Nobyembre, sa bayan ng Bangued, lalawigan ng Abra.   Kinilala ng mga imbestigador ang biktimang si Jason Bergonia Garcia, 34 anyos, residente at kapitan ng Barangay Lingtan, sa naturang bayan, na nagmamaneho ng isang trak nang pagababarilin ng mga suspek …

Read More »

BL series, pinagsawaan dahil sa bidang actor na bading na bading

MAY pumuna na kapansin-pansin daw batay sa record na mas marami ang nanood ng isang bading serye noong una iyong ipalabas sa internet. Nabawasan sa kanilang ikalawang episode ang bilang ng audience, at noong ikatlong pagkakataon, mas kumaunti pa ang audience sa kabila ng kabi-kabilang promo niyon sa internet, katulong pa ang nga troll na nagpapanggap na kinikilig sila sa …

Read More »

Residente sa Sitio Kinse, nakasumpong ng bagong tahanan

BULAKAN, Bulacan — Ang mga natitirang nakatira sa Barangay Taliptip na pagtatayuan ng P740-bilyong Manila International Airport ay nakalipat na sa kanilang bagong-gawang bahay sa Barangay Bambang bago pa dumating ang bagyong Rolly. Ayon sa mangingisda na si Teody Bacon at ibang pang kapitbahay na taga-Sitio Kinse, hindi na nila katatakutan ang malakas na hangin at alon sa paglipat nila …

Read More »

Public officials maging mabuting ehemplo — Go

WELCOME development kay Senator Christopher “Bong” Go ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga alegasyon ng pang-aabuso na sinabing ginawa ni Philippine Ambassador to Brazil, Marichu Mauro, laban sa kanyang Filipino household staff member. “Paalala ko lang na ang mga opisyal ay public servants — trabaho natin na mapangalagaan ang kapakanan ng bawat Filipino. Dapat …

Read More »

House leadership hinamon maglabas din ng SALN

MATAPOS isapubliko ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), hinamon din ni Act Teachers Partylist Rep. France Castro ang mga kapwa mambabatas sa pangunguna nina House Speaker Lord Allan Velasco, House Majoriy Leader Martin Romualdez at iba pang matataas na opisyal ng Kamara na ilantad din ang kanilang assets alinsunod sa itinatakda sa Republic Act 6713 (An …

Read More »

P58-M naabo sa Legazpi Mall

fire sunog bombero

TINATAYANG aabot sa P58,000,000 ang naiwang pinsala nang masunog ang warehouse at convention center ng LCC Mall sa lungsod ng Legazpi, sa lalawigan ng Albay, kamakalawa ng gabi, 1 Nobyembre.   Ayon kay Fire Senior Supt. Renato Capuz, direktor ng BFP Bicol, natupok ng apoy ang tatlong warehouse ng LCC Department Store at Concourse Convention Center sa Barangay Baybay, sa …

Read More »

Presyo ng bilihin sa mga palengke pinababantayan (Sa Maynila)

INATASAN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso si Market Administrator Zenaida Mapoy na tiyaking walang aabuso sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga pampublikong pamilihan sa Lungsod ng Maynila matapos ang pananalasa ng bagyong Rolly.   Ito’y upang masiguro na makakakain nang sapat at masustansiya ang bawat pamilyang Manileño sa gitna ng pandemya at kalamidad.   Siniguro ng Market …

Read More »

Pagtatatag ng ospital sa SUCs, isinusulong ni Angara (Healthcare system ng PH, posibleng maibangon)

KAILANGAN tayong magkaroon ng mga ospital sa loob ng state universities and colleges (SUCs) para mas mapalakas ang ating sistemang pangkalusugan. Ito ang ipinahayag ngayon ni Senador Sonny Angara, kaugnay ng patuloy na kakulangan sa mga hospital beds para sa mga iko-confine na pasyente. Ani Angara, nang kasagsagan ng pananalasa ng CoVid-19 sa bansa, isa ang kakulangan ng hospital beds …

Read More »

Manila Water Laboratory Services, kinilala bilang Laboratory of Excellence

KINILALA kamakailan ang Manila Water Laboratory Services (MWLS) bilang Laboratory of Excellence makaraan ang isinagawang proficiency testing ng Waters ERA nitong Agosto at Setyembre ng taong kasalukuyan, na inihambing ang MWLS sa higit 300 iba pang laboratoryo sa buong mundo. Bilang pagtataguyod sa mga sertipikasyon at akreditasyong natanggap nito, sinikap ng MWLS na matamo ang pagkilala bilang pagpapatunay na ang …

Read More »

Biyaheng Ligtas, Ngayong Undas 2020

Pasig, Philippines — Oktubre 24, 2020 — Ngayong papalapit na ang Undas, marami sa atin ang marahil ay naghahanda na sa pagbisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay, lalo na’t naiiba ang magiging pag-obserba sa mahalagang araw na ito ngayong taon. Kamakailan, inanunsyo ng mga awtoridad na pansamantalang isasara ang mga sementeryo mula Oktubre 29 – Nobymebre 4 para …

Read More »

Manila Water Foundation, nagdala ng tulong sa Quezon sa gitna ng Bagyong Pepito

KASABAY ng hagupit ng bagyong Pepito sa Lalawigan ng Quezon, agad nagtungo ang Manila Water Foundation (MWF) sa Lungsod ng Lucena nitong 21 Oktubre upang magpadala ng dalawang trak ng maiinom na tubig at pagkain sa mahigit 7,000 naapektohang mamamayan. Ayon sa advisory dakong 5:00 am, inilahad ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) unit ng Quezon Province na ang …

Read More »

Binatilyong inireklamo ng pananaksak, itinumba sa barangay hall

knife saksak

PATAY ang isang binatilyo nang pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang mga suspek sa Barangay 56, Zone 5, Tondo, Maynila nitong Miyerkoles. Kinilala ang biktima na si Deejay Cabilin, 14 anyos. Sa CCTV, makikitang nakaupo ang biktimang si Cabilin kasama ang isang grupo sa covered court sa tabi ng barangay hall, 11:00 pm nang dumating ang dalawang lalaking lulan ng …

Read More »

Khabib tagilid kay Gaethje

NAKAPANAYAM  si Justin Gaethje ni Kevin Iole ng Yahoo Sports at pinag-usapan nila ang nalalapit na pinakamalaking laban nito sa kinatatakutan at ang walang talong si Khabib Nurmagomedov (28-0).  Ang sagupaan  ay mang­yayari sa Oktubre 24, 2020. Pananaw ni  Iole, si Gaethje ay isang kumple­tong fighter na may napakagandang skill na magiging problema ni Khabib.   Taglay pa nito ang collegiate …

Read More »

Katiwalian sa public bidding sa mga barangay sa Maynila, tutuldukan

NAGLABAS ng memorandum ang Manila Barangay Bureau (MBB) para sa lahat ng punong barangay  kaugnay ng public bidding sa mga barangay. Ayon sa MBB magtata­laga sila ng kawani na magsisilbing tagasubaybay  sa mga gagawing public bidding para sa gagawin nilang mga proyekto. Ang paglalabas ng memo, ay kasunod ng mga katiwalian ng ilang barangay sa usapin ng mga proyekto na …

Read More »

10,000 residente sa Maguindanao nawalan ng tahanan (Dahil sa matinding pagbaha)

flood baha

UMABOT sa 10,000 residente ang nawalan ng tahanan sa bayan ng Pagalungan, sa lalawigan ng Maguindanao, dahil sa matinding bahang hatid ng buntot ng bagyong Pepito at hanging habagat, noong Martes, 20 Oktubre. Kasalukuyang nananatili ang mga apektadong residente sa mga itinayong pansamantalang shelter sa kahabaan ng national highway. Matatagpuan ang Pagalungan sa tabi ng Liguasan Marsh, isang malawak na …

Read More »

2 pump boat lumubog 4 nawawala, 11 nailigtas (Sa Tawi-tawi)

PINAIGTING ng magkasanib puwersa ng pulisya at Coast Guard ang search and rescue operations upang mahanap ang apat na pasahero ng isang motorized pump boat na tumaob sa tubigan ng bayan ng Simunul, lalawigan ng Tawi-Tawi, noong Lunes, 19 Oktubre. Ayon kay P/BGen. Samuel Rodriguez, direktor ng Bangsamoro Auto­nomous Region regional police, nauna na nilang nailigtas sa rescue operation ang …

Read More »

2 trigger-happy natiyope sa pulis (Sa Norzagaray)

arrest posas

HINDI umubra ang tapang ng dalawang lalaking nagsisiga-sigaan sa kanilang barangay nang arestohin ng pulisya dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa bayan ng Norzagaray, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 20 Oktubre. Sa ulat na isinumite kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang dalawang suspek na sina Rogaciano Cruz at Anacleto Legaspi na …

Read More »

Sa Palawan… Lalaki sinakmal ng buwaya

SUGATAN ang isang lalaki matapos sakmalin ng buwaya, sa bayan ng Balabac, lalawigan ng Palawan, nitong Miyerkoles, 21 Oktubre. Kinilala ang biktima na si Jomarie “Awal” Diaz, 26 anyos, dinala sa Balabac Rural Health Unit dakong 10:00 am kahapon upang malapatan ng paunang lunas dahil sa mga sugat sa kaliwang hita at kamay. Base sa inisyal na imbestigasyon ng PNP …

Read More »