Monday , May 29 2023
Kiefer Ravena

Kiefer Ravena kasama sa Gilas na lalaro sa Hanoi SEA Games

NAKASAMA ang pangalan ni  Japan B.League  superstar Kiefer Ravena sa Gilas Pilipinas men’s national basketball team na  magdedepensa ng gintong medalya  sa paparating na Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Sa kasalukuyan ay nasa Japan pa rin si Ravena na may dalawa pang natitirang laro para sa kanyang team na Shiga Lakerstars sa linggong ito.  Inaasahan na susunod na lang siya sa Hanoi para makasama ang buong team.

Makakasama ng 5-time gold medal na si Ravena ang sina Roger Pogoy at six-time PBA Most Valuable Player, June Mar Fajardo.  Kasama rin sa Gilas sina Isaac Go, Mo Tautuaa, Troy Rosario, Lebron Lopez, Matthew Wright, Will Navarro, Kib Montalbo, Kevin Alas at ang nakababatang kapatid ni  Kiefer na si  Thirdy Ravena.

Hindi naman makakasama sa team si Dwight Ramos na maglalaro pa rin sa kanyang team sa Japan na Toyama Grouses.  Wala rin sa listahan si Roberto Bolick na kasalukuyang nasa US dahil sa personal na kadahilanan.

About hataw tabloid

Check Also

BiFin swimming SEA Games

BiFin swimming team impresibo sa kampanya sa SEA Games

KUMPIYANSA si Philippine Sports Hall-of-Famer at Batangas 1st District Congressman Eric Buhain na malaki ang …

PSC Ifugao Laro ng Lahi

MOA signing, PSC at Province of Ifugao para sa Laro ng Lahi hosting

Pormal na nilagdaan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ifugao ang …

PSC Laro ng Lahi

MOA nilagdaan ng PSC, Ifugao para sa Laro ng Lahi hosting

MASAYANG nilagdaan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng pamahalaang panlalawigan ng Ifugao ang memorandum …

Richard Bachmann PSC

PSC bankrolls SEAG participaion, commits continued support

Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann reiterated the agency’s commitment to support elite athletes …

Wesleyan University – Philippines (WUP) Chess Knights

Wesleyan University – Philippines (WUP) Chess Knights nagwagi

MANILA — Nagwagi ang Wesleyan University – Philippines (WUP) Chess Knights nang mauna sa team …