Thursday , March 30 2023
Stephanie Sabalo Michael Angelo Marquez

SEAG Dancesport Champions panauhin sa PSC Rise Up Shape Up

PATULOY na ipinadiriwang ng Philippine Sports Commission (PSC) ang tagumpay ng national team sa katatapos na 31st Southeast Asian Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam.

Ang espesyal na episode ng PSC’s ‘Rise UP! Shape Up! nung sabado na may titulong Step Forward with Steph” ay tampok ang SEA Games award-winning dancesport duo nina Stephanie Sabalo at Michael Angelo Marquez.

Sa  webisode ay ipinamalas  ang ‘graceful movements’ nina Sabalo at Marquez na siyang nanguna sa Dancesport Clinic kasama ang mga kababaihan na may iba’t ibang edad sa isang maliit na komunidad sa Bay, Laguna.

Ang tandem nina Sabalo at Marquez ang namuno sa Philiippines’ dancesports team sa isang matagumpay na SEA Games stint nang sungkitin nila ang unang gintong  medalya ng bansa sa Latin Cha Cha event samantalang silver naman sila sa Latin Five at Five Dances.

 Sa 2019 Philippines SEA Games, ang tambalan nila ay nakasungkit din ng gold medal sa Five Dances Latin at Paso Double at silver sa Kaunas Open na ginanap sa Lithuania. Ang dynamic dance team ay umangat nang husto sa dancesport at umani ng respeto sa global audience.

Nasisiyahan naman si PSC Women in Sports Oversight Commissioner Celia H. Kiram dahil ang duo nina Sabalo at Marquez ay nagkaroon ng oras para ipakita ang basic steps sa dancesport para sa kababaihan sa Bay, Laguna.

“It means a lot that they are sharing their expertise on dancesport because it is one way of inspiring young girls and women to enjoy the sport. This is a way to introduce the sport on the ground as well as show Philippine sports excellence in action,” pahayag ni Comm. Kiram.

 Magbabahagi rin si Kiram ng ‘interesting and fun facts’ sa sayaw sa kanyang regular segment  na “K-Isport.”

About hataw tabloid

Check Also

George Clevic Daluz Golden Goggles swim series

Daluz ng Batangas tatlong medalyang ginto sa Golden Goggles swim series

PINANGUNAHAN ng tubong Batangas na si George Clevic Daluz ang limang promising tanker para sa …

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …