Friday , May 27 2022
Ernesto Bhuboy Guzman Jr

Guzman Jr.  ginto sa 2022 World Poomsae Taekwondo Championship

GOYANG, South Korea – Sumungkit ang 40-anyos na si Filipino jin Ernesto “Bhuboy” Guzman Jr.  ng gintong medalya sa nakaraang 2022 World Poomsae Taekwondo Championships na humataw sa South Korea nung Abril 21 hanggang 24, 202.

Ang gintong medalyang nasungkit niya ngayong taon sa kategoryang male under 50 ay ang kanyang ika- anim na titulo sa world championship sa taekwondo.  Naging mahirap ang kanyang pagsungkit sa titulo dahil sa pagsali ng mga bigating manlalaro mula sa Japan, Singapore, USA, Vietnam at iba pa.

 “Dumaan po ako sa mahigit dalawang buwang ensayo, walong (8) oras kada araw. Napakahirap ng kompetisyong ito dahil ito ang pinakamataas na level ng kompetisyon at nilalahukan lamang ng mga mahuhusay na player sa kanya-kanyang bansa.

Sa unang araw pa lamang ng aking paghahanda ay hindi sumagi sa kaisipan ko na hindi makuha ang ginto. Sabi ko sa sarili ko kung mapaghandaan ko ng mabuti sa ensayo ang competition ay pipitasin ko ng madali ang gintong medalya po, dahil nasa tamang pag-eensayo ang ikapapanalo sa laro,”   kwento ni Guzman sa TFC News.

Bago pa  humataw si Guzman sa face-to-face competition sa Goyang para sa2022 World Poomsae Taekwondo Championships, lumahok muna  siya sa 2022 World Online Poomsae competition kung saan nasungkit  niya ang silver medal.

“Mahalaga din ang panalo sa online dahil dito ay makikita mo ang lakas at kahinaan mo sa poomsae na puwede mong ayusin pagkatapos ng competition mo…

Ito ang nagsilbing daan kung bakit napanalunan ko ang ginto sa world championships dahil sa online poomsae ay nakita ko sa video ang mga strong point and weak point ng mga nakalaro ko at doon ay nag-adjust ako at inensayo ko yung mga dapat kong ensayuhin para sa paghahanda sa world championship sa Goyang.

About hataw tabloid

Check Also

Tank Davis Mayweather Rolando  Romero

 ‘Tank’ Davis huling laban na si Romero sa ilalim ng Mayweather Promotions

DESIDIDO si Gervonta ‘Tank’ Davis na kumalas na sa Mayweather Promotions pagkatapos ng laban niya …

PCAP Professional Chess Association of the Philippines

Cavite, Caloocan chessers humataw agad sa panimula ng  PCAP online chess tourney

MANILA—Malakas na sinimulan ng Cavite Spartans at Caloocan Loadmanna Knights ang kanilang kampanya matapos magtala …

Philracom Horse Race

2022 PHILRACOM ‘Gran Copa de Manila Cup’ lalarga sa San Lazaro

KINASASABIKAN na ng racing aficionados ang paglarga ng 2022 Gran Copa De Manila na itatakbo …

Chess

Jayag, Molinyawe kampeon sa Marinduque Rapid Chess tourney

PINAGHARIAN nina John Meneses Jayag at Cleiford Kortchnoi Molinyawe ang kani-kanilang dibisyon sa katatapos na …

Ramon Fernandez SEA games

PH squad nirepresenta ni Mon Fernandez  sa Viet SEA Games closing rites

HANOI – Tunay sa kanyang binitawang salita bilang ‘last man standing’,  nagpaiwan si national team …