2nd Maharlika Chess Tour 2022

Reyes hari sa Maharlika Chess Tour

NAKUHA  ni Chester Neil Reyes ng Rodriguez, Rizal ang mahalagang  huling  panalo laban  kay Ellan Asuela ng Bacolod City, Negros Occidental sa eleventh at final round para masungkit ang kampeonato  sa 2nd Maharlika Chess Tour 2022 Online Blitz Tournament virtually na ginanap sa lichess platform nung Linggo.

Pagkaraang yumuko  kay National Master Rommel Ganzon ng Cebu sa fifth round, si Reyes ay rumesbak nang may bagsik nang gibain niya sa huling laro si Asuela.

Sapat ang panalong iyon  para mapasakanya ang korona na may may nairehistrong sampung panalo, iskor ding naikamada ni Vince Angelo Medina ng Cabuyao City, Laguna na kanyang tinalo sa tie break points.Naibulsa ni Reyes ang P10,000  habang nagkasya si Medina sa P5,000.