Saturday , May 28 2022
Chess

Suelo, Bernardino sasabak sa chess simultaneous games sa Dipolog

MAGSASAGAWA  sina Fide Master Roberto Ramos Suelo Jr. at National Master/ United States chess master Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr.  ng  simultaneous exhibition games bilang bahagi ng pagdaraos ng P’gsalabuk Festival Day sa Mayo 13 (Biyernes), dakong 1 p.m. na gaganapin sa Busog 28 Main, National Highway Minaog (Infront DICT) sa Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Sina Suelo at Bernardino ay mapapalaban sa mga napili  at istudyante  ng Zamboanga del Norte sa event na inorganisa at hosted ng Dipolog City Chess Association sa pakikipagtulngan ng Barkadahan Para sa Bansa, Ranell Cendy Ticketing, Busog 28 Fried Chicken at ng Bayanihan Chess Club.

Nakilala si Suelo sa chess world matapos magkampeon sa 1996 Philippine Junior Chess Championships habang naghari naman si Bernardino sa 2005 Arlington, Virginia Open Chess Championships.

Kabiang sa mga imbitadong manlalaro  na kumakatawan sa adult at students ay sina  Bebs Cheng, magkapatid na Ranzeth Marco at Princess Rane Magallanes, Joemel Narzabal at Jillianne Jumalon.

– Marlon Bernardino –

About hataw tabloid

Check Also

Tank Davis Mayweather Rolando  Romero

 ‘Tank’ Davis huling laban na si Romero sa ilalim ng Mayweather Promotions

DESIDIDO si Gervonta ‘Tank’ Davis na kumalas na sa Mayweather Promotions pagkatapos ng laban niya …

PCAP Professional Chess Association of the Philippines

Cavite, Caloocan chessers humataw agad sa panimula ng  PCAP online chess tourney

MANILA—Malakas na sinimulan ng Cavite Spartans at Caloocan Loadmanna Knights ang kanilang kampanya matapos magtala …

Philracom Horse Race

2022 PHILRACOM ‘Gran Copa de Manila Cup’ lalarga sa San Lazaro

KINASASABIKAN na ng racing aficionados ang paglarga ng 2022 Gran Copa De Manila na itatakbo …

Chess

Jayag, Molinyawe kampeon sa Marinduque Rapid Chess tourney

PINAGHARIAN nina John Meneses Jayag at Cleiford Kortchnoi Molinyawe ang kani-kanilang dibisyon sa katatapos na …

Ramon Fernandez SEA games

PH squad nirepresenta ni Mon Fernandez  sa Viet SEA Games closing rites

HANOI – Tunay sa kanyang binitawang salita bilang ‘last man standing’,  nagpaiwan si national team …